Tumango naman siya. "Mmm. 'Yon ang kailangan ko ngayon at hindi ang paglapit-lapit mo," kaswal niyang sagot saka tinalikuran ako.
"I'm not like them," biglang usal ko dahilan para mapahinto siya sa paglalakad at agad akong napangiti sa reaksyon niyang 'yon. "I'm not like Azel or those ladies in the cafeteria. Maybe, I'm friends with them but I am not like them. I actually care about you since the first day but I can't find a perfect timing to talk to you," seryosong dagdag ko.
Gusto ko pa sanang magsalita kaso biglamg dumating 'yong kaibigan niyang sobrang maldita. Lahat ng kaaway ni Kogami ay inaaway niya rin.
"Hein, saan ka gali---oh my god!" gulat na bungad niya sa kaibigan at napatakip pa ng bibig habang tinitingnan ang kabuuan nito. "Ano na naman 'yan?! Hindi ba't sabi ko dapat wala---"
"Mamaya na ako magpapaliwanag," walang-emosyon na putol sa kaniya ni Kogami.
Bumaling naman siya sa akin at tiningnan ako nang masama. Agad akong nakaramdam ng kaba habang napapalunok nang matunog.
Kung cool si Kogami, ito namang isang 'to ay sobrang nakakatakot. Parang lahat ay susunggaban niya, lalo na sa paraan niya ng pagtingin sa akin ngayon.
'Damn!'
"At ikaw na naman, amerikanong hilaw?! Anong ginagawa mo dito?!" pasigaw niyang tanong sabay dinuro ako. "Siguro, kayo na naman ng mga kasama mo ang may gawa nito sa kaibigan ko, 'no?! Wala na ba talaga kayong ibang magawa sa buhay ha?!" galit na galit na tanong niya sa akin pero napailing lang ako.
Nanatili lang nakatayo at nakatalikod si Kogami sa akin kaya hindi ko nakikita ang ekspresyon niya. Sabagay, kahit nakaharap siya sa'kin, wala pa din naman akong makikitang reaksyon ng mukha niya.
"Ari, it's not his fault," singit ni Kogami sa kaibigan pero hindi pa din siya natigil sa kakatingin nang masama sa akin.
"Hindi, Hein! Kung wala siyang kinalaman, anong ginagawa niya dito?! Bakit nakasunod siya sa'yo?!" naghihisteryang tanong niya kay---so, Hein pala ang pangalan niya? Sobrang pambabae at masyadong maganda para palitan lang ni Azel ng 'kogami'. Tsk.
"Tss. Wala nga kasi siyang kasalanan," pag-insist pa ni Hein.
"Bakit mo ba pinagtatanggol ang bugok na 'to?!" inis niyang tanong kay Hein.
Ang sarap sa pakiramdam na binabanggit ko ang pangalan niya kahit sa isip ko lang.
"Nakita niya ang nangyari sa akin doon sa cafeteria at sinauli niya lang ang panyo ko," maikling paliwanag ni Hein pero hindi man lang nabawasan ang init ng ulo no'ng kaibigan niya.
"Pasalamat ka at masyadong mabait 'tong kaibigan ko. Pero siguraduhin mo lang na wala ka talagang kinalaman dito dahil marami akong kakilalang mangkukulam sa Cebu, baka ipakulam ko kayo no'ng mga letse mong kaibigan!" inis niyang sigaw sa akin kaya napatungo na lang ako habang nangangapa pa ng sasabihin sa kaniya.
Nang hindi na siya nag-ingay ay nag-angat ako ng tingin sa kanila at nakita kong lumapit siya kay Hein upang alalayan itong maglakad paalis.
Nang hindi ko na sila matanaw ay dumiretso na lang ako sa quadrangle at hinanap sina Azel at Kenta.
"Nix, dito! Saan ka galing, dre?"
"Oh, nasaan na ang binili mo?"
Salubong na mga tanong nila sa akin.
"Kinain ko nalang sa canteen, nagutom ako bigla e. Hehe!" pagsisinungaling ko at nanahimik nalang.
Nakita na namin ang paparating na si Dean Friedrich kaya napatayo naman lahat ng estudyante para batiin siya.
Palihim pa rin akong napapangiti sa tuwing naiisip ko ang nangyari kanina kahit sumingit pa 'yong kaibigan ni Hein.
Itutuloy...
Ara's Pov
Nang makabalik kami ni Hein sa quadrangle ay pareho na kaming tahimik at hindi na nagkikibuan.
'Haaaay! Kailan kaya matatapos ang mga paghihirap mo dito, Hein? O baka hindi na matapos? Tsk!'
Nang tumungtong sa stage ang Dean ay nagsipagtayuan ang lahat ng estudyante pati ako. Nakita ko agad si Lei na may binulong kay Dean, tinanguan lang siya nito.
"Hello, everything! Siguro, hindi na ako bago sa inyong paningin at ako ay maganda pa rin! Charot! Hahahaha!" pabirong bungad ni Lei sa lahat.
"Hahahahahaha!" reaksyon naman ng lahat.
Nilingon ko pa si Hein sa gilid ko pero nanatili lang blangko ang mukha niya habang nakatingin sa harap.
Napabuntong-hininga na lang ako bago ibinalik sa harap ang paningin.
"Okay! Whatever you say! Please help me welcome our beloved dean, Dean Friedrich! Around of applause please," anunsyo ni Lei saka bumaba na at ibinigay kay Dean ang mikropono.
"Good morning, BSU!" masiglang bati ni Dean sa lahat.
Medyo may katandaan na siya at may wrinkles na rin. Siguro, nasa mid 60's na siya at mukhang hindi naman siya nakakatakot. Pero bakas sa mukha niya na isa siyang magandang lalaki noong kabataan niya. Parang may lahi, iba kasi ang tangos ng ilong at kulay ng balat niya.
"Good morning, Dean!" masayang sagot naman ng lahat sa kaniya.
Napangiti naman nang napakatamis ang Dean sa reaksyon ng lahat.
"Good morning once again! You may now take your seat." At nagsiupuan naman kami. "Maraming salamat at nakipag-cooperate kayo sa akin. Mahalaga ang magiging announcement natin ngayon dahil pag-uusapan natin ang tungkol sa isa sa mga malalaking event na gaganapin dito sa school natin." Bumuntong-hininga pa muna siya bago nagpatuloy. "Sa unang pagkakataon na ito ay tayo ang hahawak ng District Meet sa mga naglalakihang paaralan dito sa Batangas. Kahit na kilalang-kilala na ang ating paaralan bilang pinakasikat at pinakatitingala ng lahat, ngunit batid kong alam niyo na may iilan pa ding paaralan na kakompetensiya natin sa iba't ibang larangan. Kaya hindi dapat tayo pakampante sa galing at talentong mayro'n tayo. Mas may ihuhusay pa tayong lahat at naniniwala ako sa inyo, BSU. The SSG Officers will handle all the audition programs for those who are interested in joining the different sports and the audition will be open this afternoon. Also, the memo for this event will be printed soon, so, please be guided accordingly. Thank you," mahabang paliwanag ni Dean at nagpalakpakan naman ang lahat.
Biglang may instructor na lumapit kay Dean at bumulong. Tumango-tango naman si Dean na parang sumasang-ayon sa sinasabi nito.
"Okay. Before I forgot, students...I just want to inform all the Varsities in this school that you are deeply encourage to join this upcoming big event," pahabol ni Dean. Natigil naman sa pag-uusap ang mga estudyante. "If ever we'll be able to bring home the bacon again, this will leave a beautiful mark to our history. I hope I have all your support for our school. You may now go back to your classes. Thank you so much and have a good day, everyone!" pagtatapos niya at bumaba na.
Nagsibalikan naman kaming lahat sa classroom.
DISCUSS.
DISCUSS.
SNACK.
"Hein, gusto mo bang bumaba?" tanong ko kay Hein na hindi na naman umiimik simula pa kanina.
'Napapadalas na yata ang pagiging tahimik mo, Hein ah? Nag-aalala na ako...'
Tiningnan niya lang ako.
"Oo nga naman, Hein. Baka gusto mong sumama sa amin sa cafeteria?" pagsang-ayon naman ni Jin sa sinabi ko ngunit gaya ko ay tiningnan lang din siya ni Hein.
Nakita kong huminga pa muna siya nang malalim bago nagsalita.
"Kayo na lang. Magsi-cr lang muna ako," matamlay na pagtanggi niya saka tumayo at umalis.
"Anong nangyari do'n? May mens na naman ba 'yon?" takang tanong ni bakla sa amin.
Bumuntong-hininga naman ako saka tiningnan sila isa-isa.
"May pinagdadaanan lang si Hein ngayon, kaya 'wag na lang nating kulitin baka mapikon at tayo pa ang mapagbuntungan," malungkot na wika ko.
"Alam mo ba ang pinagdadaanan niya?" nag-aalalang tanong ni Momoca sa akin.
"Hindi e," mapaklang sagot ko.
"Ha?!" sabay-sabay na tanong nilang tatlo, parang hindi pa makapaniwala.
'Wow! Grabe makapagreact ha? Nakakagulat?!'
"Eh, 'di ba magkasama kayo sa iisang bahay? Paanong hindi mo alam?" takang tanong naman ni Jin.
"Malamang! Eh, 'di nga halos nagsasalita 'yon! Isang oras, isang salita lang ang ugali no'n. Tapos, ine-expect niyong nagsasabi sa akin 'yon?!" inis kong sagot sa kanila.
'Aish!'
"Sorry naman, teh! 'Di namin alam na hindi pala nagshe-shareit 'yang si Hein sa'yo," hirit ni bakla.
"Oh siya, siya! Tama na ang drama, girls! Arats na sa cafeteria! Kinse minutos na nga lang eh! Pinaghihintay pa natin ang tindera. Arats!" singit naman ni Jin at nagpaunang maglakad palabas.
"Girls talaga?! Hahahahaha!" natatawang biro ko at nakitawa rin 'yong dalawang babae.
Nilingon naman ako ni baklang Lei at tiningnan nang masama kaya napilitan pa akong mag-peace sign dahil konting-konti na lang ay parang susugurin na niya ako sa sobrang pagkaasar.
'Hahahahaha! Kawawang bakla. Tsk, tsk, tsk!'
Kaunti lang ang mga estudyanteng nakapila ngayon dito sa cafeteria dahil nga 15 minutes lang ang snacks kaya hindi na siguro nag-abala ang ibang bumaba, lalo na ang mga nasa matataas na floors.
Bumili na lang kami ng mamon at juice. Binilhan ko na lang din si Hein ng paborito niyang pancakes na may maraming syrup.
Pagkatapos namin bumili ay nagpasya na kaming bumalik sa classroom.
Hindi agad ako nakaupo dahil nakitang kong wala pa si Hein sa upuan niya.
'Ang tagal naman ata niyang nag-cr?'
"Oh? Ano na namang drama 'yan, bakla? Tayu-tayuan lang ang peg?" nang-aasar pang tanong ni Lei nang mapansing nakatayo pa rin ako habang dala-dala ang mga snacks na pinamili ko para sa amin ni Hein.
Naibagsak ko ang mga dala ko at mabilis na tumakbo palabas. Narinig ko pang hinabol nila ako ng tawag pero hindi na ako nag-atubiling lumingon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Pakiramdam ko may masamang mangyayari at sobrang pag-aalala ang bumabalot sa akin ngayon. Nag-uunahan sa pagkabog ang dibdib ko na hindi ko mawari kung ano ang dahilan.
'Nag-aalala ako, Hein. Sana mali ako...'
Mabilis kong tinungo ang daan pababa at nakasalubong ko pa ang Lec namin sa third subject pero nagsinungaling ako sa kaniya dahil sinabi kong may emergency sa bahay kahit na hindi ko pa talaga sigurado kung may emergency nga.
'Hoooooo!'
Hinihingal pa akong napasandal sa labas ng cr habang nakapatong sa dibdib ko ang isa kong kamay.
Hinanap ko na sa lahat ng cubicle si Hein pero wala siya doon. Inaasahan ko namang hindi ko siya makikita doon pero may parte pa din sa akin na umaasang nandoon siya pero nabigo ako.
'Hein, nasaan ka ba?! Pinag-aalala mo 'ko masyado e! Baka mauna pa akong matsuge sa'yo, sa sobrang pag-aalala!'
Tinext ko si Lei at ipinaalam ang nangyayari. Gumawa naman sila ng palusot sa Lec kaya nakalabas sila at sinamahan akong hanapin si Hein.
'Sana ayos ka lang talaga dahil kapag may nangyari na naman sa'yo dahil sa mga bully dito sa BSU, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanila. Baka mapagbuhatan ko na talaga sila ng kamay. Alam mong nagtitimpi lang ako e, 'wag mo namang sagarin, Hein. Nawawalan ako ng trabaho bilang kaibigan mo e! Lahat sinosolo mo dahil ayaw mong mapasali ako sa g**o mo, pero para saan pa't naging magkaibigan tayo, 'di ba?! Kahit 'wag ka na magpaliwanag, basta maging ayos ka lang, hindi na kita kukulitin. Isa lang naman ang gusto kong gawin mo e, lumaban ka! 'Wag mong pairalin ang pagiging bayani mo!'
Kate's Pov
Pagkagising ko pa lang kaninang umaga ay inatake na agad ako ng morning sickness ko. I used to have colds every morning or everytime na gigising ako.
I went downstairs matapos kong naligo at nakapagbihis. And as usual, my parents are not around, only my yaya since I was a baby.
Kaya lagi akong wala sa mood ay dahil never ko pang naranasan na kompleto ang pamilya ko kahit isang beses. Masyado silang busy at hindi na nila ako napagtutuunan nang pansin, kahit only child lang naman ako.
Reality always makes me sad kaya sa school na lang ako bumabawi. Pakiramdam ko kasi kapag nandito ako sa bahay ay lahat kaagaw ko sa parents ko. From work to sleep. Pagkauwi nila ay tulog na ako, pagkagising ko naman ay off to work na sila. Minsan ay hindi ko na sila naaabutan gaya ngayon.
Ilang sandali pa bago ako natapos kumain ay biglang nag-vibrate ang phone ko. I took a second to look at it, nang nalaman kong importante 'yon ay agad kong nireplyan with a smile emoticon.
Agad na napawi ang lungkot sa labi ko at napalitan ng masayang ngiti.
'He always made my day.'
I have a personal driver, even everything except for my parent's attention. Anyways, since he messaged me I'm fully happy na ulit. Hehe.
I went to school nang nakangiti at alive na alive. I feel so inlove.
'Haaay!'
Pagkababa ko ng car ay agad kong sinilip 'yong car ni Azel and I wasn't wrong, he's here na din pala.
Nagpipindot ako sa phone ko habang naglalakad papasok ng campus para umorder ng pizza. Wala lang, gusto ko lang i-treat ang mga friends ko and Azel. Hindi na yata mapapawi ang ngiti ko ngayon dahil sa message niyang 'yon.
Pero agad na umakyat ang inis ko nang makita kong magkaharap na nag-uusap sina Azel at 'yong babaeng sobrang kinaiinisan ko.
Hindi ko lang ipinahalata na apektado ako ngayon dahil sa ginagawa nila. Kakaiba kasi 'yong tingin niya sa akin habang kinakausap niya si Azel. Ang daming nabubuong konklusyon sa utak ko pero ayokong paniwalaan kahit alam kong hindi imposibleng mangyari ang mga 'yon.
Matapos nilang mag-usap ay kusang umalis si Kogami at nang humarap sa direksyon ko si Azel ay parang gulat na gulat pa siya.
"B-Babe?" nauutal niyang tanong.
Ngumiti lang ako nang pilit upang itago ang kakaibang nararamdaman ko ngayon.
"I wasn't informed that you and Kogami are that close enough to talk in public, huh?" Kahit ako, alam kong sarkastiko 'yong tanong ko. Ewan ko lang kung nararamdaman niya.
"Babe, we're not friends and iniinsulto niya lang ako kaya siya lumapit sa akin at kinausap ako. Nothing more, nothing less, Babe. Mortal ko pa din siyang kaaway," paliwanag pa niya at astang lalapit pero agad ko siyang pinigilan.
"I don't have any idea what's inside your convo pero may tiwala ako sa'yo, alam mo 'yan. Sana lang 'wag mong sirain ang tiwala ko," seryosong sabi ko pa. "You know me too well. I always forgive dahil mahalaga ka sa akin at may pinagsamahan na tayo, but I never forget, Babe."
"Babe, it's not a big deal na nagkausap kami no'ng babaeng 'yon, okay? Wala sa akin 'yon, kaya please...'wag ka nang magalit," nakanguso pang pakiusap niya.
"Whatever, Azel! I don't like her, you know that. I just hate it when you two talk in public without thinking about what other people will say about us."
"Don't worry, Babe. That won't happen again. I'm gonna talk to you all day and night. No more Kogami," nakangiti pa niyang sabi.
"Yeah? Whatever!" mataray kong wika saka naglakad paalis.
"Wait, Babe!" Habol niyang tawag sa akin. "Where are you going?"
Kusa naman akong napangiti.
'Ganiyan nga, Azel maghabol ka.'
"Babe!" tawag niya ulit at inunahan ako sa paglalakad kaya pareho kaming nahinto. "Babe, saan ka pupunta? Hindi ka ba tatabi sa akin gaya no'ng dati, tuwing may announcements?" malungkot niyang tanong.
"I'll meet my friends at kakain lang kami ng pizza," sagot ko.
"Are you still mad, Babe?"
"No," maikling sagot ko.
"Are you sure?" tanong niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat pero hindi ko siya sinagot. "Aren't you gonna listen to the announcement?"
"I have classmates. They can tell us about it, afterwards. I just want to cool down with my friends. Ayos lang naman 'yon sa'yo, 'di ba?" tanong ko.
Naging mapakla ang reaksyon niya at binitawan ang mga balikat ko saka bumuntong-hininga.
"Yeah, but promise me you'll take care of yourself, okay?" At dinuro pa ako na parang nangangaral siya sa isang bata.
Tumango ako saka ngumiti. "I will, Master!" masigla ko pang sambit at agad na nagsalubong ang mga kilay niya.
"Anong master? Sinong master?!" inis niyang tanong sa akin.
"Wala!" nakangising sagot ko saka hinalikan siya nang mabilis sa labi bago tumakbo paalis.
'Hoooo! That was close..'
Azel's Pov
Pagkatapos ng dalawang subject ay oras na ng pinakaayaw kong Lec sa buong mundo.
At tulad ng inaasahan ay hindi ko na naman nasagot ang tanong niya kaya pinalabas ako sa klase niya.
"You go out, Mister Friedrich! 'Wag kang pumasok kung wala kang maisasagot! Lalong-lalo na sa subject ko! Get out!" nanggagalaiting sigaw ni Ma'am sa akin kaya wala na akong nagawa kung 'di lumabas na lang dahil mas lalo lang niya akong ipapahiya sa harap ng mga kaklase ko kapag nagmatigas pa ako.
Kahit na kami ang may-ari ng paaralang ito, hindi hinahayaan ng lolo kong maging unfair ako sa ibang mga estudyante dito. Nagbabayad ako ng tuition & miscellaneous, nagpapakahirap para makapasa, at napaparusahan kapag nagkakasala.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Dalawang oras pa naman ang hawak niya sa studyload ko, kaya maiinip na naman ako nito kahihintay sa lunch. Sanay na sanay na ako sa ganitong eksena sa tuwing siya na ang nasa harap ng klase, pero kahit papaano ay nakakahabol naman ako sa mga lessons namin. Hindi naman kasi ako pinapabayaan no'ng mga kaibigan ko.
'Saan kaya magandang tumambay? Hindi ko naman pwedeng kitain si Bumbum dahil nasa klase siya at mas lalong hindi pwede sina Nixel at Kenta. Hmm...'
Naglakad na lang ako pababa ng building namin. Pupunta muna ako sa locker area dahil ayokong magbitbit ng mga gamit at ayoko ding nabibigatan ang likod ko dahil hikain ako. Bawal rin akong matuyuan ng pawis kaya sa tuwing may game kami ng basketball ay palaging nakaassist si Mommy sa akin. Nakakahiya mang isipin pero nagleleave siya sa work sa tuwing may tournament kami. Ayaw niya daw kasing maulit 'yong nangyari sa akin noon kaya ganoon na lang din siya kung mag-alala.
Until now, I'm still seeing my personal doctor for monthly check-up. At ayon sa results ng mga tests ko, so far may progress na daw. Malaki na raw ang achievement ng lungs ko kompara noon.
Habang naglalakad ako sa hallway ng ground floor nitong building ay gulat akong napahinto sa paglalakad dahil makakasalubong ko si Kogami. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nagtama ang paningin namin.
'Anong ginagawa niya dito sa oras ng klase? Napagalitan din kaya siya dahil hindi siya nakasagot sa tanong ng Lec niya? Hmm, posible!'
Pinanood ko siyang naglalakad papunta sa direksyon ko. Sigurado akong nakikilala niya ako at dadaan siya sa harap ko kaya sinadya ko talagang pumwesto sa gitna ng hallway. Hindi naman niya inalis ang paningin sa akin, pero nakakainis lang kasi wala pa din siyang emosyon.
'Tch. Ang weird mo talaga, Kogami! Palagi mo 'kong pinag-iisip sa mga kaweirduhan mo!' inis ko pang sabi sa isip.
Nang nasa harap ko na siya ay agad akong ngumisi. Wala pa rin akong nakikitang pagbabago sa reaksyon ng mukha niya. Biglang nagslow-mo ang lahat nang nagtuloy lang siya sa paglalakad at dumaan sa harap ko saka nilampasan ako?!
'What the heck?! Hindi man lang ako pinansin?! Ha! Ang tigas talaga ng mukha niya! Ako pa talaga ang hindi pinansin ha? Feeling niya naman ang ganda-ganda niya! Pwe!'
Inis ko siyang nilingon pero patuloy pa din siya sa paglalakad paakyat ng stairs na para bang hindi niya ako nakita kanina.
"Hoy, Kogami!" malakas na tawag ko sa kaniya saka binato ng dala kong notebook.
'Sapul! Hahahahaha!'
Napahinto naman siya pero nanatili pa ding nakatalikod sa akin. Nilingon ko naman ang paligid para tingnan kung may ibang tao pa dito pero wala na, kaming dalawa lang ni Kogami.
'Kung sinuswerte ka nga naman! Bwahahahaha!' nakangising asik ko pa sa isip.
"Ano, Kogami?! Tatayo ka na lang ba diyan?! Hindi mo ba ako gagantihan dahil binato kita ng notebook?!" mayabang na panghahamon ko sa kaniya.
'Ngayon mo ipakita sa akin ang tapang mo, Kogami!'
Nang hindi pa din siya lumingon ay binato ko ulit siya ng isa ko pang notebook.
'Sapul again! Hahahaha!'
"Ano?! Hindi ka pa rin lalaban?! Magpapa-victim ka na naman?! Hahahaha! Hindi ako nadadala sa mga paganiyan-ganiyan mo, Kogami! Lintek lang ang walang ganti do'n sa pamamahiya mo sa akin! Harapin mo 'ko!" natatawang panghahamon ko pa ulit sa kaniya.
Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin at wala na naman siyang reaksyon.
'What the heck?! Tuod ba ang babaeng 'to? Hindi man lang makaramdam ng kung ano?! Nagmumukha akong tanga nito ah!'
"Hoy! U--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ibinato niya pabalik sa akin ang dalawang notebook ko.
"Aray!" ingit ko nang nasapol niya ako sa tiyan nang dalawang beses.
'Aba't lumalaban?!'
"Hoy, Kogami! Bakit mo 'ko binato, ha?! Hindi mo ba alam na pwede kitang patalsikin dito anumang oras na gustuhin ko---"
Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil naglakad siya palapit sa akin.
'Nagulat lang, ba't ba?!'
Pero, agad akong nakaramdam ng kakaiba nang simulan niya ang paglalakad papalapit sa direksyon ko nang hindi man lang bumibitaw sa pagkakatitig sa akin.
Matunog akong napalunok dahil sa ginagawa niya. At ang nakakainis ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganito ang reaksyon ko!
'Ano ba, Azel?! Umayos ka nga! Baka mag-assume pa ang isang 'yan!'
"H-Hoy! A-Anong g-ginagawa m-mo?!" inis ngunit nauutal na duro ko sa kaniya. "H-Hoy! D-Diyan k-ka l-lang! 'Wag k-kang l-lalapit! A-Ano b-bang g---"
"Nasubukan mo na bang humarap sa salamin?" biglang seryosong tanong niya habang magkakrus ang dalawang kamay dahilan para mapahinto rin ako sa pagkukumahog sa pwesto ko.
'What the---'
"Tch. A-Anong klaseng tanong 'yan?! Siyempre, oo! Araw-araw kong tinitingnan sa salamin ang gwap---"
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa nakikita mo do'n?"
"Saan?" kunot-noong tanong ko pa.
"Sa salamin," diretsong sagot niya.
Sandali pa akong napaisip at agad na napukaw ang inis ko nang napagtanto ko ang pinupunto niya.
"Ako kasi kahit ilang araw ko pa lang na nakikita 'yon, nagsasawa na ako," parang nang-aasar pang dagdag niya pero nanatili pa din siyang walang emosyon.
Hindi mo malaman kung nagbibiro o nang-aasar lang siya, kung kailan seryoso o masaya siya.
'Tch! Dimwit!'
"Anong sabi mo?!" pasigaw na tanong ko sa mukha niya.
"Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo," mahinahong sagot niya at naglakad palapit sa akin. Hindi naman ako umatras dahil baka akalain niyang natatakot ako sa kaniya. Ilang dipa na lang talaga at maamoy ko na ang hininga niya. "Alam mo kung bakit?" kalmadong tanong niya.
'Psh! Hindi mo 'ko madadala diyan sa pa-calm effect mo oi! At ako pa talaga ang nakakasawa?! Ha! Ang tigas talaga ng mukha!'
"Bakit?!" inis pang tanong ko.
"Kasi bully ka," sagot niya at natigilan ako. Hindi agad ako nakapagsalita kahit alam ko namang totoo 'yong sinabi niya. "At nagkataong ako ang nakaharap mo noong first day kaya mapapahiya kang talaga." At ngayon ay nakangisi na siya kaya mas lalo lang akong nainis. "Sa susunod na babanggain mo ulit ako, siguraduhin mong magugustuhan ko para dalawa tayong maglalaro. Hindi 'yong ikaw lang ang magkakainteres sa sarili mong pakulo dahil madali akong magsawa at maburyo," kalmadong pagtatapos niya saka tinalikuran ako.
'What the f**k is she saying?!'
"Hoy, Kogami! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! At nakita mo namang tayong dalawa lang ang nandito ngayon kaya hindi ako mapapahiya!" nakangising pahabol ko kahit nakatalikod siya sa akin.
Lumingon siya nang nakangisi. Aminado akong kinabahan ako do'n pero pinilit kong 'wag ipahalata.
'Damn! Ayusin mo nga ang sarili mo, Azazel! Nawawalan ka na ng kwenta sa paningin ng bakulaw na babaeng 'yan! Ipakita mo sa kaniya kung sino ang totoong pinuno dito!' pangungumbinsi ko pa sa sarili.
"Kaya ba humirit ka pa dahil alam mong tayong dalawa lang ang nandito? Ano bang gusto mong gawin 'natin,' Shogo?" nakangisi pa ding tanong niya.
"A-Ano bang iniisip mo diyan?! 'Wag kang assuming, oy!" galit na depensa ko pa.
"E bakit parang pakiramdam ko gusto mo pa akong 'solohin' dito?" mahina ngunit may pagkasarkastikong tanong niya sa akin.
"Anong solohin?! Nakakadiri ka, hoy! Look at you!" sigaw ko sabay turo sa kabuuan niya. "You're not even close to a normal girl! You look like a maton and basagulera sa kalye! At simula no'ng nakasalubong kita, wala ka nang ibang dala kung 'di kamalasan! Kaya bakit mo pa naisipang gusto kitang solohin dito, ha?! Taas din naman ng tingin mo sa sarili mo, 'no?!" paghihisterya ko.
'Talaga namang iba ang iniisip nito! At ako pa?! Ako pa ang gustong solohin siya!? Ang kapal!'
"Napakahaba na no'ng sinagot mo para sa nag-iisang tanong ko, Mister Friedrich. Tsk. Tsk. Tsk," asik niya at napapailing pa.
"Anong---paano mo nalaman ang apilyedo ko ha?! Siguro stalker kita, ano?!" Hindi naman siya sumagot pero halatang naiinip na siya at naiinis ako dahil parang wala lang sa kaniya ang presensiya ko. "Ha! Sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang, kahit segu-segundo mo pa akong i-stalk, hinding-hindi kita magugustuhan!" sigaw ko at ipinamukha sa kaniyang sigurado ako sa sinasabi ko.
"Okay, sabi mo 'yan," maikling sagot niya saka tumalikod na paalis.
"Talaga! Dahil hindi ang isang kagaya mo ang kababagsakan ng isang gwapo na katulad ko!" mayabang ko pang pahabol.
Kinawayan niya lang ako gamit ang isang kamay niya at nagtuloy na sa paglalakad.
'Unbelievable! Damn her! Ang saraaaap niyang kausap!'
'E, bakit parang galit ka pa?'
'Kasi nakakalalaki! Bastos siya! At wala pang sinumang nainip habang kaharap ako! Halos maghalumpasay pa nga ang iba para lang kausapin ko. Tapos, siya gano'n lang makipag-usap sa akin?!'
'Oh, e ano naman kung naiinip at wala siyang pakialam sa sinasabi mo?'
'Dahil wala pang nawawalan ng interes sa akin! Lahat halos ay tinitingala ako! Lahat sinasamba ako! Bakit siya gano'n?! Ang kapal ng mukha niya!'
'Nagagalit ka ba talaga dahil gano'n siya at tinamaan ang ego mo? O dahil iba siya sa lahat at marami siyang nagagawa na hindi pa nagagawa ng iba sa'yo?'
"Arghhhh! Ano ba! Kanina mo ako kinokontra ah! Samantalang isip lang naman kita!" galit na sigaw ko sa sarili.
'Bwesit na isip 'to! 'Yong kaaway ko pa ang kinampihan kaysa sa akin! Nakakabadtrip!'
'Wala akong kinakampihan sa in---'
"Manahimik ka!" mabilis kong pigil sa sinasabi ng isip ko.
'Pucha! Nababaliw na nga yata ako. Tch!'
Pinulot ko na lang ang mga notebook ko at isinilid sa locker ko. Iniwasan ko na lang mag-isip dahil baka awayin lang ulit ako ng isip ko.
'Tsk! Kasalanan mo 'to, Kogami! Humanda ka talaga sa akin! Hindi pa tayo tapos!'
Pumunta na lang ako sa parking lot, since may dalawang oras pa naman ako mahigit para lumabas ng campus. Gusto kong huminga.
Nang bubuksan ko na sana ang kotse ko ay may biglang humablot ng balikat ko at sinalubong ako nang ISANG NAKAPAKALAKAS NA SAPAK SA MUKHA!
'Damn it! Who did that?!'
Lilingunin ko na sana ang gagong sumapak sa akin nang sinalo ko na naman ang isa pang sapak.
'S-s**t!'
Tumilapon ako nang pinagsusuntok niya ako at halos wala na akong maaninag dahil sa mabilis na pamamaga ng mga mata't mukha ko.
Nang muli ko siyang tiningnan ay tila namamalik-mata pa ako dahil bigla siyang dumami. Umiling pa ako nang dalawang beses upang aninagin ulit siya pero mukhang nasa tamang katinuan pa ako dahil talagang marami na sila. Hindi lang tatlo o apat dahil isang batalyon ata ang bilang nila.
Pinilit kong tumayo pero nangangapa na rin ang katawan ko sa sobrang pagkakabugbog.
's**t! s**t! s**t!'
"S-Sino ba kayo?!" galit na tanong ko sa kanila.
Nilingon ko pa ang pwesto ng gwardiya pero wala na itong malay.
'Bwesit! Isa pang walang kwenta! Ipasisisante kitang matanda ka! Ang mahal-mahal ng sweldo mo dito tapos wala lang pala akong mapapala sa'yo?! Tch!'
"Hahahaha! Sino daw tayo?!" Dinig kong tawanan nila.
Sumandal ako sa sasakyan ko at pinilit pa ding tumayo para makahingi ng tulong pero mas lalo lang akong nanlumo sapagkat wala nga palang masyadong tao dito ngayon dahil oras ng klase.
Dinaklot na naman no'ng isa ang kwelyo ng uniform ko at sinuntok ako sa panga. Halos wala na akong mailabas na lakas dahil parang naubos na. Nang binitawan niya ako ay nawalan na ako ng balanse kaya natumba ulit ako sa lupa.
'Demmit!' inis kong bulalas sa isip.
Pakiramdam ko ang hina-hina ko ngayon. Parang nawala na parang bula 'yong mayabang at bully na si Azazel Sid. Nakaramdam ako nang kaunting takot dahil kahit hindi ko namumukhaan ang mga taong 'to, alam kong mga street kids sila. They're dangerous gangsters. Pero wala akong maalala na may atraso o kinanti ako kahit isa sa kanila. They're not professional in terms of making money kaya literal silang pumapatay, ayon 'yon sa research ko.
"Hahahaha! Wala pala 'to e! Ang lampa!" natatawa pang asik nila.
"Tapusin na kaya natin 'to boss?" atat-atat na tanong no'ng isa.
Napanting naman agad ang tenga ko dahil baka ito na talaga ang katapusan ko.
"Hel---"
Hindi ko na naituloy ang paghingi ko ng saklulo nang pinagtulungan nila akong buhatin at iniharap sa boss daw nila. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa sobrang takot at kaba na nararamdaman ko ngayon.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil alam kong wala akong laban sa kanila at sobrang naaawa ako sa sarili ko ngayon. Pero mabuti na lang at hindi nila natamaan ang dibdib ko, dahil kung nagkataong nangyari 'yon, malamang ay naghihingalo na ako dito. Mahina pa rin ang lungs ko kaya konting damage lang, mahihirapan na ako sa paghinga.
Pero nang iminulat ko ang aking mga mata nakaramdam ako ng matigas at malamig na bagay sa noo ko. Tinutukan nila ako ng b***l sa ulo.
's**t! Mamamatay na ba talaga ako?!'
Ipinikit kong muli ang aking mga mata at hinihintay ang pagputok ng b***l.
'Damn it! Damn it!'
"Woi!" Biglang nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses na 'yon.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
'K-Kogami?' mahinang sambit ko sa isip sapagkat wala na akong lakas upang magsalita pa.
Itutuloy...