Hein's Pov
"Anong---paano mo nalaman ang apilyedo ko ha?! Siguro stalker kita, ano?!" Kung makasigaw naman 'to akala mo nasa kabilang bundok 'yong kausap niya. Tss. Nagsisimula na akong mainip kaya hindi ko na lang siya binanatan. "Ha! Sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang, kahit segu-segundo mo pa akong i-stalk, hinding-hindi kita magugustuhan!"
"Okay, sabi mo 'yan," nasabi ko na lang saka tumalikod na paalis.
"Talaga! Dahil hindi ang isang kagaya mo ang kababagsakan ng isang gwapo na katulad ko!" mayabang pa niyang pahabol.
Kinawayan ko nalang siya at nagtuloy na sa paglalakad.
Nang makalayo ako ay nilingon ko siya ulit. Iiling-iling pa niyang pinulot ang mga notebook niyang ibinato ko pabalik sa kaniya kanina saka pumunta sa locker area.
Pinanood ko pa siya saglit bago ako tuluyang umakyat sa classroom namin.
"Where have you been, Miss Chevrolet?! You're 20 minutes late!" inis na sigaw ni Miss Lec sa akin nang makatapak ako sa may pintuan ng room namin.
"I'm sorry, Ma'am---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nag-vibrate ang phone na hawak ko.
Sinilip ko ang text.
One message received.
Ari
Hein? Nasaan ka?! Ayos ka lang ba?! Pinag-aalala mo 'ko e! Lumabas ako ng campus dahil hindi ka namin nakita sa buong school. Nasa guidance na siguro ngayon sina Lei, Jin at Momoca para ireport ang pagkawala mo.
Sent 10:35AM.
Pagkabasa ko ng text ay agad akong nag-angat ng tingin kay Miss.
"Miss, nagka-LBM ho kasi ako kanina at ngayon ay parang susulpot na naman po. Kailangan ko pong magbanyo," mahinang sabi ko pero ang totoo ay palusot lang 'yon para payagan niya akong lumabas.
"Sana sinabi mo agad, Miss Chevrolet. Go on, take your time. Pumunta ka na lang din sa clinic pagkatapos para makainom ka ng gamot para diyan," nag-aalalang na niyang sambit at palihim naman akong napangiti.
'YES!'
"Thanks, Miss." At kumaripas na ako ng takbo papuntang parking lot.
'Bakit kailangan mo pang lumabas ng campus, Ari? Baka kung mapa'no ka pa!'
Paliko na sana ako nang makarinig ako ng tawanan at alaskahan. Agad naman akong napalingon sa direksyon kung saan nanggagaling 'yong ingay.
'Ano na naman 'to?!'
Nakatalikod sa gawi ko 'yong alaskador at may mga kasama pa siya. Mukhang may pinagtitripan ang mga 'to.
'Ang tigas ng mga mukha! Dito pa talaga nagkalat. Tsk!'
Pipihit na sana ako paalis nang muli na namang humalakhak nang malakas 'yong pinakamalaki at doon ko lang napagtantong hindi sila taga-rito. Naka-civilian lang sila at halatang mga barumbado dahil sa mga kilos at pananalita nila.
'Sino na naman ang pinagtitripan ng mga kumag na 'to?'
Medyo lumapit pa ako sa gawi nila upang makita ko ang biktima nila at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang binubugbog nila...si...
'Shogo?!'
Tinutukan siya ng b***l no'ng isang lalaking nakabonnet.
'Tsk. Ano na naman bang ginawa mo at humantong ka sa ganito?!'
Nang makita ko ang tattoo ng isa sa mga may hawak sa kaniya ay nakilala ko agad sila.
'Tss. Hanggang dito ba naman nasundan pa rin ako ng mga 'to?! Mga wala talagang kadala-dala!'
"Woi!" malakas na tawag ko sa kanila.
Mukhang narinig naman ako ni Shogo dahil pumihit ang ulo niya sa direksyon ko pero tila nasobrahan siya sa pagkakabugbog.
Halos hindi na niya maibuka ang mga mata at bibig niya sa sobrang pagputok no'n.
"Bitawan niyo siya," mariing utos ko.
"At sino ka naman?! Umalis ka na, Miss kung ayaw mong madamay dito!" bugaw sa akin no'ng isa sa mga bata ni Juno.
"Bitawan niyo siya," kalmadong pag-uulit ko.
'Tss! Mukhang nagkalimutan na yata ang mundo ah?'
"At sino ka ba para utusan kami ha?! Boss, anong gagawin namin sa babaeng 'to?! Idamay--"
"Magtigil ka!" malakas na pagsapaw sa kaniya ni Juno.
'Tsk. Juno...Juno...Juno...'
"Bitawan niyo siya, Juno. Bago pa mag-init ang mga kamay ko," utos kong muli.
Gulat silang lahat na napatitig sa akin maliban kay Juno na nakababa lang ang tingin sa lupa.
"Put your g*n down. Hindi sakop ng teritoryo mo ang lugar na 'to," kalmado pa ring asik ko.
Nanginginig naman na ibinaba ni Juno ang b***l mula sa pagkakatutok kay Shogo.
"Hein," hindi makapaniwalang banggit ni Juno sa pangalan ko.
'Tss. Ang laswang pakinggan!'
"Ibigay niyo siya sa akin. Hindi niyo ba alam na teritoryo niya ang tinutungtungan niyo ngayon?!" matigas na sigaw ko sa kanila kaya agad nilang itinulak si Shogo papunta sa akin.
Sinalo ko naman agad siya at isinandal sa labas ng sasakyan niya.
'Ang bigat ng king ina!'
Nang matapos ko siyang paupuin ay hinarap kong muli sina Juno at ang mga abubot niya.
"Hein," tawag niya ulit sa pangalan ko.
'Ang laswa nga kasi! Buset!'
"Boss, magkakilala kayo?!" dinig kong bulong no'ng isang kasamahan niya.
Hindi naman niya ito pinansin at nanatili pa ding gulat habang nakatingin na sa akin.
'Tss. Tagal maka-move on ah?'
"Umalis na kayo," malamig na utos ko sa kaniya.
'Wag na kayong magpapilit. May kailangan pa akong habulin!'
"P-Patawad. H-Hindi namin alam na dito ka na pala nag-aaral, H-Hein. A-Aalis na kami," nakayuko pang saad ni Juno at nagpaunang umalis.
Tiningnan naman ako nang masama no'ng ibang mga kasama niya at lumingon pa ulit si Juno sa kanila.
"Hoy! Mga gago ba kayo?! Sinabi nang umalis na tayo! O baka gusto niyong pumanaw nang maaga at hindi na masikatan ng araw? Hala! Hamunin niyo pa ang isang 'yan at paniguradong ihahatid niya kayo kay Kamatayan! Kahit ang karma ay nasa kamay niyan! Mga ulupong! Tara na!" galit na sigaw ni Juno sa kanila.
Naguguluhan namang sumunod sa kaniya ang mga kasama. Nang makaalis na sila ay nilapitan ko agad si Shogo. Nilingon ko pa ang gwardiya pero walang-malay.
'Tss. Isa pang walang kwenta!'
Nakita kong nakabukas ang sasakyan ni Shogo kaya isinakay ko siya agad sa passenger's seat at pumunta naman ako sa driver's seat saka ko siya hinarap.
"Shogo? Shogo? Hoy! Magsalita ka. Dadalhin kita sa ospital. Kumapit ka diyan," sabi ko pa.
"M-Mmm," ungol niya.
Mukhang nasaktan talaga siya sa ginawa no'ng grupo ni Juno.
'Bwesit ka talaga, Juno! Kapag may nangyaring masama dito, babalikan ko talaga kayo!'
"Shogo? Hey, anong nararamdaman mo?" tanong ko sabay yugyog nang mahina sa kaniya.
Lumingon pa muna siya sa akin at pinilit ibuka ang mga mata niya.
'Tss. 'Yan ang napapala mo sa sobrang kayabangan mo!' Gustong-gusto kong isigaw sa kaniya 'yong nasa isip ko ngayon pero baka makasama lang sa kalagayan niya.
Saka ko na lang siya aasarin kapag mayabang na ulit siya. Hehe.
"K-Kogami?" halos mamaos na siya sa pagsambit ng palayaw ko. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. "S-Sino s-sila? B-Bakit natakot s-sila sa'yo? M-Magkakilala ba k-kayo ng mga 'yon?" sunod-sunod na tanong niya dahilan para agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya.
Hindi ko siya pwedeng sagutin dahil delikado. Alam ko ang sagot sa mga tanong niya pero hindi ako pwedeng magsalita, lalo na at hindi siya katulad ko, katulad namin.
Nanatili lang akong nakatingin sa malayo upang hindi niya mabasa ang emosyong bumabalot sa akin ngayon dala ng mga tanong niya.
'Hindi ako pwedeng magpaliwanag sa'yo, Shogo. Patawad.'
"K-Kogami, n-natatakot a-ako." Lumunok pa muna siya bago nagsalita ulit. 'Ramdam ko rin ang takot mo, Shogo.' "B-Baka...b-baka b-balikan n-nila ako. B-Baka p-patayi--"
"Shhh," pigil ko sa kaniya at niyakap siya. "Wag kang matakot. Nandito na ako. Hindi kita pababayaan, Shogo. Hindi kita iiwan. Kaya umayos ka dahil ayokong solohin ang ratatat ng Dean kapag umabot 'to sa kaniya," bulong ko sa kaniya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
's**t!' bulalas ko sa isip nang dumoble ang bigat niya sa mga balikat ko.
Maingat ko siyang inilayo sa akin at mabilis kong kinuha ang susi mula sa bulsa niya saka pinaharurot ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital.
SORNSONGKRAM HOSPITAL
'Tss.'
"Chief, patulong dito!" sigaw ko do'n sa guard na naka-assign sa entrada ng ER.
Agad naman akong nilapitan no'ng guard at nagtawag din siya ng mga nurse na pwedeng tumulong. Isinakay agad nila si Shogo sa stretcher papasok ng ER.
"Sorry, Ma'am. Hanggang dito na lang po kayo, sterile po ang area," pigil sa sa akin no'ng isang nurse.
Hindi ko na siya sinagot. Naupo na lang ako sa labas ng ward at naghintay ng balita. Bigla kong naalala si Ari kaya kinuha ko agad ang phone ko at tinext siya at ipinaalam ko ang nangyari.
"Excuse me, Ma'am. Kayo po ba ang naghatid sa pasyenteng lalaki dito?" tanong ng isang lumapit na doktor sa akin.
Tumayo naman ako at hinarap siya.
"Opo," maikli ngunit magalang na sagot ko.
"Pakifill-upan po itong form. Magkaano-ano po ba kayo no'ng pasyente, Ma'am?"
'Talagang---kahit 'yon kailangang itanong?! Hindi naman siya o-operahan, 'di ba? Tss!'
"We're schoolmates," tipid na sagot ko.
Pagkatapos kong fill-upan ang form ay ibinigay ko ulit ito sa kaniya. Mukhang nagulat pa siya nang makita ang mga inilagay ko doon sa form.
'Bahala na kayo! Hindi ko kilala ang gagong 'yan. Tinulungan ko lang siyang madugtungan nang kaunti ang buhay niya. Tsk! Ang daming pakulo! Bakit hindi na lang gamutin nang basta at nagtatanong pa?!'
"Uhm, Ma'am bak---"
"Hindi kami magkakilala niyan, Dok. Nakita ko lang siyang ganiyan na sa labas ng school namin kaya dinala ko na siya dito at baka matuluyan pa," diretsong sagot ko na muli pa niyang ikinagulat.
Umiwas naman agad ako ng tingin nang mapagtanto ang mga sinabi ko.
'Nasobrahan ba ako sa paggalang?'
"Ahh, okay. Excuse me," nahihiyang paalam niya at tumalikod na.
"Ah, Doc? Kumusta naman daw ang lagay niya?" nag-aalalang pahabol ko.
'Baka ho kasi mamatay 'yan dito, tapos ako pa masisisi dahil ako ang huling humawak sa kaniya. Tsk!' Isinaisip ko na lang ang kadugtong sa litanya ko dahil baka lalong mailang ang doktor sa akin. Hindi pa naman daw ako normal sabi ni Jitat.
"He's stable now. Kailangan niya lang magpahinga ng ilang oras dahil naubusan siya ng lakas. Napagod nang todo ang katawan niya sa sobrang dami ng sugat na tinamo niya," paliwanag naman ni Doc.
Tinanguan ko na lang siya at tinungo ang ward ni Shogo.
'Ano na naman bang ginawa mo't inabangan ka no'ng grupo nina Juno? Alam mo bang walang sinasanto ang mga 'yon? Hindi magdadalawang-isip ang mga 'yon na patayin ka kung hindi ako dumating. Hays!'
Tinitigan ko siya habang natutulog nang mahimbing.
'Ngayon lang kita matititigan nang maayos---ang mala-anghel mong mukha kapag tulog ka. Sayang, dahil nabugbog ka. Sumobra ka kasi sa yabang e! Kung sinu-sinong binubuyo mo, 'yan tuloy hindi mo namamalayan na may ibang nagtatanim na pala ng galit sa'yo kaya ka nila binabalikan ngayon. Tsk, 'wag kasi puro yabang! Unahin munang mag-isip dahil baka sa susunod hindi lang 'yan ang aabutin mo,' mahabang pangangaral ko sa isip.
Naalala ko na naman kung paano kami unang nagkita at kung gaano kapanget ang unang araw na 'yon.
'Bakit mo nga kaya ako ginano'n? Wala tayong koneksyon at mas lalong hindi ako interesado sa'yo, kaya bakit mo naisipang i-bully ako noong araw na 'yon? Tinamaan lang ba ako ng malas noon o ikaw lang talaga 'tong walang magawa sa buhay at nambubuwesit ng kung sinu-sinong trip mo? Tss.'
Muli na naman akong napatingin sa kabuuan ng mukha niya.
Ang hahaba ng mga pilik-mata niya at matangos ang ilong, mamula-mula ang labi at cheeks niya. Mestizo. Maganda rin ang pagkakakorte ng mga kilay at lips niya. Kissable. Pero puro naman sumpa ang lumalabas. Tss.
'Papansin ka lang siguro no'ng first day, kaya ginano'n mo 'ko. Pero hindi ka naman panget para hindi ko mapansin, kaso paniguradong hindi lang din kita kakausapin.'
Kung titingnan ang kabuuan niya, kutis mayaman talaga siya. Sa sobrang puti niya ay para na siyang bampira. Payat ang pangangatawan pero hindi naman panget tignan. Malalim rin ang kaniyang mga talukap (eyelid), parang may lahi talaga. Hindi na kataka-taka dahil apilyedo pa lang, pang-outside world na.
'Tsk. Sayang ka talaga, Shogo. Kung hindi ka lang bully at mayabang, hindi na sana panget ang tingin ko sa'yo. Bakit ba ganiyan kayong mayayaman? Masyado niyong inaabuso ang kapangyarihan niyo, para ano? Para makapagyabang lang ng mga mayro'n kayo at wala sa aming mga naghihikahos sa hirap? Tss! Gumising ka na diyan! Baka ako pa ang mapagalitan ng lolo mo kapag naabutan niya tayo dito. 'Wag mo nang itanong kung saan ko nalaman ang tungkol sa'yo dahil laman ka lang naman palagi sa usapan ng mga kababaihang nahuhumaling sa'yo, maliban sa akin.'
"Alam mo bang hindi ako lumaki kasama ang pamilya ko?" mahinang tanong ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya naman ako kakausapin dahil tulog siya, pero alam kong naririnig niya ako. Ewan ko lang kung maaalala niya pa kapag nagising na siya. "Kasi ipinatapon nila ako dito sa Pilipinas. Kaya pasensya na kung hindi ako kasing arte at ayos ng mga babaeng nakikita mo sa University, pero hindi din kita masisisi dahil lumaki ka sa lugar na halos perpekto at ang mga taong nakapaligid sa'yo ay normal." Huminto ako at bumuntong-hininga.
Iniiwasan kong mag-drama dahil alam kong naririnig niya pa rin ako kahit tulog ang diwa niya. "Wala kasing mga magulang na gumabay at nanood sa akin na lumaki. Hindi ko din naman sila masisisi dahil tadhana ko na talaga siguro ang mag-isa sa buhay. Pero...m-masakit sa a-akin 'yon, s-sobra." Gumaralgal na ang boses ko at nagtutubig na rin ang gilid ng mga mata ko. Tumingala pa ako nang bahagya upang 'wag mahulog nang tuluyan ang mga luha ko, saka tumingin ulit ako sa kaniya. "Sa murang edad ay kinailangan kong magtrabaho para mabuhay at sustentuhan ang pag-aaral ko kahit na may natatanggap naman akong tulong. Ayaw ko lang talagang umasa sa kanila dahil gusto kong panindigan ang pagiging rebelde ko. May panahon pa nga na halos mabaliw ako kakaisip kung sinong tatakbuhan ko 'pag nagkaaberya dahil wala naman akong mga magulang," kwento ko pa. "May nakapagsabi na ba sa'yong napakaswerte mo kasi halos lahat nasa iyo na? Ang kailangan mo na lang gawin diyan ay bumangon at pahalagahan ang lahat ng mayro'n ka hangga't hindi pa huli ang lahat. Kasi kahit kailan hindi ko pa naramdaman na pinahalagahan ako, maliban na lang kay Ari dahil tunay siyang kaibigan sa akin. Pinili niyang suwayin ang pamilya niya para makasama ako. Hahaha! Ang cool niya, 'di ba? Kaya mahal na mahal ko 'yon eh. Kahit kailan hindi ko naramdamang mag-isa ako sa tuwing kasama ko siya." Pinutol ko muna at suminghap ng hangin.
Parang sisipunin pa yata ako sa kalokohan kong 'to. Tsk.
Pinunasan ko na ang mga traydor kong luha at tumayo. Muli ko siyang pinagmasdan na nahihimbing pa rin.
'Tss. Nagiging korni na naman ako!'
"Sana, hindi lang aksidente ang pagkikita natin noong araw na 'yon, Shogo. Alam kong may dahilan ang lahat at kung bakit ito nangyayari sa atin. Naniniwala akong kaya mong magbago hindi para kung kanino, kung 'di para sa sarili mo," sabi ko pa at napangiwi sa ikinukuda ko ngayon sa harap nitong lalaking 'to. "Hindi ko inaasahang manunumpa ako ngayon sa harap mo pero gusto ko lang sabihin na matutulungan kita kung kakailanganin mo ako. Handa akong saklolohan ka kung ibababa mo lang 'yan pride mo, dahil hindi ko din kayang panoorin kang nasasaktan lalo't puro ka lang naman yabang. Wala ka ngang gawa sa akin, sa mga gangster na 'yon pa kaya? Tss. Mahina ka pa din sa paningin ko," biro ko pa kahit ang totoo ay hindi talaga ako magaling magbiro. "Magpagaling ka, para sa susunod na paghaharap natin ay magmukha ka ng tao ulit," mahinang dagdag ko bago lumabas ng ward.
Azel's Pov
"Alam mo bang hindi ako lumaki kasama ang pamilya ko? Kasi ipinatapon nila ako dito sa Pilipinas. Kaya pasensya na kung hindi ako kasing arte at ayos ng mga babaeng nakikita mo sa University, pero hindi din kita masisisi dahil lumaki ka sa lugar na halos perpekto at ang mga taong nakapaligid sa'yo ay normal. Wala kasing mga magulang na gumabay at nanood sa akin na lumaki. Hindi ko din naman sila masisisi dahil tadhana ko na talaga siguro ang mag-isa sa buhay. Pero...m-masakit sa a-akin 'yon, s-sobra. Sa murang edad ay kinailangan kong magtrabaho para mabuhay at sustentuhan ang pag-aaral ko kahit na may natatanggap naman akong tulong. Ayaw ko lang talagang umasa sa kanila dahil gusto kong panindigan ang pagiging rebelde ko. May panahon pa nga na halos mabaliw ako kakaisip kung sinong tatakbuhan ko 'pag nagkaaberya dahil wala naman akong mga magulang. May nakapagsabi na ba sa'yong napakaswerte mo kasi halos lahat nasa iyo na? Ang kailangan mo na lang gawin diyan ay bumangon at pahalagahan ang lahat ng mayro'n ka hangga't hindi pa huli ang lahat. Kasi kahit kailan hindi ko pa naramdaman na pinahalagahan ako, maliban na lang kay Ari dahil tunay siyang kaibigan sa akin. Pinili niyang suwayin ang pamilya niya para makasama ako. Hahaha! Ang cool niya, 'di ba? Kaya mahal na mahal ko 'yon eh. Kahit kailan hindi ko naramdamang mag-isa ako sa tuwing kasama ko siya. Sana, hindi lang aksidente ang pagkikita natin noong araw na 'yon, Shogo. Alam kong may dahilan ang lahat at kung bakit ito nangyayari sa atin. Naniniwala akong kaya mong magbago hindi para kung kanino, kung 'di para sa sarili mo. Hindi ko inaasahang manunumpa ako ngayon sa harap mo pero gusto ko lang sabihin na matutulungan kita kung kakailanganin mo ako. Handa akong saklolohan ka kung ibababa mo lang 'yan pride mo, dahil hindi ko din kayang panoorin kang nasasaktan lalo't puro ka lang naman yabang. Wala ka ngang gawa sa akin, sa mga gangster na 'yon pa kaya? Tss. Mahina ka pa din sa paningin ko. Magpagaling ka, para sa susunod na paghaharap natin ay magmukha ka ng tao ulit."
Lahat ng sinabi niya ay NARINIG KO. Malinaw na malinaw sa pandinig ko at wala akong na-miss kahit isang letra doon. Hindi ko alam pero parang hinaplos ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko rin alam na gano'n pala ang pinagdadaanan niya sa buhay.
Nagi-guilty tuloy ako sa mga ginawa ko sa kaniya. Kahit na anong sama ng ipinakita ko sa kaniya ay hindi pa din siya nagdalawang-isip na tulungan ako laban sa mga gagong bumugbog sa akin.
Kusa akong napangiti sa loob-loob ko dahil sa ikli ng panahong nagkasama kami no'ng babaeng 'yon sa iisang school ay noon ko pa lang siya narinig na nagsalita nang ganoon kahaba. Perstaym!
'Tch. Bakit ka ganiyan, Kogami? Naguguluhan ako sa pagkatao mo. Parang kahapon lang no'ng binuyo kita pero eto ka ngayon, tinutulungan ako. Baka...baka ginagawa mo lang 'to para tanawin kong utang na loob? Hindi naman siguro, 'di ba? Aish! 'Wag ka na nga lang mag-isip nang kung anu-ano, Azel! Ngayon ka lang niya tinulungan at tutulungan. 'Wag ka nang umasa ng kasunod dahil bipolar ang babaeng 'yon!'
Iminulat ko ang aking mga mata at ang liwanag mula sa kisame ang unang sumalubong sa akin.
"Oh my God! You're awake, son?!" si Mommy!
"Son, are you okay? How are you feeling? May masakit ba, anak? Saan? Sabihin mo kay daddy," si Daddy!
Nilapitan nila ako pareho at maingat na niyakap sa mga bisig nila. Hindi ko magawang gumanti dahil sa mga benda at sugat sa katawan ko.
"W-We're so worried about you, son. Ano bang nangyari? Who did this to you?!" naiiyak na tanong ni Mommy matapos humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
Hindi ko masyadong maigalaw ang leeg at bibig ko dahil sa sobrang pamamaga. Lalo na ang mga mata kong halos 'di ko na maibuka sa sobrang pagkakabugbog.
'Hindi ba sinabi sa kanila ni Kogami ang nangyari---'
"M-Mom, D-Dad, may iba pa po ba kayong k-kasama d-dito?" mahinang tanong ko sa kanila.
Pakiramdam ko ay nawala talaga ang buong lakas ko at hirap na hirap akong igalaw ang katawan ko ngayon.
Tiningnan ko ang mga nandito sa loob ng kwarto, sina Nixel, Kenta, Kate, Lolo, Mommy, at Daddy lang. Parents ko lang ang lumapit sa akin na isa sa mga ipinagtataka ko pero kakatwang hindi 'yon ang nangunguna sa isip ko ngayon, kung 'di si Kogami.
Hinahanap siya ng mga mata ko at hindi ko alam kung bakit. Gusto kong magbehave pero kusa talagang gumagalaw ang mga mata ko upang halughugin sa buong silid ang enemy s***h savior of the day ko.
'Nasaan si Kogami? Tch! Bakit niya ako iniwan dito nang mag-isa?! Pero kakarinig ko lang ng mga sinabi niya ah? Hindi kaya lumabas na siya dahil nakita siya ng parents ko?' naninikil na mga tanong ko sa isip.
"Son, you're looking for someone?" inosenteng tanong ni Daddy nang mapansin ang ikinikilos ko.
"A-Ahh, w-wala p-po, D-Dad. Hindi naman importante," mapaklang sagot ko at pabagsak na isinandal ang likod sa sandalan ng hospital bed.
I don't have any idea of what's happening, but I am feeling something. Nakaramdam ako biglaang panghihinayang.
Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila nang isa-isa silang lumapit sa akin. Sinabi ko na lang na matutulog muna ako dahil hindi ko pa kayang makipagkwentuhan sa kanila. May halong kasinungalingan at katotoohan 'yon. Sila nang bahalang umintindi. Nababadtrip lang ako nang kaunti ngayon.
'Napaka-bipolar mo talaga kahit kailan, Kogami! Matapos mo 'kong tulungan, bigla ka na lang sisibat?! Ano, pa humble effect ka na naman?! Tch. Hanggang ngayon nga pala ay hindi ko pa rin alam ang buong pangalan mo. Hays! Nakakainis! Ikaw pa naman ang inaasahan kong una kong makikita pagkamulat ng mga mata ko. Bakit nga ba kita inaasahan eh hindi pa naman tayo cool?! Tsk!'
Inis akong natulog ulit at hindi na nag-isip pa.
Itutuloy...