Hein's Pov
Maaga kaming umalis ni Ari sa bahay dahil may announcement daw si dean ngayon.
Pagkarating namin sa University ay tanaw na agad namin ang talaga namang 'di mahulugang-karayom na dami ng tao sa quadrangle kung saan pinagtitipon-tipon ang lahat ng estudyante sa sekondarya para sa nasabing announcement.
"Dumaan muna tayo sa locker area. Ilalagay ko lang 'tong mga notebook ko," sambit ni Ari nang paliko na sana kami ng quadrangle.
"Tara," sagot ko at dumiretso na nga kami doon.
Masyado pang maaga kaya wala pa masyadong tao sa area na 'to, lalo't halos andoon silang lahat sa quadrangle. Sumandal ako sa mga lockers saka pinanood ko lang siyang naglilipat ng mga gamit sa bag at sa locker niya.
"Sa tingin mo, bakit kaya ganoon na lang ang galit sa akin ni Shogo, 'no? Hindi ko naman siya inaano," maya-maya'y mahinang asik ko at napabuntong-hininga.
Napakibit-balikat naman siya saka tumingin sa akin. "Baka trip ka?" nakangising tanong niya at agad akong napangiwi.
"Anong trip?"
"Trip. 'Yong laughtrip, badtrip, fieldtrip, basta lahat ng may trip. Hahahaha!" biro pa niya.
"Tss. Anong konek?" inaantok kong tanong saka humikab.
"Hindi ko alam. Hehehehe! Pero eto, seryoso na 'to," huminto siya at lumapit sa akin. Nakinig naman ako sa kaniya. "Baka trip ka talaga niya!" biglang sigaw niya dahilan para mapaatras ako.
'Tsk! Dinaig pa ang lapel. King ina!'
"Anong trip na naman 'ya---"
"Slow! Gusto ka niya! 'Yon ang ibig kong sabihin!"
"Bakit ka naninigaw? Baka kulang pa? Gusto mo ako na ang magsigaw?!" sarkastikong tanong ko sa kaniya habang napapasulyap pa sa paligid.
Kapag nagkataong may nakarinig sa kaniya, tatablahin ko talaga 'to.
'Napakaingay! Tsk!'
"Ay! Hehehe! Sorry na. Nalakasan ko pala," nang-aasar pang sabi niya at kunwaring nagtakip ng bibig.
Inirapan ko lang siya saka ako nagpaunang naglakad paalis.
Mabilis siyang nakasunod sa akin kaya magkasabay na ulit kaming naglalakad papuntang quadrangle.
Nakangisi pa din siya nang tingnan ko.
'Ano bang pumasok sa kukote nito at biglang naging kupida?! Tsk.'
Hindi ko na lang siya pinansin dahil paniguradong aasarin niya lang ako sa mga teorya niyang walang kabuluhan.
"Baka may gusto kang sabihin? Makikinig ako. Hehehe!"
'Ayan na po siya! Kukulitin na naman ako nito buong magdamag!'
Kaya inis ko siyang hinarap dahilan para mahinto din siya sa paglalakad. Nandoon pa rin ang mga ngiti sa labi niya at naaasar ako sa ginagawa niyang 'yon.
"Kung gusto mong mang-asar, pakiusap 'wag dito," nakikiusap na sabi ko.
"Bakit naman kita aasarin? Masama na bang ngumiti at ngumisi ngayon? Defen---"
"Manahimik ka na, Ari. Kapag inulit mo pa 'yong sinabi mo kanina, hindi lang batok ang aabutin mo sa akin. Walang katuturan 'yang mga teorya mo kaya tigilan mo 'ko," nambabantang tugon ko at iniwan ulit siya.
Natatawang sumunod naman siya sa akin pero hindi ko na siya kinibo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto kong mainsulto sa sinabi niya.
'Tss. 'Yong Shogo na 'yon magkakagusto sa akin? Baliw na ba siya? Imposible! Magugunaw muna ang mundo bago mangyari 'yon. At wala kaming pagkakaintindihan no'n. Sisirain lang namin ang isa't isa kapag nagkataon dahil pareho kaming toxic,' mahabang pahayag ko sa isip habang tinatahak ang daan papunta sa may quadrangle na ngayo'y halos napuno na sa dami ng mga high school students.
"May idea ka ba kung anong announcement 'yon, Hein?" tanong sa akin ni Ari nang nakahanap kami ng magandang pwesto.
"Wala e. Wala bang binanggit sina Jin sa'yo?" sagot ko.
"Wala rin e."
Kagaya ng ibang mga estudyante ay pumwesto na din kami sa quadrangle. Hindi ko napansin kanina ang sasakyan ni Shogo kaya malamang wala pa siya.
Naupo kami sa likurang bahagi ng quadrangle. Lahat ng sophomores and freshmen ay sa benches habang ang mga juniors at seniors ay sa monoblock chairs na nasa gitna ng quadrangle.
"G-Good m-morning, Hein and Ari!" bati ni Jin nang makita kami.
'Namamaos yata siya? Hmm.'
"Good morning," nakangiting bati ko rin.
"Ang aga niyo naman?" takang tanong ni Ari sa kaniya.
"A-Ahh hehe, ayaw ni Dean ng mga late comers," sagot ni Momoca.
"Si Lei?" tanong ni Ari nang makitang hindi nila kasama si Lei.
"S-Siya ang m-mag-eemcee ngayon d-dahil n-namamaos ako. S-Siya muna ang p-papalit sa akin t-tutal m-magaling naman s-siya sa pag-eentertain ng m-mga t-tao," paliwanag ni Jin kahit namamaos na.
Nagkwentuhan pa sila ng nagkwentuhan habang naghihintay na simulan ang programme. Hindi na ako nakisali dahil hindi ko lang trip magdaldal ngayon.
May mga estudyante pang dumadaan sa harap at gilid namin na kung makalait, akala mo sila na pinakamaganda sa lahat. Manlalait na nga lang, ipaparinig pa. Wala man lang respeto sa nilalait nila. Tsk.
Pinili ko nalang na manahimik at mainip sa kakahintay sa Dean.
Luminga-linga pa ako dahil naiinip na talaga ako at umiinit na rin ang pwet ko sa kakaupo. Gusto kong maghanap ng dadaanan palabas dahil gusto ko munang lumabas, pero iba ang nahagip ng mga mata ko.
Huling-huli kong nakatingin sa direksyon ko si Shogo at parang natulala pa ang mokong. Hindi niya yata napansing nakatingin rin ako sa kaniya.
'Ano na naman kayang trip nito?'
Nang mapansin niyang tinitingnan ko din siya ay agad niyang nailipat sa iba ang paningin niya. Pero parang may hinahanap siya dahil hindi na siya natigil sa kakalinga.
'Sino naman kaya 'yon?'
Tinapik ko lang si Ari saka sumenyas na magsi-cr lang ako. Nag-insist pa siyang samahan ako pero I assured her na magiging ayos lang ako.
Ang totoo ay hindi naman talaga ako magsi-cr. Sa cafeteria ang punta ko dahil nagutom ako bigla at gusto ko ding lapitan saglit si Shogo para asarin siya.
'Tss. Hindi mo mahahanap ang hinahanap mo kung hahanapin mo lang. Dapat ipagdasal mo din para dalawa kayo ni Lord ang maghanap sa kaniya.'
Natawa pa ako sa naiisip. Nang nasa likod na niya ako ay agad akong nagsalita.
"Sinong hinahanap mo?" tanong ko na ikinagulat niya.
Napatalon pa siya nang marinig ang boses ko.
'Tsk. Tsk. Tsk.'
Nilingon niya ako at tiningnan nang masama. Nanatili pa rin akong walang reaksyong nakatingin sa kaniya. Magkasalubong ang mga kilay niya at tila may iniisip.
"W-Wala kang pakialam! Bakit ka nandito?!" galit agad na bungad niya sa akin.
'Tsk! Nauutal na nga, mayabang pa rin!'
Tiningnan ko lang siya saka ako napatingin sa likuran niya. May nakita akong babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang girlfriend ng bugok na 'to. Nakatingin lang siya nang diretso sa amin---sa akin lang pala. Matalim ang tingin niya pero wala akong nakikitang galit o selos sa mga mata niya.
Nang ibinalik ko kay Shogo ang tingin ko ay nakatitig lang siya sa akin. Tss.
"Ugali mo talagang titigan ako, 'no? Baka himatayin 'yong girlfriend mo kapag nakita niyang ganiyan ka kalagkit tumitig sa akin," nakangising wika ko at agad na napalitan ng inis ang maamo niyang mukha.
"Hey, cheap transferee girl, stop assuming! Dahil kahit kailan hindi ako tititig sa isang katulad mo!" inis na depensa niya.
Nagkibit-balikat na lang ako. "Well, tingnan lang natin kung hindi mo kainin 'yang lahat ng mga pinagsasabi mo ngayon sa pagmumukha ko," kalmadong usal ko.
Agad namang kumunot ang noo niya. "What are you saying?!" naguguluhan ngunit nakasigaw na tanong niya pa.
Mas lumapit pa ako sa kaniya saka bumulong sa tenga niya. "Beware. Baka magising ka na lang isang araw, ako na pala ang hinahanap mo," mahinang bulong ko saka nakangiting dumistansya sa kaniya.
"Tch. A-Ano bang sinasabi mo diyan?! 'Wag mong sabihing pinapangarap mo 'kong maging boyfriend?! H-Hahahaha! Imposible 'yon! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo dahil wala kang kwenta!" galit na sigaw niya sa akin pero nanatili pa din akong walang reaksyon.
Gusto kong matawa dahil hindi ako naaasar sa papalit-palit niya ng reaksyon. Para siyang tanga.
At mukhang nababadtrip na nga siya dahil wala na siyang pakialam sa paligid niya na kanina pa kami pinagtitinginan at pinag-uusapan.
"Parang nagbibiro lang e. Ang dami mo na agad sinasabi. Napaghahalataan ka tuloy," nakangisi pa ding sabi ko at mas lalo lang siyang nainis.
"What?!" galit niyang tanong.
"Wala. Ang sabi ko, magdahan-dahan ka lang dahil kapag nadulas ka, hindi ka na makakatayo pa," mahinahong sagot ko saka ngumiti bago siya tinalikuran.
Naasar ko na siya at kwits na kami. Hehe.
"Nakita niyo 'yong ginawa ni transferee girl?! Talagang siya pa ang lumapit kay Azel, ah?! Hindi na nahiya sa katawang-lupa niya!" dinig kong pagpaparinig no'ng isa sa mga tsismosa.
"Gross! Sinabi mo pa! Nagpapanggap na malakas at pa misteryosa pero may itinatagong landi naman pala!" hirit naman no'ng isa para lang makaeksena.
"She's cheap! Hahahaha kahit tayo nga na halos complete package na e hindi napapansin nina Azel, siya pa kaya?!"
"Taas ng pangarap, te!"
Natawa na lang ako sa isip dahil sa mga pinagsasasabi nilang walang laman.
Napag-aaralan ang pananamit at arte sa katawan, pero ang ugali, pakuluan ka man nang ilang beses, kung isinilang ka nang walang ibang magawa sa buhay kung 'di mangutya, mananatili ka pa ding kontrabida hanggang sa dulo ng storya.
Napailing na lang ako sa naiisip saka dumiretso sa cafeteria at bumili ng bottled water. Wala akong nakitang magandang kainin dito e. Lahat ay chichirya at umiiwas na ako sa mga 'yon. Inaalagaan ko na ang kidney ko.
"Oh! Look who's here!" may nagsalitang tao sa likuran ko kaya hindi ko na lang nilingon dahil ayokong mag-aksaya ng oras. At nangako ako kay Ari na wala akong dadalhing bangas pagbalik ko doon.
'Umiwas ka na lang, Hein. 'Wag mo na silang pansinin,' pangungumbinsi ko sa sarili.
Nang makuha ko na ang bottled water ay agad kong iniabot ang bayad ko. Pipihit na sana ako palabas nang humarang sa dinadaanan ko ang mga babaeng nambuyo sa nerd kahapon at 'yong sumampal sa akin.
'Ano na naman kayang gusto nito?' tanong ko pa sa isip.
Gusto ko silang sigawan at tanungin pero mas pinili ko na lang manahimik dahil umiiwas ako sa g**o. Nakakaburyo ang mga mukha nila. Mga mukhang wala nang ibang ginawa kung 'di manlait nang manlait. Akala mo naman ikakaganda nila 'yon. E gluta lang naman ang malakas.
'Tss.'
Nakataas pa ang isang kilay niya at parang nandidiring pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hablutin ang juice na dala no'ng isang freshman at walang kagatul-gatol na itinapon sa t-shirt ko.
Napapikit na lang ako sa sobrang pagpipigil ng inis.
"Hahahahaha!" tawanan ng mga nakakakita, pati na ng mga kahera doon.
Nanatili pa rin akong nakatayo habang hawak-hawak ang bottled water sa isang kamay ko.
"What now?! Hahahaha! Hindi mo ba ipagtatanggol ang sarili mo kagaya no'ng ginawa mo kahapon doon sa lampang nerd?!" natatawa pang tanong niya sa akin pero umiwas lang ako ng tingin. Nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ko ay naging seryoso na ang mukha niya habang matalim pa rin ang tingin sa akin. "F.Y.I. I'm Margarette dela Vega, the Queen of all Queen Bees in this University. So, better watch your step, loser!" nambabantang pagpapakilala niya.
Ngumisi ako at sinalubong ang mga tingin niya. "Pakihanap muna ng interes ko bago mo 'ko utos-utusan. At F.Y.I din, 'hindi ako interesado sa'yo at sa buong pagkatao mo,'" madiing sambit ko at ginaya ko pa ang huling linya niya dahilan para lalong nagsalubong ang mga kilay niya sa sobrang pagkapikon.
Minsan, nakakainis rin ang mga ganitong klase ng tao sa lipunan. Nagyayabang at nagtatanong pero kapag sinagot mo, lalo lang magagalit sa'yo. Kapag nanahimik ka naman, guguluhin ka hanggang sa maubos ang pasensya mo. Kapag hindi ka na nakapagpigil, ikaw pa ang lalabas na masama dahil nasaktan mo sila kahit ipinagtanggol mo lang naman ang sarili mo.
'Tss. Ang g**o ng mga king ina!'
"Who do you think you are, huh?! Isa ka lang namang hamak na transferee dito! And what makes you think na kayang-kaya mo ang isang Margarette dela Vega?! Tell me!" Sinabi niya ang mga katagang 'yon habang nakaduro pa sa akin na para bang ipinagkokompara niya kaming dalawa.
Halatang galit na talaga siya dahil hindi na mabilang ang ugat na bumabakat sa leeg niya. Hindi ko siya sinagot dahil nababagot na ako sa pagmumukha niya. Wala na yata akong makukuhang maganda sa isang 'to.
'Tsk!'
Nang wala siyang nakuhang sagot sa akin ay nilapitan niya ako na tila ba nanghahamon.
'Wag mo 'kong pilitin, dahil kawawa ka kapag nagkataon.'
"Nakatapak ka lang sa eskwelahan namin, lumaki na agad 'yang ulo mo. Ang lakas pa ng loob mong banggain ang Queen of all Queen Bees, at hindi ka pa nakontento dahil talagang dinala mo pa dito ang pagiging squatter mo! Pati ang nag-iisang apo ng Dean dito ay kinalaban mo rin, ano sa tingin mo ang mangyayari sa'yo kapag pinagtulungan ka namin?" nakangisi ngunit batid kong may diin ang mga pinagsasabi niya.
Wala akong ideya kung sinong apo ng Dean ang tinutukoy niya pero may hint na ako, hindi ko lang talaga sigurado kung siya nga ba 'yon. At isa pa, hindi ako interesado sa mga estado nila, mas gusto kong mag-aral nang tahimik kaysa mangialam sa buhay ng iba.
Tinulak niya ako nang hindi ulit siya nakakuha ng sagot mula sa akin dahilan para mapaatras ako nang kaunti.
"Ano?! Magsalita ka! 'Yan ba ang paraan mo para ipahiya ang mga nakakalaban mo, ha?! Pwes, sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi ka mananalo sa ak---"
"Ano ba talagang problema mo sa akin?" mahinahong pagsingit ko sa sinasabi niya pero sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang burakan.
Ngumisi naman siya at galit akong tiningnan sa mata.
'May nagawa ba ako sa babaeng 'to? Wala akong maalala e!'
Naririnig ko na naman ang mga bulungan sa paligid. Panibagong pag-uusapan ng bayan na naman 'to.
'Talagang 'di na nawalan ng pakialamera ang paaralan na 'to. Naturingang prestihiyoso, pero puro sakit naman sa ulo ang nandito. Tsk!'
"Tinatanong mo kung anong problema ko sa'yo?" At tumingin pa muna siya sa mga kasama niya at nagpapanggap na natawa saka muling tumingin sa akin na nag-aapoy na ang mga mata. "Ikaw! Ikaw ang problema ko! Sagabal ka! You're such a cheap-feeling-strong-transferee-girl! Kahit ang totoo ay nasa loob ang kulo mo! You know what?! Honestly lang ha? Hindi ka bagay sa school namin! Kayo no'ng kaibigan mong pakialamera!Dinudungisan niyo ang reputasyon ng school namin!" nakasigaw na sagot niya.
'Ano naman kung dito kami nag-aaral? Prohibited ba ang mga katulad namin dito?'
At dahil nauubusan na talaga ako ng timpi sa katawan ay hinarap ko na siya. Kailangang matapos na 'tong kahibangan niya dahil baka kanina pa nagsisimula ang announcement. Importante pa naman ang attendance.
'Tsk.'
"Hindi porke't hindi kami nakabihis mayaman katulad niyo ay squatter na kami. Hindi man kami katulad niyong maraming arte sa katawan, atleast hindi kami nagmamaganda. Hindi naman fashion show ang paaralan, 'di ba? Required ba talagang magpagandahan dito para magkalevel tayo?" This time, ako na ang lumapit sa kaniya at ipinakita ko talagang naiinip na akong kausap siya. "Kung may problema ka sa pananamit at ugali namin, 'wag ka nang mag-aksaya ng panahong sawayin kami dahil hindi namin babaguhin 'to para sa'yo. Nandito kami para mag-aral, hindi para makipagsabayan at makipagplastikan sa mga katulad niyo. Naiintindihan mo?" seryosong tanong ko.
"So, anong sinasabi mo?! Na kami ang salot sa sarili naming paaral---"
"Oo!" Nagtaas ako ng tono at natigilan siya. "Oo, kayo ang toxic sa unibersidad na 'to. Pagkagandang paaralan pero hindi ko inaasahang may mga katulad niyong nag-aaral dito," kalmadong pang-iinsulto ko pa.
'Inuubos mo kasi ang pasensya ko e, kaya manigas ka ngayon.'
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero talagang matigas ang bagang niya't humirit pa talaga.
"Ang kapal ng duck face mo! Ha! Talagang binaliktad mo pa ang storya, ah? Halika dito!" sigaw niya sabay hila ng buhok ko dahilan para mabitawan ko ang hawak na bottled water at napakapit sa kamay niyang pilit na sinasabunutan ako.
'Pikon ang king ina!'
Hindi ako lumaban. Pilit ko lang tinatanggal ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak ng buhok ko.
'Aray! Masaket na ah!'
Walang sinumang umawat sa amin kahit nagpagulong-gulong na kami sa sahig. Nanonood lang talaga ang mga king ina! Grabe, ang hahaba ng mga kuko niya! Ang sakit sa anit!
Nang hindi na ako nakapagpigil ay naitulak ko siya. Hindi ko sinasadyang lakasan pero 'yon ang nangyari. Nanatili pa rin akong nakahawak sa ulo ko dahil sobrang sakit talaga. Pakiramdam ko ay magkaka-headache ako sa ginawa niya.
Nang nag-angat ako ng tingin sa kanila ay natigilan ako dahil gulat ang mga reaksyon nila.
Nagulat si Marga sa ginawa ko kaya hindi agad siya nakapagreact. Nagpagpag muna ako ng damit bago tumayo at humarap sa kaniya. Tinulungan pa siya no'ng mga abubot niyang makatayo.
Nakita ko kung paano siya binalutan ng takot sa buong katawan niya nang muli kong sinalubong ang mga mata niya.
'Dapat ka talagang matakot dahil hindi lang yabang ang mayro'n ako. Baka kalbuhin kita diyan! Mahal ang shampoo tapos sisirain mo lang ang buhok ko?!' inis na asik ko pa sa isip.
"Ano bang ginawa ko sa'yo?! Sa inyo?!" At dinuro ko pa sila no'ng mga kaibigan niya. Pinigilan ko ang maluha, hindi dahil naaapektuhan ako sa kanila, kung 'di dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon sa ulo ko. Pakiramdam ko dumudugo na 'yon dahil sa sobrang pagkakasabunot niya. Tumarak yata ang mahahaba niyang mga kuko sa bunbunan ko. Tss. "Nananahimik kami pero wala na kayong ibang ginawa kung 'di guluhin kami! Kailan niyo ba kami titigilan ha? Hindi porke't wala kaming pakialam sa paligid namin ay hindi na kami lumalaban! Kung may problema ka sa akin, tara sa Dean's Office. Doon tayo mag-usap. Hindi 'yong ganitong nangbubwesit kayo araw-araw. Gasgas na kasi 'yang mga linya niyo e." Namilog naman ang mga mata niya sa sinabi ko at umurong yata ang dila dahil hindi na siya nakapagsalita. Maging ang mga tao sa paligid ay nanahimik na. "Tsaka, 'yang ganda at yaman na ipinagmamalaki niyo? 'Wag kang mag-aalala dahil wala akong pakialam diyan. Wala akong paki sa mga katulad niyong makikitid ang utak!" Huminga pa muna ako nang malalim bago nagsalita ulit. "Eto ang tatandaan niyo, hindi ako lumalaban hangga't kaya ko pang tiisin ang p*******t niyo. Pero kapag sukdulan na ang pagtitimpi ko, pasensyahan tayo. Hindi ko ugaling manakit ng babae pero baka maging exception ka," mariing sambit ko at tinitigan 'yong nagpakilalang Margarette dela Vega dahilan para mabahiran ng nginig ang reaksyon niya. "Kaya sa susunod na harangin mo ulit ako, siguraduhin mong matibay ang panlaban mo dahil baka isang pitik ko lang sa'yo, talsik pati kaluluwa mo," makahulugang asik ko saka walang pasabing kinuha ang bag ko at iniwan silang lahat na nakatanga.
'Bwesit! Natapon pa tuloy ang bottled water! Trenta pesos pa naman 'yon. Tsk!'
Walang-gana akong naglakad pabalik ng quadrangle. Hindi ako pwedeng magpakita kay Ari na ganito ang itsura ko dahil baka magwala 'yon. May cr naman siguro sa gilid no'ng katabing building ng quadrangle kaya doon na lang ako magpapalit.
"Miss! Miss transferee!" Inis kong nilingon ang tumawag sa akin. 'Kaibigan ni Shogo 'to ah? Ano na naman kayang kailangan nito? Hindi pa nga ako nakapagbihis e! May eeksena na naman?!' "Nahulog mo," malumanay niyang sabi saka inabot sa akin ang panyo ko.
Agad kong 'yong tinanggap nang hindi siya tinitingnan. "Thanks," nasabi ko na lang saka pumihit na paalis.
"Miss, sandali!" muling tawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa sumabay na siya sa akin.
'Tss. Ano pa bang kailangan nito? May nahulog na naman ba ako? Ang tanga ko naman kung gano'n,' reklamo ko pa sa isip.
"I'm Nixel," pagpapakilala niya saka inilahad ang kamay sa akin.
Tiningnan ko lang 'yon kaya napapahiyang itinago niya 'yon sa bulsa niya at ngumiti nang pilit.
"Hindi mo ba sasabihin ang pangalan m---" hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na ako para umalis. "Miss, sandali---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang pumihit ako paharap sa kaniya.
"Pwede ba?! Hindi ako interesado sa'yo kaya tigilan mo ang kakasunod sa akin," inis kong sabi pero nanatili pa rin akong walang reaksyon.
Sobrang lagkit na ng pakiramdam ko. Nababadtrip pa rin ako sa nangyari. Sana lang 'wag na maulit dahil nakakapagod magtimpi.
"But I just want to be friends with you," sinserong aniya.
"Hindi nga kasi ako interesa---"
"Naiintindihan kita. Nakita ko ang nangyari kanina sa cafeteria at alam kong hindi mo kasalanan 'yon." Binara niya ang linya ko.
"Tss. Hindi ko kailangan ang pang-intindi mo. At wala akong pakialam sa opinyon mo, kaya 'wag mo na akong sundan. Ayokong makiusap. Sumunod ka na lang," seryoso na talagang tugon ko dahilan para matigilan siya at nagbaba na lang ng tingin sa lupa. "At kapag 'tong paglapit-lapit mo ay nakarating kay Shogo, paniguradong bagong g**o na naman ang aabutin ko. 'Wag mo na sanang dagdagan ang isipin ko. Pakisama," pabitin ko at agad siyang nag-angat ng tingin sa akin.
"Pakisama?" inosenteng tanong niya.
Halatang englishero dahil parang nabulol pa siya sa isang salita na 'yon.
Tumango ako. "Mmm. 'Yon ang kailangan ko ngayon at hindi ang paglapit-lapit mo," pagtatapos ko saka tinalikuran siya.
"I'm not like them," biglang usal niya dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "I'm not like Azel or those ladies in the cafeteria. Maybe, I'm friends with them but I am not like them. I actually care about you since the first day but I can't find a perfect timing to talk to you," seryosong dagdag niya, ramdam ko ang pagiging sinsero niya ngunit kailangan ko na talagang umalis.
Late na ako masyado sa announcement. Baka nagsipagbalikan na sila sa classroom. Kaya nang hahakbang na ulit ako paalis ay biglang sumulpot sa harap ko si Ari.
"Hein, saan ka gali---oh my god!" gulat na bungad niya sa akin at napatakip pa ng bibig habang tinitingnan ang kabuuan ko. Umiwas na lang ako ng tingin. "Ano na naman 'yan?! Hindi ba't sabi ko dapat wala---"
"Mamaya na ako magpapaliwanag," walang-emosyon na pigil ko sa kaniya.
Bumaling naman siya sa likod ko at tiningnan 'yon nang masama.
"At ikaw na naman, amerikanong hilaw?! Anong ginagawa mo dito?!" pasigaw na tanong niya sabay turo doon kay Nixel. "Siguro, kayo na naman ng mga kasama mo ang may gawa nito sa kaibigan ko, 'no?! Wala na ba talaga kayong ibang magawa sa buhay ha?!" galit na galit na tanong niya doon sa inosenteng si Nixel.
Ayokong lingunin siya dahil nahihiya ako. Siya na nga 'tong nagmalasakit at naglakas-loob na lapitan ako, siya pa ang napagbintangan nitong kaibigan ko.
"Ari, it's not his fault," singit ko sa kaibigan pero hindi pa din siya natigil sa kakatingin nang masama doon sa kaibigan ni Shogo.
"Hindi, Hein! Kung wala siyang kinalaman, anong ginagawa niya dito?! Bakit nakasunod siya sa'yo?!" naghihisteryang tanong niya.
"Tss. Wala nga kasi siyang kasalanan," pag-insist ko pa.
"Bakit mo ba pinagtatanggol ang bugok na 'to?!" inis niyang tanong sa akin.
"Nakita niya ang nangyari sa akin doon sa cafeteria at sinauli niya lang ang panyo ko," maikling paliwanag ko pero hindi man lang nabawasan ang init ng ulo niya.
"Pasalamat ka at masyadong mabait 'tong kaibigan ko. Pero siguraduhin mo lang na wala ka talagang kinalaman dito dahil marami akong kakilalang mangkukulam sa Cebu, baka ipakulam ko kayo no'ng mga letse mong kaibigan!" inis niyang sigaw saka lumapit sa akin at inalalayan ako.
Hindi ko na narinig na nagsalita si Nixel kaya nilingon ko pa siya bago ako nagpaakay kay Ari paalis doon.
Hanggang sa nakarating kami sa pinakamalapit na cr ay hindi pa din siya natigil sa kakasermon sa akin.
'Tss!'
"Ano, Hein? Ganito na lang ba lagi ang eksena natin? Ikaw lagi ang uuwing luhaan?! Lumaban ka naman! Jusko! Hindi ka naman bato para magpabuyo na lang sa kanila e! Nakakainis na! Kapag talaga ako hindi nakapagpigil diyan sa mga 'yan, susugurin ko talaga sila isa-isa! Makikita nila!" nakasigaw pa din siya habang pinupunasan ang maruming damit ko.
Hindi kasi ako nakapagdala ng extra t-shirt. Mabuti na lang at kulay itim 'tong suot ko. Hindi masyadong obvious ang mantsa ng juice.
Hinayaan ko na lang siyang magsalita nang magsalita at ilabas lahat ng galit niya. Hindi na ako kumibo pa dahil aarkelahin niya lang ako saka muling papagalitan. Baka mamaya hindi na kami makapasok dahil hahaba na naman ang sermon niya.
Napabuntong-hininga na lang ako habang iniisip ang mga nangyayari sa akin dito.
Nixel's Pov
Hi, beautiful! I'm Nixel Lord Jimenez, kaibigan nina Azazel at Kenta.
Nang makita ko 'yong Kogami na kaaway ni Azel na pumasok sa cafeteria ay sinundan ko siya.
"Kenta, mauna ka na. May bibilhin lang ako saglit. Pakisabi na din kay Azel na susunod ako," mabilis kong paalam kay hapon saka nagmamadaling naglakad paalis.
Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil papatusin lang ako sa kadaldalan no'n.
Pagkapasok ko sa cafeteria ay agad kong hinanap si Kogami. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang tunay niyang pangalan. Puro kogami lang kasi ang tawag ng mga estudyante sa kaniya na narinig lang din nila mula kay Azel.
Nasaksihan ko kung paano siya hinarang ng grupo nina Marga at binuhusan ng juice ang damit niya. Wala man lang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya pero halatang naiinip na siya.
Sinabihan siya ng kung anu-ano ni Marga at sobrang prangka naman itong si Kogami kung sumagot kaya nang mapikal si Marga ay sinabunutan siya nito.
Hindi siya nanlaban at gusto kong kwestiyonin 'yon, pero pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ni Marga mula sa buhok niya. Tumatawa namang nanonood ang mga estudyante doon, pati ang mga kahera. Nang akmang aawat na sana ako ay biglang tinulak nang malakas ni Kogami si Marga kaya tumilapon ito sa malayo.
Nagulat ang lahat sa ginawa niya pero galit na galit itong tiningnan si Marga na hindi pa din nakarekober sa sakit.
"Ano bang ginawa ko sa'yo?! Sa inyo?!" inis na talagang sumbat ni Kogami pero hindi mo pa rin siya kakakitaan ng anumang emosyon. Nanatiling blangko at inosente. "Nananahimik kami pero wala na kayong ibang ginawa kung 'di guluhin kami! Kailan niyo ba kami titigilan ha? Hindi porke't wala kaming pakialam sa paligid namin ay hindi na kami lumalaban! Kung may problema ka sa akin, tara sa Dean's Office. Doon tayo mag-usap. Hindi 'yong ganitong nangbubwesit kayo araw-araw. Gasgas na kasi 'yang mga linya niyo e." Hindi naman nakasagot si Marga na hanggang ngayon ay namimilipit pa din sa sakit na natamo niya mula sa sahig. "Tsaka, 'yang ganda at yaman na ipinagmamalaki niyo? 'Wag kang mag-aalala dahil wala akong pakialam diyan. Wala akong paki sa mga katulad niyong makikitid ang utak!" Huminga pa muna siya nang malalim bago nagsalita ulit. "Eto ang tatandaan niyo, hindi ako lumalaban hangga't kaya ko pang tiisin ang p*******t niyo. Pero kapag sukdulan na ang pagtitimpi ko, pasensyahan tayo. Hindi ko ugaling manakit ng babae pero baka maging exception ka," mariing sambit niya at tinitigan si Marga dahilan para mas lalo akong namangha sa kaniya. Kakaiba siya tumingin, parang nakakakilabot na hindi mo maintindihan. I find her very insteresting. "Kaya sa susunod na harangin mo ulit ako, siguraduhin mong matibay ang panlaban mo dahil baka isang pitik ko lang sa'yo, talsik pati kaluluwa mo," makahulugang asik niya saka pinulot ang bag at umalis na parang walang nangyari.
Pinanood ko siyang naglakad palabas pero nakita kong nahulog ang panyo niya dahil bahagya pang nakabukas ang bag niya kaya hinabol ko siya.
"Miss! Miss transferee!" tawag ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako, pero wala pa ring nagbago sa reaksyon niya. Blangkong-blangko. "Nahulog mo," malumanay kong sabi saka inabot sa kaniya ang panyo niya.
Agad niya 'yong tinanggap nang hindi man lang tumitingin sa akin. "Thanks," maikling aniya saka pumihit na paalis.
'Kung kaibigan kita, siguro masasabi kong napaka-cold mo sa akin.'
"Miss, sandali!" muling tawag ko sa kaniya pero hindi na siya lumingon pa.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya halos tumakbo na ako para lang makasabay sa kaniya.
"I'm Nixel," pagpapakilala ko saka inilahad ang kamay sa kaniya pero tiningnan niya lang 'yon kaya napapahiyang naitago ko sa bulsa ang kamay ko at ngumiti nang pilit.
'Ang cool niya kahit ganiyan siya. Hindi kasi siya katulad ng ibang babae. Masyado siyang kakaiba at 'yon ang nagustuhan ko sa kaniya.'
Kusa naman akong palihim na napangiti sa naiisip.
"Hindi mo ba sasabihin ang pangalan m---" hindi na niya ako pinatapos at muli siyang tumalikod para umalis. "Miss, sandali---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang pumihit paharap sa akin at nagtama ang paningin namin. Hindi ko 'yon inaasahan.
"Pwede ba?! Hindi ako interesado sa'yo kaya tigilan mo ang kakasunod sa akin," may bahid ng inis niyang sabi pero hindi ko alam kung paano niya napapanatili ang pagiging blangko ng mukha niya.
"But I just want to be friends with you," sinserong sabi ko.
"Hindi nga kasi ako interesa---"
"Naiintindihan kita. Nakita ko ang nangyari kanina sa cafeteria at alam kong hindi mo kasalanan 'yon," putol ko sa kaniya dahilan para mapatitig siya sa akin.
Nakakatawang wala man lang akong nababasang emosyon sa mga mata niya.
"Tss. Hindi ko kailangan ang pang-intindi mo. At wala akong pakialam sa opinyon mo, kaya 'wag mo na akong sundan. Ayokong makiusap. Sumunod ka na lang," seryoso na talagang tugon niya dahilan para matigilan ako at napapahiyang nagbaba na lang ng tingin sa lupa. "At kapag 'tong paglapit-lapit mo ay nakarating kay Shogo, paniguradong bagong g**o na naman ang aabutin ko. 'Wag mo na sanang dagdagan ang isipin ko. Pakisama," pabitin niyang sabi dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Pakisama?" inosenteng tanong ko.