KABANATA 5

4289 Words
Ari's Pov LUNCH BREAK! Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko kung sinong may gawa no'n kay Hein. Talaga namang walang modo! Sanay na kaming nabubully sa old school namin noon pero halos verbal lang 'yon eh. Ngayon may physical contact na, paano pa kaya sa susunod? Baka patayin na nila si Hein! Jusko! Halos 'di ako nakapakinig nang maayos kanina. Hindi ko rin pinapansin masyado ang mga kaibigan namin. Tahimik lang din sa buong klase si Hein. May kutob kasi akong may alam siya kung sinong gumawa no'n sa kaniya. Hindi siya sinungaling pero malihim siyang tao kaya hindi imposibleng alam niya. 'Hays! Kapag nalaman ko lang talaga na may kinalaman na naman 'yong tatlong ulupong dito, lagot sila sa akin!' "Yana?" Natigil naman ako sa pag-iisip nang may biglang tumawag sa akin. 'Si Momoca lang pala,' parang nabutan ng tinik na sabi ko sa isip. Paano, 'yong palayaw na ginamit ni Momoca sa pagtawag sa akin ay may malaking parte sa nakaraan ko. Matagal ko nang kinalimutan ang palayaw na 'yon sapagkat 'yong mga taong huling tumawag sa akin no'n ay mga kasamahan namin ni Hein sa g**g. Hinanap ko naman si Hein sa kanila. Ang sabi ay nauna na daw sa baba dahil may ilalagay pa siya sa locker. Sa cafeteria na lang daw kami magkikita. CAFETERIA. Gulat kaming napatingin doon sa direksyon kung saan sinampal nang malakas no'ng isang babae si Hein. Ang dumi-dumi ng suot niya, may sauce ng---spaghetti? Cheese? Honey? Ano 'yan?! Halatang nauubusan na ng pasensya si Hein sa nangyayari. Hindi ako pwedeng lumapit dahil baka ako lang ang mapagalitan niya. Kapag ganitong mainit ang ulo niya, ayaw niyang nakikisali ako. 'Damn! What's happening again?! Crispy pata!' Halos 'di ako nakapag-react agad. Niyugyog pa ako nina Momoca para awatin sina Hein. Pinanood ko kung paano galit na tiningnan ni Hein 'yong babae. 'Ano na naman 'to?! Nalingat lang ako, pero eto na naman?! Lechugas!' Nagulat ulit ako nang akmang sasampalin na naman siya no'ng babae pero sinalag niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. Halata sa mukha ng babae na nasasaktan siya. Gusto ko silang awatin pero alam kong hindi siya ang nauna kaya hahayaan ko muna sila. Kilala ko siya, hindi siya magkakaganiyan kung walang ginawa ang mga babaitang ito sa kaniya. 'Isang lapat mo pa ng kamay sa kaibigan ko at matatamaan ka talaga sa akin! Bwesit ka!' inis na sigaw ko pa sa isip. "Siguraduhin mo lang na may magandang dahilan ka kung bakit mo ginawa sa akin 'to, dahil baka sa susunod hindi na kita matantiya," madiing sabi ni Hein at padabog na binitawan ang kamay no'ng babae saka diretsong naglakad palabas ng cafeteria. Tiningnan ko pang muli nang masama ang babae at ang mga estudyante doon. "What?!" mataray na tanong ng babae sa akin. "Subukan mo pa ulit gawin 'yon sa kaniya, makakatikim ka na sa akin," seryosong pambabanta ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay at astang lalapit pero dinuro ko siya. "What the---ilayo mo nga sa akin 'yang madumi mong kamay!" naiiritang sigaw niya pa sa akin habang umaatras pero nginisihan ko lang siya. "f**k you!" walang boses na sabi ko sa kaniya saka ipinakita ang middle finger ko at patakbong sinundan si Hein. 'Mga bwesit talaga kayo! Fried chickeeeen!' Ilang metro pa ang layo namin ni Hein pero natatanaw ko na ang paparating na grupo nila Shogo. 'Peste na! 'Wag ngayon!' Hindi ko na lang pinansin ang mga nagbubulungang mga langaw sa paligid dahil baka masigawan ko lang sila nang wala sa oras. Galit at awa ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko ngayon. Galit, para sa mga taong walang-kaluluwang nambubully sa kaniya. At awa, dahil hindi siya lumalaban sa kanila. Nang magtapat ang paningin nina Shogo at Hein ay kinabahan talaga ako. Nilingon pa ako no'ng isang kasama niyang masyadong seryoso na englishero pero nasa loob ang kulo. Tsk! Hindi ko rin alam kung sumunod ba sina Lei sa amin dahil si Hein ang inaalala ko ngayon. Matagal na nagtitigan sina Hein at Shogo, mukhang may hindi na naman magandang mangyayari sa kanila. Bago paman lumalim ang tinginan nila ay nilapitan ko na si Hein. Ayoko nang makita siyang nagkakaganito at ginaganito. 'Nakakainis! Naglagot najud ko ani nila! Usa nalang! Usa nalang jud! Tortaaaa!' Tiningnan ko pa nang masama ang grupo nina Shogo bago ko inakay paalis si Hein na blangko pa rin ang ekspresyon sa mukha. Azel's Pov Nahinto kami sa paglalakad papuntang cafeteria nang makasalubong namin si Kogami na maduming-madumi ang damit at 'yong kaibigan niya na malayo pa lang ay abot langit na agad ang sama ng loob sa amin. Saglit pa kaming nagkatitigan ni Kogami bago siya inakay paalis no'ng kaibigan niya. 'Anong nangyari do'n?! Tch! Buti nga sa kaniya! Hahahaha! Masyado kasing pasikat at mayabang kaya tinatamaan ng malas!' "Kawawa naman si Kogami, mukhang napagtripan ng ibang estudyante," kalmadong sabi ni Kenta habang sinusundan namin sila ng tingin. 'Karma mo 'yan dahil masyado kang mayabang!' "Ano kayang nangyari sa kaniya? At sino na naman kaya ang may gawa no'n?" Halatang nag-aalala na naman si Nixel kay Kogami dahil sa tono ng pananalita niya. 'Tch.' "Tara na. Hayaan niyo na ang mga 'yan. Bagay lang sa kaniya 'yan dahil masyado siyang mayabang!" aya ko pa sa kanilang dalawa. Wala kaming kibuan hanggang sa nakarating sa loob ng cafeteria. 'Dito sila nanggaling kanina, ano kayang nangyari? Hmm. Sabagay, wala akong paki! Kahit mamatay pa siya, wala akong paki!' "Oh my gooood! The Three Kings are hereee! Look at them! They're so perfect!" sigaw no'ng isang babae. "You're absolutely correct, Marga! They're so hooooooot!" pagsang-ayon naman no'ng isa. "Makalaglag-panty'ng kagwapuhan!" banat pa no'ng isa pa nilang kasama. "The three angels from heaven! Ahhhh! Sana mapansin nila tayo kahit isang tingin man lang!" tili no'ng mga nadaanan namin. Nasanay na kaming tatlo sa mga pabalik-balik na linyang 'yan ng mga kababaihan sa tuwing dadaan kami. Kaya hindi na lang namin pinapansin. Madalas ako 'yong naririndi sa mga tinig nila. 'Tch. Walang makakapantay sa girlfriend ko, kaya sorry, girls.' "Ako na o-order, dre," boluntaryo ni Kenta. "Hi, girls! Sabay kayo sa akin sa line! Oh, 'wag magtutulakan baka maapakan niyo ang pinakamamahal kong branded shoes," dinig ko pang banat ni Kenta do'n sa mga babae. 'Tch! Chixboy!' Kaming dalawa na lang ni Nixel ang naiwan sa table at pareho pa kaming tahimik. Halatang malalim ang iniisip niya. "Hindi mo ba isasabay sa atin si Kate mo?" maya maya'y tanong niya kaya napatingin naman ako sa phone ko. Walang text, pero tatawagan ko na lang siya. Dialing Babe♥️... Agad naman akong napangiti nang mag-ring ang phone niya. "Hello?" sagot niya mula sa kabilang linya. "Babe, hindi ka pa ba nagla-lunch? Gusto mo sabay ka sa amin?" nakangiting alok ko. Inirapan pa ako ni Nixel nang makasalubong ko ang tingin niya. 'Tch! Naiinggit na naman ang walang lovelife! Torpe kasi!' Hindi agad siya nakasagot pero narinig ko silang nagtatawanan sa kabilang linya. Hindi ko na lang 'yon pinansin, baka may kausap pa siya. "Ahh Babe, kasama ko nga pala sina Sugar. Sabay daw kaming magla-lunch-out today," natatawa pa ding sagot niya. Mukhang nagbibiro 'yong kasama niya. Bumagsak naman ang balikat ko sa pagtanggi niya saka napabuntong-hininga. "Ahh, ganoon ba? Hahaha! Sige, ayos lang, Babe. Pabusog kayo ha? Sunduin kita mamaya---toot-toot-toot!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na niyang naibaba ang tawag. Nakita kong nakatingin si Nixel sa akin kaya agad akong ngumiti nang pilit saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Ayos lang ba kayo ni Kate, dre?" nag-aalalang tanong niya. 'Ano bang nangyari? Bakit nakaramdam ako bigla ng kakaibang kaba? May kirot sa dibdib ko nang tanggihan ni Kate ang alok ko. Sana ayos lang tayo, Babe. Never mo pa akong ipinagpalit sa mga friends mo sa ganitong sitwasyon. Damn it!' Nasanay ako na palagi niya akong inuuna kaysa sa ibang tao. She's very sweet and caring kaya nakakapagtaka lang talaga ang biglaang pagbaba niya ng telepono. 'Aish! Baka napapraning lang ako! Pero, sino namang Sugar ang tinutukoy niya? Wala akong kilalang Sugar na kaibigan niya.' "O-Oo naman! B-Bakit naman h-hindi? H-Haha!" pilit na tawang sagot ko. Peke. "H-Hindi daw siya makakasabay sa atin dahil kasama niya ang mga friends niya," dagdag ko pa. 'Fvck this! Hindi niya pa sinagot ang tanong kong susunduin ko siya mamaya. Haaaaay!' "Talaga? Kailan ka pa naging second choice?" nakangising tanong niya sa akin at agad naman akong nakaramdam ng konting inis. "Tch. Boyfriend pa lang ako ni Kate, dre, hindi asawa. Ibig sabihin, hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya," paliwanag ko. "Hindi mo 'ko masisisi, ngayon ka lang niya tinanggihan," makahulugang pahayag pa niya. Tama naman siya doon kaya napaisip ulit ako. "Dre, naiintindihan kong babae si Kate at ayaw niyang nasasakal. Sino ba namang may gusto no'n, 'di ba? Pero hindi ko din sinasabing nabawasan na ang pagmamahal niya sa'yo," mahabang aniya ulit. "Oh, eh anong gusto mong sabihin?" inis pang tanong ko. "Na 'wag mo siyang pagdudahan, pero 'wag ka ding masyadong pakampante," diretsong sagot niya at natigilan ako. 'Anong ibig niyang sabihin?!' "Hindi ko siya pinagdududahan! Kilala ko siya at alam kong hindi gaya niyang iniisip mo ang nangyayari sa amin! Hindi niya magagawa sa akin 'yon!" pabulong na sigaw ko sa kaniya. "Sinasabi ko lang naman ang nakikita ko. 'Wag kang defensive, dre. Babae pa rin 'yon at lalaki ka. Pareho kayong matutukso, pero mas madaling matukso ang babaeng matalino---" "Gago ka ah!" sigaw ko at binatukan siya. Tawang-tawa pa siya no'ng nakailag sa pangalawang pambabatok ko. "Bwesit ka! Kung naiinggit ka sa amin, 'wag mong idadamay ang girlfriend ko!" "Hahahaha! Masyado ka kasing seryoso eh, ang sarap mo tuloy asarin!" "Tch!" singhal ko at nag-iwas ng tingin. Hindi na kami nakapag-usap pa ni Nixel dahil dumating na si Kenta. Walang gustong magsalita kaya kumain na lang kami habang pinapakiramdaman ang isa't isa. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita, pero sadyang matabil lang talaga ang dila ni Kenta kaya hindi nakatiis manahimik. Siya na ang bumasag ng katahimikan. "Hoy! Ang tahimik niyo naman ata? Ayos lang kayo?" takang tanong niya sa amin ni Nix. Hindi namin siya sinagot, nagtuloy lang kami sa pagkain. "Baka naman may gustong mag-share sa akin ng mga nangyaya---" "Wala!" sabay naming sigaw ni Nixel sa kaniya kaya kusa siyang natahimik. Hanggang sa makabalik kami sa klase ay hindi ko na nakita pa sina Kogami, dahil hindi na sila bumalik sa cafeteria kahit sina Lei, Jin at Momoca. Si Momoca ang ultimate crush ni Kenta pero ayaw sa kaniya ni Momoca dahil masyadong chixboy. 'Tsk. Tsk. Tsk.' DISCUSS. DISCUSS. DISCUSS. DISMISSAL! "Dre, una na ako sa inyo ah? Susunduin ko pa si Babe. Ihahatid ko siya pauwi," nakangiting paalam ko kina Nix at Ken. "Sige. Ingat ka, dre!" si Kenta at tinapik pa ang balikat ko. "Send my regards to Kate. Mag-iingat kayo," nakangiting paalam naman ni Nixel sa akin pero halatang pilit lang 'yon. May kakaiba sa kaniya. Kanina pa siya seryosong nakatingin sa akin pero 'di ko lang pinapansin. 'Problema no'n? Tsk! Baka naiinggit na naman!' Napakibit-balikat nalang ako sa naiisip. Nakangiti na naman akong naglalakad papunta sa room nila Kate. 'Makikita ko na naman ang buhay ko!' Hein's Pov Hindi na kami bumalik pa ni Ari sa cafeteria. Sa labas na lang kami nag-lunch kasama sina Lei, Jin at Momoca. Wala pa rin akong kibo hanggang sa nakabalik kami sa room. DISCUSS. DISCUSS. LAST SUBJECT. (Sir Cabasora!) 'Wag ka sanang mang-badshot ngayon, Sir dahil 'di pa ayos ang bait ko.' "Good afternoon!" bungad ni Sir Cabasora. Agad namang nagsipag-ayos ng upo ang mga kaklase ko. 'Tss. Kakarating lang pero nakasigaw na agad. Isa pang highblood. Sarap niyong pag-umpugin ni Shogo!' "Good afternoon, Sir," nakatungong sagot ng mga kaklase ko maliban sa akin. Bahagya pa akong nagitla nang tiningnan niya ako nang masama. 'Ano na naman kayang problema nito?' Siniringan ko lang siya saka nagbaba ng tingin sa desk ko. "You!" dinig kong sigaw niya kaya napatingin naman ako sa harap at doon ko lang nalamang sa akin pala siya nakaturo. "You, stand uuuup!" nakasigaw pa ring utos niya habang nakapameywang. "Tayo ka daw, Hein," bulong sa akin ni Jin. Tumayo naman ako at nakipaglabanan sa mga titig niya. 'May saltik din 'tong lec na 'to eh!' "Ang tigas din naman ng mukha mong makipagtitigan sa akin, 'no?!" inis na sigaw niya habang magkasalubong pa ang mga kilay. "Anong ipinagmamalaki mo?!" 'Ilang megaphone na naman kaya ang nalunok nito? Tss.' "Sir?" maang-maangan ko. "Kailangan ko pang ulitin, Miss Chevrolet?!" sarkastikong tanong niya. Hindi na ako sumagot. "What are the five kingdoms of life?!" 'Leche! Kailangan talaga nakasigaw ka, Sir?!' "Sagot!" sigaw niya ulit nang hindi agad ako nagsalita. 'Bwesit! Mabibigwasan kita diyan eh!' "Monera, Protista, Fungi, Plantae, and Animalia---" "Minumura mo ba ako?!" 'Tss.' "The five kingdoms of life are Kingdom Monera, Kingdom Protista, Kingdom Fungi, Kingdom Plantae---" "Define Kingdom Monera!" pagsingit niya sa sagot ko. "Kingdom Monera are prokaryotic organisms under Archaea and lack of peptidoglycan cell wall---" "Example!" 'Grabe! Tsk!' "Sir?" tanong ko pa. 'Baka gusto niyong ako na lang ang mag-discuss sa harap, Sir?' "I said example! Aba! Bingi ka ba o hindi ka---" "Methanogens and extreme halophiles and thermophile and bacteria with a peptidoglycan cell wall," walang-ganang sagot ko at saka padabog na umupo. "Who told you to sit down?!" sigaw na naman niya. "Kabastusan ba ang itinuro sa inyo ng former school niyo?!" 'Peste! Wala ka ding sinabing 'wag umupo!' Kaya tumayo na naman ako at naiinip na tiningnan siya. "Akalain mong nakasagot ka?! Hahahahaha! Sit down!" sarkastikong sabi niya sabay turo sa akin at lumingon sa mga kaklase ko. "Luna!" malakas na tawag niya kay Ari. 'Tss. Ang daming sinasabi ng gunggong na 'to! Pinatayo lang ako para paupuin ulit? Amputa!' "S-Sir?" kinakabahang sabi ni Ari. 'Bastos ba talaga siya makitungo sa mga estudyante niya?! Nakakarindi na siya eh!' "What is the basic unit of life?!" tanong niya kay Ari, nakasigaw pa din siya. "C-Cell, S-Sir," nauutal na sagot ni Ari. "Explain biomolecules!!" 'Tss. Kami pa yata binobobo mo, Sir!' "Large organic compounds that comprise living organisms are called Biomolecules, Sir," diretsong sagot ni Ari at hindi naman nakapagsalita si Sir. "Can I sit down, S-Sir?" "Sit down." At nagsimula na siya sa diskusyon niya. 'Oral recitation pero parang kami lang ni Ari ang pinapasagot niya. Tsk! May sapak talaga!' "Prepare for a long quiz tomorrow! When I say long, I mean it! Ang 'di makapasa, 'wag na kayong pumasok pa sa klase ko! Class dismiss!" sigaw na paalam niya sa klase saka tuluyang nilisan ang classroom namin. "Mauna na kami sa inyo, mga bakla. Sasabay ako kay Momoca eh. At pinatawag pa sa Dean's Office si Jin," paalam ni Lei sa amin. "Sige, mag-iingat kayo. Dadaan pa kami sa locker area," nakangiting sagot naman ni Ari. Tumango lang ako sa kanila bilang sagot. Pababa na sana kami ni Ari nang biglang may nagkagulo kaya nilapitan namin. Inaninag ko pa ang mukha ng nag-aaway. 'Yong babaeng sumampal sa akin kanina sa cafeteria ay may sinasabunutan na isang nerd. Makapal kasi ang salamin niya at may braces pa. 'Palaaway ba talaga siya?! Ang gandang nilalang pa naman, maitim naman ang budhi! Tsk.' "Halika na, Ari. Wala naman palang kabuluhan 'yan," sabi ko saka nagpaunang maglakad pero hinabol ako ni Ari. "Hindi ba natin siya tutulungan?" malungkot pang tanong niya sa akin saka ako muling lumingon doon sa nagkukumpulan. "Madadawit na naman tayo kapag nangialam tayo. Kilala mo naman ang mga bully dito, lahat ng nakikisali dinadamay," kalmadong saad ko. "Pero kawawa naman 'yong nerd," nakangusong aniya. "Tss," singhal ko at inis na bumalik sa nilakaran namin. "What now, nerd?! Gagawin mo ba ang gusto namin o gusto mong mapahiya?!" nakangising sigaw no'ng sumampal sa akin habang mahigpit na nakahawak sa baba no'ng babae. Umiiling naman 'yong nerd habang umiiyak. "Tss," malakas na singhal ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ng lahat. Agad namang ngumisi sa akin 'yong malditang bully. "Oh! We meet again. Nakulangan ka ba do'n sa---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tinapunan ko siya ng malamig na juice na hawak no'ng katabi kong estudyante na nakikinood rin. "What the fu---" "Ayan, magkatulad na tayo. Mukha ka na ding basura. Ngayon ka magyabang sa akin," nakangising panghahamon ko sa kaniya habang magkakrus ang dalawang braso. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya nang tumingin sa akin at astang susugod pero dinuro siya ni Ari na pumagitna pa sa amin. 'Umeksena pa. Sana siya na lang ang nagligtas dito sa nerd na 'to. Tsk!' "Nakalimutan mo yata ang sinabi ko sa'yo kanina. Baka gusto mo talagang makatikim sa akin? Masarap ako, mas masarap pa sa'yo!" mataray pang asik ni Ari. 'Abnormal talaga.' "Hahahahaha!" malakas na tawanan no'ng mga estudyante sa paligid namin. "You'll pay for this!" galit na sigaw niya sa akin. "I'll make you pay for this, bitches!" mangiyak-ngiyak na dagdag niya. "Sure. I'll pay double for you," nakangiting wika ko pa at kinindatan siya. Inis na lumayas sila no'ng mga abubot niya saka ko nilingon 'yong nerd na nanginginig pa. Agad siyang nilapitan ni Ari at kinumusta. Nanatili lang akong nakatayo habang pinapanood sila. "Students, go home! What's happening here?" biglang lapit sa amin no'ng isang teacher. "Binully po siya no'ng isang schoolmate namin," sagot ni Ari. "Totoo ba 'yon, Miss Rincon?" tanong ni Ma'am doon sa nerd. Tumango naman agad siya. "O-Opo, M-Miss. S-Sina M-Marga u-ulit 'yong n-nambuyo s-sa a-akin," nauutal pang sagot niya. "My god! Those brats! Aish! Just come to my office now. I can't tolerate this kind of act anymore!" inis pang sambit niya. Nagpasalamat lang sa amin 'yong nerd at agad na sumunod kay Ma'am. Hindi na kami sumama dahil hindi naman kami kailangan doon. "Kawawa naman 'yong binully no'ng babae. Wala talagang magawa sa buhay ang babaitang 'yon," maya maya'y usal ni Ari habang naglalakad kami papuntang parking lot. "'Yon ang trabaho niya eh. Kung hindi niya ginawa 'yon, hindi siya matatawag na bully," kaswal kong tugon. "Pero 'di ba siya 'yong sumampal sa'yo kanina sa cafeteria?" inosenteng tanong niya pa sa akin. Hindi ko siya sinagot pero tumango lang ako. 'Bakit ba may mga taong tulad nila? Hindi ba sila pwedeng mabuhay nang tahimik? Nanggugulo sila ng ibang buhay eh! Kaimbyerna!' Hindi na namin naabutan pa sina Lei at Momoca sa parking lot kaya dumiretso na kami sa mga motor namin. Napatingin naman ako sa katabi kong kotse...kay Shogo. 'Tss. Hindi pa pala umuwi 'yon?' Hindi ko napansing nauna nang umalis si Ari at pasunod na sana ako nang makita ko si Shogo. May kasama siyang babae. 'Hmmm. Lover boy, huh?' Napatingin naman sa direksyon ko si Shogo at nagtama ang paningin namin. Hindi ko na sila pinansin dahil sinamaan na niya ako ng tingin. Mabilis kong sinuot ang helmet at umalis. BAHAY. Agad akong nagbihis ng pambahay at bumaba. Naabutan kong nagluluto si Ari at amoy na amoy ko na ang bango no'n! 'Ahhhhhh!' Hinintay ko siyang matapos. Nanood muna ako ng tv sa sala at nagsindi ng sigarilyo nang biglang mag-ring ang phone ko. "Hein, hello?" si Jitat. 'Saan naman niya nakalap ang number ko? Tsk.' "Oh?" walang-emosyong sagot ko. "Mukhang wala sa hulog ah? Hahaha!" natatawang sabi niya mula sa kabilang linya. "Tss," mahinang singhal ko. "Okay, fine. I'm here in Batangas," masayang balita niya. 'Kailan pa 'to nag-aksayang umuwi dito?' Napabalikwas naman ako sa pagkakaupo at in-off ang tv. "Okay," malamyang sagot ko pa. "I miss you, Hein. I'll see you soon! Bisita ka naman dito sa bahay ko," anyaya niya. "Mmm," tipid na sagot ko saka ibinaba na ang tawag. "Sino 'yon?" tanong ni Ari habang naka-apron pa. Hindi ko napansin ang paglapit niya. "Si Jitat," maikling sagot ko. "Ahh, ano daw sabi?" 'Magsisimula na naman 'tong magtanong ng magtanong. Hays!' "Nakauwi na daw siya," walang-ganang sagot ko. "Hala!" gulat na reaksyon niya. "Mabuti naman kung gano'n. Anong plano mo?!" natutuwang tanong niya ulit. "Anong plano?" naiinip na tanong ko habang nakahithit pa din ng sigarilyo. "Plano, kung magpapakita ka ba sa--" "Hindi. Kumain na tayo, marami pa tayong kailangang aralin para sa quiz ni Sir Cabasora," diretsong putol ko ng sasabihin niya. 'Paniguradong hindi na naman titigil 'to sa kakadada. Tss!' Tahimik lang kaming kumakain ni Ari nang nagsalita na naman siya. "Naikwento nga pala sa akin nina Jin at Lei na malapit na ang District Meet, anong plano mong salihang sports?" pormal na tanong niya sa akin habang sumusubo pa. 'Nawala sa isip ko ang District Meet na 'yan.' "Hindi ko pa pinag-isipan," sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. "Okay," nakangusong pagtatapos niya sa usapan. Pagkatapos kumain ay nagsiupuan na kami sa study area namin para mag-aral. Dumaan ang ilang oras at inaantok na ako. Matapos naming magligpit ay sabay na kaming umakyat sa kwarto para matulog. KINABUKASAN. Azel's Pov Masaya kong naihatid si Kate pauwi sa bahay nila at dumiretso na ako sa bahay namin pagkatapos. Pagkauwi ay mabilis lang akong naghapunan kasama si yaya dahil hindi ko na naabutan sina Mommy at Daddy. Nagpahinga lang ako saglit saka naligo at pinilit matulog. KINABUKASAN. Good morning, Wednesday! Maaga akong nagising dahil ang sabi ni Nix ay may announcement daw si Dean ngayon. Mabilis lang akong naligo at nag-agahan. Hindi ko na naman naabutan sina mommy at daddy. Malamang ay busy na naman 'yon sa work. 'Hays! Palagi nalang!' Pagka-park ko pa lang ng kotse sa University ay nakita ko na agad ang dalawang motor. Kay Kogami at sa kaibigan niya siguro 'yong isa. 'Tch! Motor girls, huh? Hindi pa din cool!' Hindi ko na lang pinansin 'yon at naglakad na papasok ng campus. Medyo marami-rami na rin ang mga estudyante dahil siguro sa maagang announcement. "Azel, pre!" biglang sulpot ni Joshua, kasamahan ko sa basketball team. "Oh, Joshua?" bungad ko. "Nasaan na sina Nixel at Kenta? Magsisimula na ang announcement," tanong niya at inakbayan pa ako. "Parating na daw, bakit?" curious ko namang tanong. "Kasi pagkatapos ng announcement, ipapatawag ang lahat ng kasali sa darating na District Meet," sagot niya. "Ganoon ba? Para saan daw?" pang-uusisa ko pa. "Ewan. Hindi naman dinetalye no'ng officer na nagsabi sa akin. Attendance is a must lang ang naintindihan ko do'n. Alam mo na, hindi chickababe 'yong officer eh. Hahaha!" natatawa pang aniya. "Loko ka talaga!" wika ko at binatukan siya. Matapos no'n ay sabay na kaming pumasok at nakita namin si coach at 'yong iba pa naming mga kasamahan sa basketball. Halos napuno ang buong quadrangle sa dami ng mga estudyante. Mula grade seven hanggang seniors. 'So, andito din si Kate?! Yieeeee! Makokompleto na naman ang araw ko!' Napangiti naman agad ako sa isiping 'yon. 'Makikita ko na ulit si Babe. Ansaya no'n!' Hinanap ko siya sa buong ground pero nagulat ako dahil sa kasamaang palad ay iba ang nakita ko. 'At talagang ikaw pa ang nakita ko?! Kamalas-malasan naman talaga, oo! Badtrip!' Luminga-linga pa rin ako sa ibang direksyon, nagbabakasakaling makita ko si Kate. "Sinong hinahanap mo?" Kahit hindi ako lumingon ay kilalang-kilala ko na ang may-ari ng boses na 'yon. 'Leche na! Sira na ang araw ko! Dimwit!' Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nanatili pa din siyang walang ekspresyon. 'Peste ka! Mahirap ba magreact?!' "W-Wala kang pakialam! Bakit ka nandito?!" inis na tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako saka tumingin sa likod ko. Hindi ko na pinansin 'yon dahil nakapokus ako sa pagmumukha niya. 'Clear skin naman pala ang babaeng 'to. Ha! Mabuti naman at may pang-skincare pa siya? Infairness, hindi siya ganoon kaitim sa malapitan. Mamula-mula rin ang pisngi niya at walang make-up? Tch. Napaka-cheap talaga! Hindi man lang nauso pati lipstick! Buti na lang at may kaonting swerte pa din siya dahil natural nang mapula ang labi niya. Pati kilay ay makapal na din, pero wala nga lang ahit---' "Ugali mo talagang titigan ako, 'no? Baka himatayin 'yong girlfriend mo kapag nakita niyang ganiyan ka kalagkit tumitig sa akin," nakangising wika niya at agad na umasim ang sikmura ko. 'What the f**k is she saying?! Ako?! Tititigan siya?! No freaking way!' "Hey, cheap transferee girl, stop assuming! Dahil kahit kailan hindi ako tititig sa isang katulad mo!" inis na sabi ko. Nagkibit-balikat naman siya na ipinagtaka ko. "Well, tingnan lang natin kung hindi mo kainin 'yang lahat ng mga pinagsasabi mo ngayon sa pagmumukha ko," kalmado nang aniya. Agad namang kumunot ang noo ko. "What are you saying?!" naguguluhang tanong ko pa. Mas lumapit pa siya sa akin saka bumulong sa tenga ko. "Beware. Baka magising ka na lang isang araw, ako na pala ang hinahanap mo," mahinang sabi niya saka nakangiting dumistansya sa akin. "Tch. A-Ano bang sinasabi mo diyan?! 'Wag mong sabihing pinapangarap mo 'kong maging boyfriend?! H-Hahahaha! Imposible 'yon! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo dahil wala kang kwenta!" galit na sigaw ko sa mukha niya pero hindi man lang nagbago ang reaksyon niya. 'Wala talagang kwenta!' Marami ng nakatingin sa amin habang nagbubulungan pero wala akong pakialam. Takot lang nila sa akin, 'no! "Parang nagbibiro lang eh. Ang dami mo na agad sinasabi. Napaghahalataan ka tuloy," nakangisi pa ding sabi niya. "What?!" "Wala. Ang sabi ko, magdahan-dahan ka lang dahil kapag nadulas ka, hindi ka na makakatayo pa," mahinahong sagot niya saka ngumiti pa bago umalis. What the f**k? 'Ano daw?! Aba! Napakabastos talaga! Kainis! Naisahan na naman ako! Bwesit ka talaga kahit kailan Kogami! Arghhhhhh!!!' Inis ko siyang sinundan ng tingin at laking gulat ko nang makita si...si Kate. Magkakrus ang dalawang braso niya habang nakatayo at masama ang tingin sa akin. 'Double dead!' To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD