Madaling araw na ay hindi parin ako nakakatulog. Nakahiga lang ako pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Sa katunayan hanggang ngayon ay hawak hawak ko pa rin ang sulat ni Mia sa akin at ilang beses ko na itong paulit ulit na binasa na para bang sa pamamagitan non ay may makuha akong sagot. Sagot sa lahat ng aking katanungan. Ang dami dami na kasing tanong sa aking isipan. Tulad ng anong alam nina Bruce at Brandon? Ano ang ibig sabihin ng sulat na nakita ko sa maleta? Sino si Amari at bakit na kay Mia yon? Saan nanggaling ang mamahaling relo? At higit sa lahat sino ba talaga si Mia? Anong nangyari sa kanya at saan ko siya hahanapin? Mahahanap ko pa kaya siya? Naisip ko ang sulat niya. "Nagpapasalamat ako dahil bawat pagligtas mo sa buhay ko ay nadagdagan ng nadagdagan ang inilalagi

