AMARI'S POV Nang maihatid sa akin ni Manang Elena ang mga hinihingi kong gamit ay hinanda ko na ang sarili ko sa pag alis. Buo na ang pasya ko, aalis ako dito sa bahay ni Armando. Nasasaktan man ako ay kailangan kong tatagan ang sarili ko. Mas masakit kasi kung mananatili pa ako dito. Mas nadudurog ang puso ko kung araw araw kong mararanasan ang malamig na pakikitungo sa akin ni Armando. Wala ng saysay ang pananatili ko rito. Nilalagay ko sa maleta ang mga kaunting gamit na dadalhin ko. Habang ginagawa ko yon ay hindi ko maiwasang maluha. Nalulungkot kasi ako sa isiping hanggang dito nalang kami ni Armando. Akala ko pa naman ay totoong mahal niya ako. Isang maling impormasyon lang ay bigla na lang naglaho ang pagmamahal niya. Masama ang loob ko sa kanya pero wala na akong magagawa pa.

