Inis niyang inistart ang sasakyan at hindi na nakipag usap pa sa akin. Tumahimik na rin ako baka talagang magalit na siya at masapak pa ako. Nakakatakot pa naman siya pag nagalit, umuusok ang ilong at lumalaki ang butas nito. Nakataas ang kilay na nakasalubong. Mga matang nanlilisik na para bang bubuga ng apoy. Naisip ko tuloy si sangoku sa kanya. Kulang nalang tumayo ang mga buhok niya at magkamukhang magkamukha na silang dalawa. Bigla akong napabungisngis sa aking naiisip kaya lumingon siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Paglingon ko sa kanya ay lalo akong natawa dahil ang mga iniisip ko kani kanina lang ay tumpak na tumpak sa hitsura niya ngayon. Nakatayong buhok nalang ang kulang. Lagyan ko kaya ng hard gel ang buhok niya para tumayo. hehehe. Ngumiti ako sa kanya sabay taas ng k

