CHAPTER 16

1060 Words

"At bakit hindi..? "Mas lalong hindi ka pwede sa inyo Mia. Sabi mo wala ang mga magulang mo kaya walang mag aalaga sayo. Mahina ka pa kaya hindi mo pa kayang mag isa." "Kahit na Armando hindi magandang tingnan na doon ako nakatira sa inyo. Hindi naman tayo mag kaano ano." Bigla akong natigilan. Oo nga naman hindi kami mag kaano ano. Wala akong karapatang pangunahan ang desisyon nya.Pero bakit ang sakit ng dating sa akin. Ilang beses ko ng narinig kay Justine ang salitang yan. Dapat ay sanay na ako. Pero bakit nasasaktan ako ngayon na sa kanya ko mismo narinig na hindi kami mag kaano ano. "Pano kung matunton ka nila sigurado akong alam na nila kung saan ka nakatira." pangungumbinsi ko pa. "Wala man ang mga magulang ko may magpoprotekta sa akin doon. Don't worry ligtas ako sa amin."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD