ARMANDO'S POV Umaga na kaya naupo nalang ako dito sa mini kitchen at nagkape. Paharap ako sa direksyon ng kwarto ni Mia dahil inaabangan ko siyang lumabas. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit siya nagkaganun. Hindi niya naman sinabi kung anong dahilan. Iniwan nya lang ako kahapon sa garden kaya wala akong nagawa. Simula nun ay hindi na kami nagkita dahil hindi na sya lumabas ng kwarto niya. Hindi niya rin ako pinagbubuksan kapag kumakatok ako. Pinapadalhan ko na lang siya ng pagkain kay Manang Elena dahil baka malipasan ng gutom. "Pano kung sabihin ko sayong ikaw ang problema ko Armando?" tumatak sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Makikita sa kanyang mga mata ang sakit na kanyang nararamdaman. "Ako ang problema niya? Then bakit hindi ni

