AMARI'S POV Tawang tawa ako sa hitsura ni Armando. Ang totoo hindi ko naman siya ikinakahiya. Ayaw ko lang na sabay kaming papasok dahil baka may makakita sa amin at kung ano pa ang isipin. Alam mo na, maraming marites sa panahon ngayon. At ayoko na ako ang maging sentro ng usapan. Hindi naman talaga masagwa ang hitsura niya. Sa katunayan ay nagmumukha siyang model sa suot niya. Alam mo yong mga nagmomodel ng mga branded jeans at shirt na makikita mo sa mga naglalakihang billboards? Ganun ang dating niya. Kahit hindi siya magsuklay ay hindi naman iyon nakakabawas sa kaguwapuhan niya. Sinabi ko lang yun para asarin siya. "Huh, makaganti man lang ako sa pagpapaiyak niya sa akin." And speaking of iyak, ayoko nang umiyak. Nakakastress. "Stress na nga ako sa buhay ko stress pa sa love life

