ARMANDO'S POV Habang nasa loob kami ng sasakyan ay hindi ako mapakali. "Ano ba bro, dahan dahan naman. Mababangga tayo nyan eh." sita sa akin ni Justine. Hindi ko namamalayan na napapabilis na pala ang pagpapatakbo ko. Binagalan ko ang takbo tsaka bumuntong hininga. "Ihinto mo. Ako ng magdadrive." sabi niya sa akin. "No, kaya ko na." Tumingin siya sa akin tsaka bumuntong hininga rin. "Siguraduhin mo lang na hindi tayo madidisgrasya." "Naalala kong pumasok si Mia sa watch store na yon bro." pag iiba ko ng usapan. "Meron ba kayong dalang pera pambili ng ganon kamahal na relo?" "Wala.. sino naman ang gagong magdadala ng ganon kalaking halaga." "Kung ganon walang paraan para mabili niya yan. Meron ba syang dala paglabas niya?" "Wala syang dala." "Bro, paano kung ninakaw niya tala

