KABANATA 11

4642 Words
Hein's Pov At nagsimula nang magdikta si sir ng mga tanong niya. Panay reklamo naman ang iba dahil wala siguro silang ideya sa mga itinatanong niya. 'Sumobra ka kasi sa logic, Sir eh..' "Number 27!" "S-Sir namaaaan! Dahan-dahan po, hindi pa nga kami nakakasagot sa mga naunang items---" "Ang dami niyong reklamo! Hindi ba't sinabi ko ng may long quiz tayo ngayon?!" pasigaw na tanong niya. "Y-Yes, Si---" "Oh, eh bakit puro kayo reklamo?!" Wala namang sumagot sa kaniya. "Hala! Lahat ng nagrereklamo, labas! Hindi ko kailangan ng mga bobong estupidyante dito!" galit na utos niya. 'Tss. Abno ka rin 'no, Sir? Nagrereklamo lang, bobo na agad? Isa ka din pa lang may sapak eh!' Nang walang kumibo ay nagpatuloy ulit siya sa pagtatanong. "Number 28!" "S-Sir, wala pa pong number 27," reklamo na naman no'ng mga kaklase ko. "Ano?! Problema niyo na 'yon! Masyado kayong reklamador!" "S-Sir namaaan," atungal ng lahat maliban sa amin ni Ariana na tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Para silang mga tanga'ng umaangal. Kingina naman kasi itong si Sir, kakaiba kung magpa-long quiz. Akala mo naman periodical exam na! Ang hihirap ng mga tanong," bulong pa sa akin ni Ari. "Malaki kasi yata ang sapak ng isang 'yan," umiiling pang sagot ko sa kaniya. "Tsk! Hindi na talaga nagbago. Kailan kaya tayo magkakaroon ng katahimikan dito sa tuwing siya ang magtuturo, 'no?" tanong pa niya. "Malabo na 'yon. Masyadong mataas ang tingin niya sarili kaya kahit pagiging mabait ay handa niyang ipagkait," sagot ko at pareho na kaming nanahimik nang muling nagtanong si Sir. "These molecules were packaged into ancestral cell-like structures!" Nagpatuloy lang siya sa pagtatanong hanggang 100-items. 'Hanep maka-long quiz, talagang looooong!' "Number 101!" "Hala! Mayro'n pa, S-Sir?!" gulat na tanong ni Risa, isa sa mga kaklase ko. "Mas madadagdagan pa 'yan kung aangal pa kayo, mga walang utak!" malakas na sigaw niya ulit kaya natahimik naman silang lahat. Lumalaki na ang butas sa ilong niya at parang umuusok na sa sobrang galit. "Sasagutin niyo ang tanong ko o ibabagsak ko kayong lahat?!" galit na tanong niya at biglang tumingin sa akin. 'Tss.' Inilayo ko ang tingin ko sa kaniya. Ayokong magdadakdak na naman 'to sa harap ko dahil walang-wala talaga ako sa hulog ngayon. 'I'm hungry..' Pasalamat siya at wala akong planong patulan siya ngayon. Pero kung bibigyan naman niya ako ng sapat na rason, edi pagbibigyan ko siya. "Chevrolet!" malakas na tawag niya sa akin. Walang gana ko namang ibinaling sa kaniya ang tingin ko. Huminga ako nang malalim saka pinagkrus ang dalawang braso at diretsong tumingin sa kaniya. Naramdaman kong nilingon ako ni Ari pero hindi ko siya pinansin. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng titigan namin ni Sir. "Last question," malumanay ang pagkakasabi niya at ngumisi-ngisi pa habang nakatingin sa akin. "If Chevrolet can answer my question, hindi ko dodoblehin ang items ng long quiz niyo ngayon." Saka siya ngumiti sa akin, ngiting nanghahamon. Pinanatili kong blangko ang ekspresyon ko. Ayokong mabadtrip siya lalo sa akin dahil baka totohanin niya ang sinasabi niya. 'Loko pa naman ang isang 'to!' "Do you think you can answer my question?" nakangisi pa ding tanong niya sa akin. 'Tss. Daming satsat! Hindi na lang sabihin, nagugutom na ako!' "Wala kayong makukuhang sagot sa akin kung iinsultuhin niyo lang ako," walang-emosyong sagot ko. "Mayabang ka talaga ah! What are the four major biomolecules in living organisms?!" nanghahamong tanong niya at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. 'Ang laki talaga ng sapak mo, Sir, 'no?' Hindi ko kaagad siya sinagot. Nakaupo lang ako habang pinaglalaruan ang lapis ko at diretso pa ding nakatingin sa kaniya. "You can't answer my question, Chevrolet?" sarkastikong tanong niya saka biglang napalitan ng galit na reaksyon ang mukha niya at muling lumingon sa klase. "200 ite--" "Carbohydrates, proteins, lipids, and nucleic acids," diretsong sagot ko at natigilan siya, maging ang buong klase. Siguro ay inaasahan niyang hindi ko masasagot ang tanong niyang 'yon dahil nasa Chapter 3 na ang topic na 'yon sa module namin. Chapter 1 pa lang kasi ang nako-cover namin. Magsisimula palang pala. Nakaugalian na kasi namin ni Ari na aralin ang mga susunod na chapters na ita-tacle pa lang, advance reading kumbaga. Minsan naman, kapag tinatamad kami ay tigdadalawang advance chapters lang ang binabasa namin. Hindi namin isinasaulo lahat 'yon dahil mas madaling matandaan kung iintindihin mo ang binabasa mo. "D-Define each!" sigaw pa ulit ni Sir. 'Ayos ka lang, Sir? Ang dami no'n! Tsk!' Sa huli ay wala din naman akong nagawa kung 'di sagutin na lang. Nilingon ko pa saglit si Ari pero kinindatan niya lang ako at agad kong ibinalik kay Sir ang tingin ko. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. 'Tss. Isip-bata.' "Carbohydrates, also known as sugars, are the most abundant among all organic compounds. They perform a multitude of functions on their own such as storing energy to fuel cellular processes and providing structural support within the cell. Proteins, are the most versatile among the organic molecules, tasked with a wide array of functions. Lipids, are non-polar, and thus insoluble, biomolecules. Lipids function for energy supply, protection, support, and communication. And Nucleic Acids are repositories of cellular information that are passed on from generation to generation," mahabang sagot ko saka bumuntong-hininga. 'Naubos ang hangin ko do'n ah? Lakas kasi ng trip mo, Sir eh!' "Akalain mong pati 'yon alam mo?!" sarkastikong tanong pa niya. 'Bakit 'di na lang kasi tanggapin na nasagot ko ang tanong niya? Wala namang mawawala sa kaniya eh. Siguro, mababawasan lang ang yabang niya. 'Yon lang.' "Nag-aral lang, Sir," mayabang na sagot ko pa. "Palibhasa may naisasagot kaya lumalaki ang ulo!" Hindi ko na siya sinagot. "Mayabang ka rin eh, 'no?! Sinasabi ko sa'yo, Chevrolet hindi porke't nasasagot mo lahat ng mga tanong ko eh magiging mabait na ako sa'yo!" pasigaw pa ding saad niya pero hindi na lang ako kumibo. "Bastos ka pa rin at walang modo! Pero hindi nga naman maipagkakailang mayabang ka dahil may naisasagot ka!" 'Mas madaling magyabang kung may maipagyayabang, Sir!' nakangising sabi ko pa sa isip. Hinayaan ko lang siyang dumakdak dahil wala akong interes ngayon. Agad namang natapos ang long quiz at lumabas kami ng classroom ni Ari na parang mga lantang gulay. "Oy Hein, Ari, una na kami ah?" paalam ni Jin at tinanguan lang namin siya pareho. "Saan nga pala kayo nag-lunch kanina? Hindi na namin kayo naabutan eh," tanong niya na nakatingin pa kay Ari. "Hindi na kami nakapag-lunch. Naubusan kami ng oras dahil sa mga asungot kanina. Mga bwesit!" inis namang sagot ni Ari habang nilalagay ang mga gamit niya sa compartment ng motor niya. "'Wag na kayong mag-alala, ini-report na namin sa Guidance ang mga babaeng nang-away sa inyo kanina," singit ni Lei. "Ayos ka lang, Hein?" nag-aalalang tanong ni Momoca at bahagya pang lumapit sa akin. "Oo naman," tipid ang ngiting sagot ko. Ayos lang naman talaga ako. Ayoko lang talagang ginugutom ang sarili ko. 'Hay!' "Parang namumutla ka kasi eh," nag-aalalang sabi pa niya. "Wala lang 'to---" "Ganiyan ang epekto sa kaniya kapag ginugutom siya," biglang sapaw ni Ari sa sinasabi ko. "Ganoon ba?" inosente namang tanong ni Momoca sa kaniya. "Oo, kaya 'wag ka nang mag-alala dahil kakain kami agad pagkauwi. 'Di ba, Hein?" baling niya sa akin. "Mmm, 'wag ka nang mag-alala sa akin, Momoca. Magiging ayos ako," tipid ang ngiting sagot ko ulit. "Okay, sabi niyo 'yan ah?" "Oo naman," sagot ko at kinindatan pa siya. "Oh sige, una na kami ah? Mag-iingat kayo," nakangiting sabi pa niya. "Sige. Ingat rin," sagot ko. "Salamat. Umuwi na din kayo," si Jin. "Oo, pagkaalis niyo," sagot ni Ari kay Jin. "Sige!" "Bye, Hein and Ari. Ingat!" "Bye!" At tinanguan ko na lang sila at isa-isa nang nagsialisan. Kami na lang ni Ari ang naiwan at narinig ko pa siyang bumuntong-hininga bago ko naramdamang lumapit siya sa akin. Hindi ko naman siya nilingon dahil lumapit na ako sa motor ko. "Hindi ba natin bibisitahin si Shogo?" biglaang tanong niya kaya agad naman akong napalingon sa kaniya pero hindi ko ipinahalatang nagulat ako. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang 'yon at mas lalong hindi ko inaasahang itatanong niya 'yon. "Bakit?" "Anong bakit?!" Halatang nagulat din siya sa tanong ko. "Bakit pa natin pupuntahan?" pagtatama ko. "Hala siya! Limot mo na agad? Na-confine 'yong tao kasi nabugbog kaya natin bibisitahin," sarkastikong sagot niya. 'Malamang alam ko 'yon! Ako kaya ang nagdala sa kaniya doon. Engot!' "Bakit pa?" walang ganang tanong ko. "Hala ulet! Hindi ka ba talaga naawa do'n sa tao?" Agad namang naging blangko ang mukha ko sa tanong niyang 'yon. "Siyempre, nag-alala. Dadalhin ko ba 'yon doon kung hindi?" inis ko pang tanong sa kaniya. "'Yon naman pala eh! Bakit may patanong-tanong ka pa diyan?! Ayaw mong puntahan kasi hindi kayo cool? O ayaw mo lang puntahan dahil may iniiwasan ka?" "Ano bang sinasabi mo diyan? Sino namang iiwasan ko sa mga 'yon? Ako ba ang lumalapit?" At umiwas ako ng tingin sa kaniya. Masyadong mapanghinala ang babaeng 'to kaya kung anu-ano na namang konklusyon ang mabubuo sa utak nito kapag pinatulan ko pa. "Sus! Nagdahilan pa talaga. 'Wag na nga lang nating puntahan! Umuwi na tayo at nang makakain!" inis na sagot niya at tumalikod sa akin. Hindi naman ako nagsalita. "Kainis! Di man lang nagmalasakit sa may sakit!" dinig ko pang bulong niya. 'Anong nangyari dito?' "Woi, dinig kita!" saway ko sa kaniya. "Ewan ko sa'yo! Tuleg!" "Ano ka naman? Kamag-anak?" pang-aasar ko pa habang nakatingin sa kaniyang likod. Magkasalubong naman ang kilay niya nang lumingon sa akin. 'Pikon! Amp.' "What?! May sakit 'yong tao kaya nagmamalasakit ako. Kaysa naman sa'yo na walang puso! Manhid at walang pakiramdam!" "Atleast hindi ako NBSB katulad mo," nakangising sabi ko pa at mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay niya. "Sus! Ewan ko sa'yo! Resulta na 'yan ng pagpapalipas mo ng gutom. Umuwi na nga tayo!" aya niya at nauna na siyang umalis. Sumunod naman ako at ilang minuto lang ay nasa bahay na kami. BAHAY. Pagkapasok ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Nilingon niya pa muna ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga saka dumiretso sa kusina para siguro maghain ng makakain. Hindi ko na siya pinansin dahil may kakaiba talaga sa nararamdaman ko. 'Sobrang pagod naman yata ang nararamdaman ko ngayon?' Bigla na namang sumagi sa isip ko si Shogo at hindi ko alam kung bakit. Simula noong nabugbog 'yon, hindi na siya nawala pa sa isip ko. 'Makakapasok na kaya 'yon bukas? Tsk! Sobrang yabang kasi, naresbakan tuloy!' Naghubad ako ng sapatos at medyas saka nagsuot ng tsinelas panloob. Muli akong dumantay sa sofa at pinagmasdan ang kisame namin. 'Kailan mo kaya ako titigilan, Shogo? Masyado ka nang nakakagulo sa buhay ko. Gusto kong magbago at mag-aral nang normal pero parang sa tuwing nagbabalak akong gawin 'yon ay may hahadlang na naman. Tsk!' Tinigilan ko muna ang pag-iisip at inilabas ang phone saka tinext 'yong kaibigan kong kakauwi lang mula ibang bansa. Ang sabi niya ay bibisita daw siya sa akin kapag may oras na siya. Gusto ko din siyang ipakilala kay Ariana dahil hanggang video calls lang sila noon. Bata pa kasi kami noong umalis siya papuntang ibang bansa upang doon mag-aral, since only child lang din naman siya and nandoon rin ang business ng both parents niya. I was eight noong huli ko siyang nakausap nang personal at masyado pa kaming bata no'n. Kusa naman akong napangiti sa mga alaala naming 'yon. 'Sana maging okay na ang lahat ngayong bumalik na siya.' Hindi ko na namalayan kung gaano katagal akong nag-isip hanggang sa nakatulog. Ari's Pov Naabutan kong tulog si Hein sa sofa. Pinagmasdan ko pa muna siya. 'Haaay! Kailan mo ba bibitawan 'yang nakaraan mo? Kinakawawa mo lang lalo ang sarili mo eh. Tsk!' Alam kong pagod na siya hindi dahil sa pisikal na pasakit, kung 'di sa mabigat na emosyong dala-dala niya dulot ng nakaraan. 'Paano pa kaya kapag nalaman mong bumalik na ang taong minsan ka ng sinaktan at ang dahilan ng paghihirap mo ngayon? Bilang kaibigan mo, gusto kong maging masaya ka ulit. 'Yong totoong saya na minsan mo nang kinalimutan dahil sa sakit ng nakaraan mo.' Hindi na ako nagdrama pa. Nilapitan ko siya at ginising. "Kakain na," kaswal na sabi ko at niyugyog siya nang mahina. "Mmm," ungol niya. "Sige susunod ako." Saka siya tumayo at sumunod sa akin sa kusina. Tiningnan ko pa muna siya bago ako naupo sa katapat niyang pwesto. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya kaya iniwas niya agad ang tingin niya. 'Nakakahalata na talaga ako sa'yo, isang maling galaw pa, Hein. Isang maling galaw pa.' "Ano na naman 'yan?" biglang tanong niya habang naglalagay ng kanin at ulam sa plato niya. Halatang umiiwas siyang pag-usapan ang kung anumang nasa isip ko ngayon. "Wala naman. Kumain na tayo," malamig na sagot ko. Hindi na niya ako kinulit pa pero hindi ko pa rin inalis sa kaniya ang mga tingin ko habang sumusubo. 'Ayaw mo lang ba talagang bisitahin si Shogo dahil sa kaaway mo siya? O dahil umiiwas ka sapagkat alam mo nang nandito na 'yong isa?' Napailing na lang ako sa naiisip saka nagpokus sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nagsipagpwestuhan na kami sa study area at tahimik na nag-aral. Nauna akong matapos kay Hein kaya umakyat na agad ako sa kwarto na walang kibo-kibo at natulog. Mabilis na dumaan ang oras at araw na ng Linggo. Ayon sa napagkasunduan namin sa trabaho, tuwing weekends lang kami papasok pero whole day. At dahil Linggo ngayon, may pasok kami mula 8AM hanggang 4PM. Hanggang sa trabaho ay hindi pa din masyadong kumikibo si Hein at hindi na ako mapakali. Gusto ko siyang tanungin kung anong bumabagabag sa kaniya. Gusto kong magsabi siya sa akin dahil ayokong magsosolo na naman siya tapos susungitan niya lang ako. Gusto kong bumalik kami sa dati, nag-aasaran pero hindi nagkakailangan. Gusto kong maramdaman niya na nandito ako at hindi siya nag-iisa sa laban niya. 'Handa akong makinig, Hein. Hay!' Kaya nang matapos ang shift namin ay hinarang ko agad siya sa parking lot para makapag-usap kami. Ayokong nagkakailangan at hindi kami nagkikibuan. Nahiya naman ang bahay namin kung gano'n? "Hoy! Mag-usap tayo," nakasimangot na sabi ko at kinalabit siya nang malakas sa balikat. Nilingon niya lang ako saglit at agad na ibinalik ang tingin sa inaayos niyang mga gamit at inilagay sa compartment ng motor niya. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" nakangusong tanong ko pa. 'Bahala ka ng makulitan sa akin. Basta kausapin mo lang ako! Nakakainis ka talagang babae ka! Huhuhu!' "Ano bang gusto mong pag-usapan?" kalmado ngunit walang emosyon na tanong niya. Kahit hindi siya sa akin nakatingin alam kong blangko ang mukha niya ngayon. Ganiyan siya lagi kapag wala sa hulog at maraming iniisip. Nakakainis nga minsan eh, alam naman niyang hindi ko siya kayang tiisin! "Ayos ka lang ba? Anong iniisip mo? At bakit hindi mo 'ko pinapansin?!" sunod-sunod na tanong ko. Blangkong tingin lang ang ibinigay niya sa akin at pumunta sa harap ko, distansya sa motor niya. "Kailangan mo ba talagang malaman?" mahinahong tanong niya ulit habang sinisindihan ang isang stick ng sigarilyo. "Aba, oo! Kailangan kong malaman! Nagmumukha na akong tanga kakaisip kung anong nangyayari sa'yo! Tapos para ka pang yelo sa bahay!" inis na sigaw ko. Huminga pa muna ako nang malalim saka tiningnan siya nang diretso sa mata. 'Hoooooooo! Pigilan mong magalit, Ari. Patience...Patience...Patience..' "Bakit yelo?" inosenteng tanong niya na ikinabagsak ng mga balikat ko. 'Sus! Ang hilig mo talagang iliko ang topic eh, 'no?! Sa dami ng sinabi ko, yelo lang talaga ang nakakuha ng atensyon mo?!' SOBRANG WEIRD. "Kasi hindi ka lang malamig, matigas ka pa! Pero ang pinagkaiba niyo lang ay matagal kang tunawin kasi masyado kang mayabang!" "Oh tapos?" wala pa ring emosyon na tanong niya habang hinihithit ang yosi. "Hay! 'Wag mo ngang paikot-ikutin ang usapan! Ano ba talagang nangyayari sa'yo?! Bakit nagkakaganiyan ka bigla?!" inis na talagang sumbat ko. "Anong ganiyan?!" Parang nauubusan na din siya ng pasensya sa pakikinig sa akin. Huminga ulit ako nang napakalalim saka ibinuga 'yon. Pilit kong hinahabaan ang pasensya ko sa babaeng 'to! "Wala kang kwentang kausap!" singhal ko pero hindi na siya kumibo. "Bakit ka ba kasi nagkakaganiyan?! Ilang araw mo na akong hindi pinapansin! Dahil ba 'yan sa pag-enroll ni Jitat sa University? O baka naman ay gusto mong sabihin sa akin ang totoong dahilan mo?" Hindi pa rin siya makatingin sa akin nang diretso. Hindi agad niya ako sinagot. 'Kahit 'di mo sabihin, alam ko na ang dahilan. Pero maging honest ka lang sa akin, okay na tayo. Promise, close my heart.' "S-Si Jitat---" "Sinungaling!" 'Peste! Nakuha pang magsinungaling, eh huling-huli na nga!' "Ano?!" pigil ang inis na tanong niya habang magkasalubong pa ang mga kilay na nakatingin sa akin. "Nagsisinungaling ka! Alam kong hindi si Jitat ang dahila--" "Oh, alam mo naman pala eh! Bakit nagtatanong ka pa?!" malakas na sigaw niya dahilan para kusa akong natigilan at lalong napatitig sa kaniya. Masyado akong nagulat sa malakas na pagsigaw niyang 'yon kaya hindi agad ako nakasagot. Naiwas ko naman ang paningin ko sa kaniya. Hindi niya ako kailanman nasigawan nang ganoon kalakas. Hindi pa talaga! 'Leche! Bahala siya sa buhay niya! Kingina siya!' "G-Gusto ko lang naman kasing manggaling sa'yo dahil ayokong pangunahan ka. Baka kasi mali na naman 'tong iniisip ko," nakangusong sabi ko at ibinaba ang tingin sa lupa. "Pero masyadong malakas ang kutob ko na totoo ang hinala ko kaya malakas rin ang loob kong lapitan ka at tanungin." Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya pero dinig ko ang magkasunod na buntong-hininga niya. "Hindi ko din maintindihan ang sarili ko," mahinang panimula niya at ibinuga ang huling usok ng yosi saka ito itinapon sa tabi. Hindi ako nagsalita pero ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. Hindi siya sa akin nakatingin kung 'di sa isang halaman sa gilid ng motor niya at sumandal sa pader. Nakatagilid siya sa akin habang ako ay nakatayo paharap sa kaniya. "O-Oo, alam kong nandito na s-siya. Sinabi sa akin ng pinsan niyang si Haru. Hindi ko alam kung tama 'tong nararamdaman ko pero pakiramdam ko ay kailangan ko siyang makita, mayakap, at mahawakan...pero alam kong hindi na p-pwede 'yon ngayon. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na manabik sa k-kaniya." At nagsimula nang magtubig ang mga mata niya pero halatang pinipigilan niya ang pagtulo nito. Kitang-kita ko ang bawat emosyon na bumabalot sa katauhan niya ngayon na pilit rin niyang itinatago. Nagpatuloy lang ako sa pakikinig. "Kahit na...kahit na s-sinaktan niya ako noon, may parte pa din sa akin na gusto siyang pabalikin. Tanga na kung tanga, pero kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong maging a-akin siya u-ulit...hindi ko sasayangin 'yon. Pakiramdam ko kasi, nagkaroon ng malaking k-kulang sa buhay ko simula noong m-mawala siya sa akin." dagdag niya habang humihikbi nang mahina. Mabilis naman niyang pinunasan ang mga luha niya saka natawa pa kunwari. "H-Haha! hindi ko talaga inaasahan na hahantung kami sa ganito, na magiging ganito kasakit ang magmahal at m-magparaya. Ang s-sakit s-sakit...d-dito." Sabay turo sa puso niya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Pagdating sa pag-ibig, napakahina niya. Ito ang nag-iisang kahinaan niya. Kahit gaano siya kalakas sa paningin ko, talagang lumalambot siya kapag nakaraan na niya ang pag-uusapan. Ilang segundo lang ay siya rin ang kusang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Namumula na ang mga mata at pisngi niya. Mestiza. "Alam kong may nararamdaman ka pa din para sa kaniya, hindi ba? Obvious naman kasi masyado eh," nakangiwing tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "O-Oo," tipid na sagot niya. 'Tama ako! Bwesit na Jvon naman kasi 'yon eh! Kaibigan ko pa talaga ang napiling saktan!' inis na sigaw ko sa isip. "Umuwi na muna tayo at nang makapagpahinga ka. Saka na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan, kapag handa ka na," aya ko pero tiningnan niya lang ako na parang wala siyang narinig mula sa akin. "Ayos ka lang? May sinabi ba akong hindi tama?" Agad siyang umiwas ng tingin. "Gusto mong ma-meet si Haru, 'di ba?" "Ha? 'Yong gwapong pinsan no'ng bwesit mong ex?!" gulat pang tanong ko. 'Oh my god! After a decade, sa wakas ay makikita ko na rin ang gwapong nilalang na 'yon?! Leche! Hahahahaha!' kinikilig na sabi ko pa sa isip. Tumango siya saka ngumiti sa akin. "Gusto ka din daw niyang makita," pormal niyang wika. "Talaga?!" kinikilig pang tanong ko at tumango lang ulit siya bilang sagot. "s**t! Kailan ba 'yan at nang makapagpaganda pa ako?!" "May number ka naman niya, 'di ba? I-text mo siya para malaman mo. Sabihan mo na lang ako kung kailan." Blangko na ulit ang reaksyon ng mukha niya. Agad naman akong napanguso. "Ayoko nga! Tsaka, ako 'yong babae kaya dapat lang na siya ang unang gumawa ng move, 'no! Kahit naman crush na crush ko 'yon, may respeto pa din naman ako sa sarili ko!" pagtutol ko. Nangunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Sinabi ko lang na i-text mo. Hindi ko sinabing landiin mo, tanga! At kahit ilang libong taon ka pa maghihintay na i-text ka no'n, hindi niya gagawin 'yon dahil wala siyang number mo." Natawa pa siya nang mahina doon sa huling sinabi niya. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa pagkapahiya kaya inis ko siyang nilapitan. "Nakakainis ka talaga!" nagtatampong sigaw ko at bumalik na sa motor ko. "Bahala ka sa buhay mo! Hindi na kita pagsisilbihan sa kusina!" Natawa naman siya nang malakas sa inaasta kong 'yon. 'Bwesit na babaeng 'to! Tinawanan pa talaga ako?!' Tinapos niya pa muna ang pagtawa bago humarap sa akin at nakangising tinaasan ako ng isang kilay. Galit naman akong tiningnan siya. "'Wag ka kasing assuming," mahinahon nang saad niya pero lalo lang akong nababadtrip dahil ngumisi-ngisi na naman siya. "Umuwi na tayo," dagdag niya saka sumakay na sa motor niya. "Kingina ka talaga! Hintayin mo kapag ako nakaganti sa'yo, babae ka!" inis na sigaw ko pero natawa lang ulit siya. 'Anong nangyari at biglang naging masaya ang isang 'to?' takang tanong ko pa sa isip. Kahit binadtrip niya ako, masaya pa rin ako dahil alam kong okay na ulit siya at cool na ulit kami. Mabilis naman akong sumunod sa kaniya at nag-drive pauwi. BAHAY. "Hein, may gusto ka bang kainin?" tanong ko agad pagkapasok namin sa bahay. "Oo," tipid na sagot niya at naghubad ng jacket. "Ano 'yon? Magluluto ako," nakangiting sabi ko. "Pero wala dito eh," mabilis na sagot niya at agad na lumabas. 'Saan pupunta 'yon?!' Agad ko siyang sinundan sa labas pero nakasakay na siya sa motor niya nang maabutan ko. "Hoy, saan ka?!" habol ko sa kaniya. "Diyan lang," walang emosyong sagot niya. "Saan nga?!" pangungulit ko pa. "Wag kang makulet! Uuwi rin ako agad. May bibilhin lang." Hindi na ako nakapangulit pa dahil pinaharurot na niya ang motor paalis. 'Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon! Haaaay!' Inis naman akong pumasok muli ng bahay at naghanda na lang ng hapunan nang biglang tumunog ang telepono ko. Hininaan ko 'yong stove at tiningnan ko 'yong caller pero unregistered number. 'Sino naman 'to?' Kibit-balikat na sinagot ko na lang 'yong tawag. "Hello?" bungad ko. "Kumusta, Ariana Luen Luna? Nagustuhan niyo ba 'yong sorpresa namin?" Malaki ang boses ng nasa kabilang linya kaya alam kong lalaki 'to. Pamilyar siyang magsalita pero hindi ko lang matandaan kung saan ko huling narinig ang boses na 'yon. Nagsimula na akong kabahan at nagpalinga-linga pa ako sa buong paligid kahit wala naman talaga akong ideya kung anong sorpresa ang tinutukoy niya, ngunit may kutob na ako kung sino siya. 'Sana ay prank call lang 'to at nagkakamali ako ng iniisip,' pagdadasal ko pa sa isip. Matagal bago ako nakasagot kaya naman ay nagsalita ulit siya. Nakakatakot ang laki ng boses niya. Parang kakainin no'n nang buo ang telepono ko. "Bwahahahaha! 'Wag ka munang kabahan, Yana. Para namang hindi niyo kami kilala. Simula pa lang 'yon ng 'maraming' sorpresa namin para sa inyo. See you in hell," tumatawa-tawa pang asik niya at kusang ibinaba ang tawag. Umurong yata ang dila ko dahil sa sobrang gulat at sa muling pagkabuhay ng kaba sa dibdib ko. 'Are they coming back for us? Damn it!' Nasapo ko ang sariling noo at napatakip ng bibig habang napapatitig sa kung saan. Iniupo ko ang sarili sa silya dahil hinigop ng tawag na 'yon ang buong lakas ko. Hindi ako maaaring magkamali, sigurado na ako kung sino 'yon at alam ko ding hinding-hindi niya kami titigilan ni Hein ngayong natagpuan na niya ulit kami. 'Wag naman sana silang magtagumpay sa masamang pinaplano nila sa amin, Lord.' Hein's Pov Mabilis kong pinaandar ang motor ko papuntang mall. 'Pancakes ang gusto kong kainin ngayon.' May nalaman akong Pancake Stall dito sa Pacific Mall. Ito ang pinakamalapit at pinakamalaking mall sa buong rehiyon ng Batangas. Pacific Mall Parking lot. Agad akong pumasok at hinanap sa directory ng mall ang floor ng mga food stalls. 2nd floor, beside WOF. Mabilis akong sumakay ng escalator at pumunta sa mga food stalls. Nahanap ko naman agad ang Pancake Stall pero may napansin akong nagtatago sa gilid no'n at may nagtitilian pang mga babae sa tabi ng stall na 'yon. 'May artista kaya? Pero bakit hindi ko makita?' takang tanong ko pa sa isip. Hindi ko na lang pinansin 'yon dahil nagugutom na ako. Naaamoy ko na mula dito sa nilalakaran ko ang mga maiinit na pancakes. Nang marating ko it--- 'Anong ginagawa niyan dito?! At bakit siya nagtatago diyan?!' Nakita kong nakakislot sa ilalim ng Pancake stall si Shogo na para bang hinahabol siya ng kung sino. Hindi naman magkamayaw sa pagtatanong 'yong mga babae kay ate na tindera doon. "Woi! Anong ginagawa mo diyan??" tawag ko sa kaniya at dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ko at nagtama ang paningin namin. Halatang sobra siyang nagulat sa akin dahil nakaawang pa ang bibig niya. 'At gumagala na, ha?! Siguro magaling na ang mga sugat nito.' "Kogami," mahinang sambit niya na halos hindi ko na marinig habang nakatulala sa akin. 'Ahh, kaya pala maraming babae dito ay dahil nandito ka. Tss! Kawawa talaga ang girlfriend mo sa'yo. Masyado kang habulin.' "Bakit diyan ka nagtatago?" kunot ang noo'ng tanong ko sa kaniya. "Shhh! 'Wag kang maingay! Baka makita ako ng mga sumusunod sa akin!" pabulong na singhal niya at sumenyas pa. Hinintay naming mawala ang maiingay na mga babae. At nang hindi ko na sila natatanaw ay sinenyasan ko na si Shogo na tumayo. "Hoooooo!" mahabang buntong-hininga niya saka nag-unat ng mga buto. "Bakit ka hinahabol ng mga 'yon?" takang tanong ko. "Nakakapagtaka pa ba 'yon?! Eh malamang dahil gwapo ako at gwapong-gwapo pa!" mayabang na sagot pa niya. 'Taas ng confidence, nyoy ah?!' "Tss," malakas na singhal ko saka naglakad papunta sa harap ng stall at sinundan naman niya ako. "Teka, aalis ka na?!" pahabol na tanong niya saka humawak pa sa braso ko. Ibinaba ko naman ang tingin ko sa pagkakahawak niya at nang naramdaman niya ito ay mabilis din niyang binawi ang kamay niya. "S-Sorry," napapahiyang aniya. Hindi na ako nagsalita. Nang lingunin ko 'yong tindera ay taka siyang nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Shogo. "Isang 10-pcs pancake, 'yong jumbo size, ate," paglatag ko sa order ko saka lumingon ulit kay Shogo. "Ano pang ginagawa mo diyan?" tanong ko at muling ibinalik kay ate ang tingin dahil nangangamoy na talaga ang mga pancakes. 'Ahhh! Nakakatakam!' Muli ko siyang nilingon nang hindi siya sumagot. Nagulat pa siya nang makita niyang nakatingin na rin ako sa kaniya. Para siyang tanga! "'Wag mo kasing ugaliin na titigan ako, dahil bukod sa hindi ako marunong mailang ay baka hahanap-hanapin mo na ang itsurang 'to," nakangising saad ko dahilan para magsalubong ang mga kilay niya sa pagkalito. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD