Azel's Pov
Dumaan ang Thursday, Friday, Saturday at,
Hello, Sunday!
Nakauwi na ako't lahat pero hindi ko man lang nakita kahit anino ni Kogami sa ospital.
'Ang sama talaga ng ugali no'n. Ano pa bang ine-expect mo do'n, Azel? Sadyang wala naman 'yong pakialam sa'yo eh! Magkaaway kayo, remember? Tinulungan ka lang no'n dahil habang-buhay siyang makokonsensya kung hinayaan ka lang niya doon na mamatay!'
'Oo, tama! Dapat hindi ako magpadala sa pagpapakitang-tao ni Kogami. Baka baliktarin niya ang sitwasyon at ako pa ang ma-bully niya dahil lang iniligtas niya ako nang isang beses. Tama, dapat ko nang tigilan ang pag-iisip sa'yo. Pinaglalaruan mo lang ako kaya naguguluhan ako ngayon.'
Nahinto naman ako sa pag-iisip dahil biglang may kumatok sa pinto.
Pumasok si Mommy habang nakangiti nang matamis sa akin at may dalang tray na may mga pagkain. Bumangon ako at naupo sa kama.
'Sakto at gutom na ako.'
"Anak, kumain ka muna," nakangiti pang wika ni mommy at inilagay ang tray ng pagkain sa side table ko saka tumabi sa akin.
"Mom, hindi niyo naman kailangan mag-akyat ng pagkain dito eh. I can go down stairs para kumain, naabala pa kayo," nakangusong sabi ko.
Tiningnan niya lang ang kabuuan ko habang napapangiti pa rin.
'Anong klaseng ngiti 'yan, Mom? Kanina ka pa sa pangiti-ngiti na 'yan!'
"It's okay, Baby---"
"Mom! I'm not a baby!" mabilis kong pigil sa kaniya habang nakanguso pa rin.
Sa sobrang sweet ni mommy parang hindi na ako lumaki sa paningin niya. Baby pa din nang baby.
'Haaaay!'
"Okay, son," pagsuko niya at natawa pa nang bahagya. "Kumain ka na bago pa lumamig 'yan, and don't ever think na nakakaabala ka, okay? Minsan ko na nga lang 'to nagagawa sa unico ijo ko, tapos hindi mo pa magugustuhan?" nalungkot naman kunwari siya at napatungo.
Umusog ako para magkadikit na kami saka ko siya tiningnan nang diretso sa mata.
"Thank you, Mommy. I understand na nag-aalala kayo sa akin, but don't worry, Mom dahil okay na ako. Nakakalakad na nga ako nang maayos eh. Tapos, nakapagpahinga na din naman ako ng ilang araw," nakangiting sabi ko naman sa kaniya at mukhang tuwang-tuwa siya sa mga sinabi ko dahil nagkikislapan pa ang mga mata niya habang namamanghang nakatingin sa akin.
"That's good to hear. I love you, son," bulong niya at niyakap ako.
"I love you too, Mommy," masayang sagot ko pabalik at niyakap din siya.
Kinain ko lahat ng dinala ni mommy saka nagpahinga ulit bago naligo. Nang matapos kong magbihis ay tiningnan ko pa ang sarili sa malaking salamin.
Gwapo? Check.
Gwapong-gwapo? Check.
Sobrang gwapo? Check.
Natigil ako sa pakikipag-usap sa salamin nang biglang dumayo na naman sa isip ko si Kogami.
's**t, bakit ikaw lagi ang naaalala ko sa tuwing buryong-buryo na ako? Talagang kahit sa isip ay binabadtrip mo 'ko! Nananadya ka na ah?!' inis pang sabi ko sa isip kaya padabog na lang akong naupo sa kama ko.
Ano bang pwede kong gawin para mawala 'yong babaeng 'yon sa isip ko? Sa tuwing wala akong ginagawa ay bigla na lang siyang bibisita bigla. Ahh, kaya pala siya tinawag na,
"Bangungot," nakangising saad ko saka inikot sa buong silid ang paningin upang maghanap ng pwedeng malilibangan.
Hindi maaaring siya na lang lagi ang nasa isip ko dahil baka tuluyan na akong maging baliw. Hindi siya healthy para sa akin kaya kailangan kong makagawa ng paraan upang mapalayas siya sa isip ko.
'Di ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga sa mga isiping 'yon.
Bigla akong nabuhayan ng pag-asa nang maalala kong linggo nga pala ngayon,
'Bakit hindi ko kaya yayain si Kate makipag-date? Magandang ideya 'yon! Ang tali-talino ko talaga!'
Kaya agad kong dinial ang number ni Kate at sinagot naman niya agad 'yon.
Nangingiti-ngiti pa ako habang naghihintay na marinig ang boses niya mula sa kabilang linya.
'Don't worry, Babe, we'll have our alone time together, later!'
Parang tangang napapangiti na naman ako mag-isa dahil sa naiisip. Ako lang ba ang ganito? Baka ikabaliw ko 'to kapag nagpatuloy.
"Hello?"
"Babe? Hi! Good morning!" masiglang bati ko agad.
Hindi naman agad siya nagsalita, pero hindi ko na pinansin 'yon dahil baka kakagising niya lang.
"Yes, Babe?"
Wala akong maramdamang excitement sa tono niya ngayon pero tulad ng nauna ay hindi ko na lang ulit pinansin 'yon.
'Guni-guni mo lang 'yan, Azel. Baka gusto niya talagang magpasuyo sa'yo!'
"Babe, are you free today?" nakangiting tanong ko.
"H-Ha?"
'Ano ba, Babe?! Ano bang nangyayari sa'yo? Sunday ngayon oh! S-U-N-D-A-Y! Ang araw na lagi nating ginagawang alone time! Hay!' inis kong tanong sa isip dahil ayokong sigawan ang babaeng mahal ko.
Pilit ko pa ding pinipigilan ang inis ko dahil baka may dahilan lang siya.
"Babe, ang sabi ko, may lakad ka ba kako? Kasi, gusto ko sanang mag-date tayo ngayon," pag-uulit ko.
"A-Ahh...kasi.." parang nagdadalawang-isip pa siyang um-oo sa imbitasyon ko.
'Hay! Babe, naman e! Ginagawa mo 'kong paranoid!'
"May problema ba, Babe?" seryosong tanong ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya dahil naguguluhan na talaga ako.
'Sana ay tinopak ka lang, Babe. Sana lang talaga dahil ilang araw ka na ding ganito ka-cold sa akin.'
Hindi ko alam kung saan nagmumula ang kaba at takot na bumabalot sa akin ngayon.
Nang hindi na nagsalita si Kate ay ako na mismo ang pumigil sa sarili ko.
"A-Ah, ayos lang, Babe kung h-hindi ka pwede ngayon. Nagbabakasakali lang naman ako. Alam mo na, nakaka-bored dito sa bahay at nami-miss na din kita," pigil-hiningang saad ko.
'Hooooooo!'
"B-Babe, s-sorry.." gumaralgal ang boses na aniya.
'Umiiyak ba siya? At anong 'sorry'? Para saan ang 'sorry'?' mga gumugulong tanong sa isip ko.
"Babe, are you crying? Gusto mo bang puntahan kita diyan ngayon?" nag-aalalang tanong ko.
"A-Ahh, no! 'Wag na, B-Babe. I-I'm a-alright. Kita na lang t-tayo b-bukas sa University. I-I l-love you," mabilis ngunit nauutal nitong sagot.
Medyo nagulat pa ako sa inaasta niyang 'yon pero 'di ko na lang pinagtuunan ng pansin. Halatang pilit lang naman ang ipinaparamdam niyang saya ngayon.
'Ano bang nangyayari? 'Wag naman sanang mangyayari ang kinatatakutan ko, baka h-hindi ko k-kakayanin..'
Hindi ko na siya nasagot dahil ibinaba na niya nang kusa ang tawag.
Gusto ko siyang puntahan.
Gusto ko siyang tanungin.
Gusto kong malaman ang nangyayari sa amin.
Baka dahil sa sobrang pambu-bully ko ay nakakalimutan ko na si Kate at ang relasyon naming dalawa.
'No! This can't be!'
"Damn this!" inis na sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili.
'Hay! Napapraning na ba ako?! Badtrip!'
Imbes na magmukmok ay tinawagan ko na lang sina Kenta at Nix para gumala.
Ayokong magmukmok dahil mababaliw ako.
Hindi ko ugaling mag-isip nang mag-isip. Palagi lang akong naka-go-with-the-flow dahil ayokong ma-stress. Hindi sa kabadingan, pero ako kasi 'yong tipo ng tao na pinipili lagi ang magsaya kaysa magmukmok at dibdibin ang problema, lalo't kapraningan ko lang pala ang dahilan.
Gala at pagsasaya ang way of escaping ko from pain dahil matagal bago ko natatanggap sa sarili ko na nasaktan ako. Ayoko na ulit masaktan, hindi man katulad noon ang maaaring mangyari pero ayoko pa ding masaktan. Kaya habang kaya ko pang pigilan ang sakit ay itinutuon ko na lang sa ibang bagay ang atensyon ko.
Mabuti na lang at pumayag gumala sina Nix at Kenta. Nandito kami ngayon sa mall na malapit lang sa village namin.
"Anong nangyari't bigla kang nagyaya gumala sa araw ng 'Linggo', dre?" sarkastikong tanong ni Kenta sa akin.
Nagulat silang pareho ni Nix nang magyaya akong gumala sa kanila ngayon dahil pareho din nilang alam na ayokong ma-busy sa araw ng Linggo dahil araw naming dalawa ni Kate 'yon. Simula kasi noong naging kami ay palagi na naming ginagawa 'to, kaya naninibago talaga sila ngayon.
'Sasabihin ko ba ang mga napapansin ko kay Kate, lately? Mukhang ayos lang naman sigurong malaman nila dahil kaibigan ko naman sila at baka matulungan pa nila ako sa kung anong pwede kong gawin upang maging okay lang ulit kami ni Kate.'
Nanatili namang tahimik si Nix habang nakikinig sa amin.
"Hindi ko alam kung papaano ko ikukwento sa inyo eh," sagot ko at napakamot pa ng sintido.
"May nangyari ba?" seryosong sabat ni Nix.
'Lakas mo talaga makaramdam, dre!'
"H-Hindi ko sigurado kung may nangyari nga, pero.." tiningnan ko sila pareho ngunit seryoso pa din silang naghihintay sa sasabihin ko. "Kasi si Kate, tinanggihan niya ako ngayon. I mean, not directly pero 'yon ang point niya at binabaan niya pa agad ako ng tawag na para bang may importante siyang lakad. Kaya kayo ang niyaya ko dito," nahihiyang kwento ko at napayuko habang pinagmamasdan ang bagong bili kong sapatos. Fresh from Las Vegas.
Nakaramdam ako nang kaunting kirot sa dibdib ko, ngunit hindi ko batid kung para saan 'yon pero baka dahil nasasaktan ako sa pilit kong binubuong konklusyon sa utak ko na hindi naman dapat.
'Haaaaaaaay!'
"Baka may problema lang si Kate ngayon, dre. Hindi mo ba naitanong sa kaniya?" kampanteng tanong ni Kenta sa akin na naging dahilan ng muling pagkabuhay ng pag-asa ko.
"Sana nga ay 'yan lang ang dahilan niya," umaasang sagot ko.
"Anong ibig mong sabihin?" makahulugang tanong pa ni Nix.
'Matanong ka na din ngayon ah?'
"Kasi pilit niyang inilalayo ang sagot niya sa tanong ko. Tapos, kapag hindi naman niya alam ang dapat isagot ay nananahimik na lang siya," nakangusong paliwanag ko.
"Baka tinopak lang 'yon, dre. Alam mo naman ang mga babae, malakas ang topak at minu-minuto kung magbago ang mood," wika naman ni Kenta.
"Ewan ko. Hindi pa naman niya ginawa sa akin 'to noon. Ngayon lang, ngayon lang talaga," naguguluhan pa ding saad ko.
"Wala ka naman bang nagawa o nasabi na pwede niyang ika-ganiyan?" pang-uusisa ulit ni Nix.
"Wala naman siguro, dre. Wala akong maalala eh," sagot ko habang napapaisip kung may nagawa ba talaga akong hindi nagustuhan ni Kate.
Nag-usap pa kami saglit bago napagdesisyunang mag-lunch muna bago gumala.
Pumunta kami sa isa sa mga sikat na resto dito sa mall.
"Ako na o-order," boluntaryo ni Kenta, kaya naiwan kaming dalawa ni Nix sa table.
Nakatingin lang siya sa akin nang diretso.
'Anong problema nito?'
"May dumi ba ako sa mukha?" biro ko, trying hard.
Hindi naman siya natawa kaya malamang ay seryoso talaga siya.
'Ako naman ang may pinoproblema dito, ah? Bakit kung makaasta 'tong isang 'to parang pasan niya ang mundo sa sobrang pagkaseryoso?'
"Naniniwala akong malalampasan niyo din ni Kate 'to, dre. Sa tagal ba naman ng relasyon niyo, ngayon pa kayo magkakaganiyan?" seryoso pa ding tanong niya.
'Bakit pakiramdam ko ay sinasabi mo lang 'yan para gumaan ang loob ko?'
"Salamat, dre. Alam ko namang pagsubok lang 'to sa relasyon namin. Hindi ako makakapayag na may makasira sa amin na kahit sino o kahit ano," nakangiting sagot ko naman upang i-assure siya.
Tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa akin kaya agad na kumunot ang noo ko.
"Alam mo, dre...sanay na akong ganiyan ka eh, pero hindi ko lang maintindihan kung bakit sumobra yata ang pananahimik mo ngayon. May problema ba?" reklamo ko.
Hindi ko na napigilang magtanong dahil sobrang disctracted talaga ako sa mga ikinikilos niya.
"You won't believe me," seryosong usal niya dahilan para mapatingin ako nang diretso sa kaniya. "You won't believe me," pag-uulit pa niya.
Nakakunot pa rin ang noo ko sa sobrang pagkalito. Weirdo si Kogami pero mas naging weirdo naman ang isang 'to. Anong problema ng mga tao ngayon?
"What do you mean, dre? Don't tell me may girlfriend ka na?!" nanlalaki pa ang mga mata ko habang nagtatanong.
Pihikan sa babae 'tong si Nixel. Masyado kasing maarte at choosy pa kaya hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagkaka-girlfriend ulit.
Agad siyang napaiwas ng tingin na siyang ipinagtaka ko lalo. "Russel," mahinang sambit niya sa isang salitang 'yon, ngunit malaki ang naging epekto no'n sa katauhan ko dahilan upang manigas ako sa kinauupuan ko at lalong napatitig sa kaniya. "I saw Russel yesterday," dagdag pa niya.
Kinilabutan ako nang matindi sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.
"Imposible!" mahinang bulalas ko at napalunok ulit.
"Yeah, 'yan rin ang akala ko noong una. Pero napatunayan kong totoong siya 'yon noong nilapitan niya ako at kinumusta," nakangisi pang kwento ni Nix at hindi naman ako nakapagsalita agad. "What a small world, right?"
"You mean, he's alive?" hindi pa din makapaniwalang tanong ko at tumango lang siya bilang sagot. "But how? Hindi ba't ang sabi ng daddy niya ay wala na siya? What happened?" sunod-sunod na tanong ko pa.
"I don't know. Wala siyang ikinuwento sa akin noong nagkausap kami at parang wala din siyang alam sa mga nangyari," sagot naman niya.
"What do you mean wala siyang alam? Ano, gawa-gawa lang 'yon ng daddy niya upang mabuwag tayo, gano'n?" nalilito pa ding tanong ko.
"Maybe, yes. Maybe, not. I don't have answers to that, Azel. Siguro, may sariling dahilan si Tito kung bakit niya sinabi sa atin 'yon noon."
"You think so?" hindi pa din kumbinsidong tanong ko.
Hindi na siya nakasagot dahil dumating na si Kenta.
"Ano 'yan?!" Pinalo nang malakas ni Kenta 'yong ibabaw ng mesa dahilan para gulat kaming napatingin ni Nix sa kaniya dahil sa tanong niyang 'yon. "Ang seryoso niyo kasi masyado eh," nakangising wika niya sa amin.
"Oh, eh bakit naninigaw ka?" inis kong tanong sa kaniya.
Nananahimik na naman 'tong si Nix.
'Iniisip siguro nito 'yong pagkikita nila ni Russel kahapon. Pero, napakaimposible no'n. Patay na si Russel, ilang taon na ang nakakalipas,' nalilito pa ding saad ko sa isip.
"Sorry na nga eh. Oh, kumain na tayo. In-order ko lahat ng paborito niyo para hindi tayo gutumin sa laro mamaya," nakangiting sabi ni Kenta sa amin.
Pareho naman kaming hindi na sumagot ni Nix dahil sa mga nalaman namin.
Ilang sandali pa ay inihatid na no'ng waiter ang mga in-order ni Kenta. Wala nang may gustong magsalita kaya naubos namin ang mga pagkain nang tahimik at walang imikan, ending...busog!
Nang matapos ay nagpahinga pa muna kami saglit bago pumunta sa WOF...World Of Fun.
"Bullshit! Dahan-dahan naman, dre! Hahahaha!" natatawa pang sigaw ni Kenta.
"Oh, bakit? Hahahahaha! Luge ka na?!" pang-aasar ko naman sa kaniya.
"Wag ka! Hahaha matatalo din kita!"
"Tingnan natin," nakangising sabi ko.
"Ano ba 'yan?! Ang daya! Bakit ikaw nakapatay no'n?!"
"Eh nasa akin ang swerte ngayon eh!" mayabang na sagot ko saka nagkibit-balikat.
Pinanood lang kami ni Nixel habang naglalaro.
Nang natapos ang laro at ako ang nanalo, agad kong binunot ang mga naglalabasang tickets saka inipon 'yon.
"Oh? Anong drama 'yan, dre?" baling ni Kenta kay Nix nang mapansin niyang wala ito sa mood.
"Wala naman. Tara, basketball tayo," yaya niya sa amin saka tumayo at nagpaumunang naglakad papunta sa basketball shooting game.
Palihim naman akong napailing sa ginagawa niya. Masyado siyang obvious at seryoso. Alam ko namang nakakabagbag-damdamin 'yong pagkikita nila ni Russel pero sobra naman yata ang pagdadrama niya?
'Parang may something talaga eh. Mukhang may nalalaman pa siyang hindi niya sinasabi sa amin. Malalaman ko rin 'yon.'
Naglaro kami hanggang sa napagod at nagpasyang mag-snacks muna bago umuwi.
Pumunta kami sa Dessert Factory dahil pareho kaming mahihilig sa sweets, lalo na ako. Kabadingan man pakinggan pero stress reliever ko 'yong matatamis kaya hindi ako nawawalan ng sweets sa bag.
"Dre, cr lang muna ako ah?" paalam ko sa kanila nang maramdaman kong puputok na yata ang pantog ko.
"Gusto mong samahan ka na namin, dre?" tanong ni Kenta sa akin, pero hindi ko mahulaan kung nagbibiro ba siya o nang-aasar lang talaga.
"Bakit pati ako?" gulat namang tanong ni Nix sa kaniya.
'Isa pang kill joy!'
"Magkaibigan tayo, dre. Sa sobrang close natin ay para nang pinagdugtong-dugtong ang mga bituka natin," nakangising sagot niya.
"Oh, eh anong gusto mong sabihin?" tanong ko naman.
"Na kailangan mo kami anytime, anywhere. All for---"
"Tigilan mo nga ako, bading! Kaya ko mag-cr nang mag-isa!" inis kong sigaw sa kaniya.
'Pati sa cr, sasama pa siya?! Kabadingan!'
Inis akong naglakad palabas at pumasok ulit sa mall. Nasa labas kasi ng mall ang Dessert Factory pero parte pa din naman siya ng kabuuan ng mall.
Nahirapan pa akong hanapin 'yong men's cr kaya nagtanong-tanong pa ako pero ang daming bumubuntot na mga babae sa akin kaya halos takbuhin ko na papunta doon. Ngunit hindi pa man ako nakakalusot ay may mga babaeng tumitili na naman sa likuran ko kaya napatakbo ulit ako.
'Bwesit! Bakit kasi ang gwapo ko?!' inis ko pang tanong sa isip.
Tumigil ako sa isang food stall at doon nagtago. Sinenyasan ko naman 'yong mga tindera doon na 'wag mag-ingay kapag may naghanap sa akin.
"Aaaaay! Hindi na tuloy natin naabutan si Azel!" nanghihinayang na sabi no'ng isa sa mga babaeng humahabol sa akin kanina.
"Ikaw kasi eh!" paninisi naman no'ng kasama niya.
"Anong ako?!"
"Ang bagal mo kasing tumakbo! Kaya ayan, nasalisihan pa tayo! Sayang, ang bango pa naman niya!"
"Oo nga eh! Nahawakan ko nga ang dulo ng polo niya pero saglit lang dahil ang bilis niyang tumakbo," malungkot na sabi pa no'ng isa.
"Sayang talaga! Chance na sana natin 'yon upang makapagpa-picture tayo sa kaniya! Haaaay!"
"Nasaan na kaya siya? Huhuhu! Nakakalungkot naman!"
"A-Ahh, Miss? May nakita po kayong gwapo na dumaan dito kanina? Matangkad po siya at maputi tapos...basta gwapo siya! Hindi lang basta gwapo, sobrang gwapo po niya!" tanong nila sa tindera ng pancakes na pinagtataguan ko kaya napalingon pa siya nang bahagya sa akin na para bang hinihingi niya ang permiso ko.
'Please, ate 'wag mo 'kong isumbong. Huhu!'
Umiling ako at nagpaawa effect sa kaniya. Nakahinga naman ako nang maluwag noong sinabi niya doon sa mga babae na hindi niya ako nakita pero kinukulit pa din siya no'ng dalawa.
"Woi! Anong ginagawa mo diyan?"
Nanigas ako sa pwesto ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali, iisang tao lang ang nakakapagpatindig ng mga balahibo ko sa tuwing naririnig ng tenga ko ang boses niya.
Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko at nagtama ang paningin namin ni...Kogami.
Agad akong napalunok nang ilang beses habang kumukurap pa.
'Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot ang babaeng 'to sa tuwing nag-iisa ako?! Kung hindi sa isip, sa lugar naman kung saan nasosolo niya ako! Badtrip!' paghihisterikal ko sa isip.
"Kogami," tanging naisambit ko na lang habang nakatingin lang sa mukha niyang walang emosyon.
Hein's Pov
Pagkatapos kong umalis doon sa cafeteria ay mabilis akong nagbihis sa pinakamalapit na cr. And as usual, kumukuda na naman si Ari.
"Nakakainis ang mga babaeng 'yon! Walang respeto sa kapwa!" inis na sigaw niya. "Hindi pa talaga nakontento sa mga litanya niya eh! Gumawa pa talaga ng eksena! Jusko! Matitiris ko talaga siya kapag hindi na ako nakapagtimpi! Tapos, tinapunan ka pa ng juice at ulam?! Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Palibhasa, mayaman kaya nagsasayang ng pera! Masyadong pasikat! Akala mo naman kung sinong anak ng presidente! Makapagyabang lang eh, 'no?! Nakakainis! Mga bwesit silang lahat!"
Hinihingal pa siya nang tumigil sa mga pinagsasabi.
Hindi ko na lang siya sinagot dahil lalo lang siyang maiinis at magagalit. Nagpolbo lang ako nang konti saka hinarap siya.
"Ano?! Ayos pa rin sa'yo 'yong ginawa nila kanina?! Naku, Hein! 'Wag mong sabihin sa 'king nababahag na 'yang buntot mo?!" naghihisteryang tanong niya sa akin.
"Ano bang sinasabi mo diyan?" walang-emosyong tanong ko.
Ang totoo, hindi 'yong nangyari kanina ang iniisip ko...kung hindi si Jitat.
'Paanong nakapag-enroll siya dito? Hay!' kunot-noong tanong ko sa isip.
"Hoy!"
Nagitla naman ako sa biglaang pagtawag ni Ari sa akin kaya inis ko siyang nilingon.
"Oh?!"
"Anong 'oh' ?! Nakikinig ka ba sa akin?!" inis pa ding tanong niya.
'Tss.'
"Pwede ba? Hayaan mo na nga ang mga 'yon. Wala na tayong magagawa kung ipinanganak silang may topak. Pwede naman natin silang dedmahin sa susunod eh. Pinipilit ko na nga lang na kontrolin ang inis ko kanina dahil ayokong mapaaway tayo," kalmado ngunit seryoso saad ko. Hindi naman siya nakapagsalita at nanatiling nakatingin sa mga mata ko. "Kung sasakyan natin ang trip nila, tayo rin ang lalabas na masama kasi tayo 'yong mga transferees dito. At alam natin pareho na tayo ang 'mas' may laban kompara sa kanila. Baka nga isang pitik ko lang sa noo no'n eh tumimbawang na 'yon." Hindi pa rin siya nagsasalita. Kapag ganitong nakapokus siya sa mga sinasabi ko ay talagang interesado siya sa gusto kong ipahiwatig. "Ari, 'wag na lang natin silang patulan. Wala naman tayong mapapala kung ipagyayabang natin ang mga kakayahan natin eh. Mas lalo lang uugong ang mga pangalan natin at baka maging suki pa tayo sa iba't ibang disciplinary offices dito."
"Naiintindihan ko naman 'yon. Kaso nakakapikon na kasi minsan eh! 'Yong pakiramdam na may kaya nga tayong gawin para kantihin ang mga sanggano pero hindi naman natin pwedeng patulan ang mga bumubuyo sa atin dito sa University. Hay!" malungkot na sambit pa niya.
'Kaso hindi lahat ng tao ay gaya natin, Ari. Kahit kailan ay hindi naging patas ang mundo para sa mga tulad natin.'
"Hindi natin sila kauri kaya hangga't maaari ay hindi ko na pinapansin ang mga sinasabi nila. Hindi naman siguro natin ikakamatay kung dededmahin natin sila, 'di ba?" At tumango naman siya. "Edi, 'yon na lang ang gawin natin."
"Ikaw naman kasi eh!" panunumbat pa niya sa akin.
"Luh, inaano kita??" takang tanong ko sa kaniya.
"Palagi mong ipinapakita sa kanilang wala kang interes kaya ginagano'n ka nila! Ang sa akin lang naman, sana ay lumaban ka kahit 'yong hindi pisikalan. Basta lumaban ka, paniguradong matatakot rin ang mga 'yon. Alam mo bang nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang binubuyo nila?!"
'Tss. Abnormal talaga! 'Yon na nga ang point ko eh. Hindi ako kailanman naging interesado sa mga tulad nila at wala akong paki kung anong sasabihin nila tungkol sa akin.'
"Tigilan mo na nga 'yan. Nasisira ang ganda mo," biro ko pa.
"Biro ba 'yon ha?!" At namimilog pa ang mga mata niya dahilan para mas lalong lumaki ang singkit niyang mga mata.
Maganda naman talaga si Ari. Sa katunayan, para siyang model kapag pinagdamit mo ng magagara. Sumobra lang talaga ang allergy niya sa katahimikan kaya hindi na nakakahinga kung walang nagagawang ingay bawat minutong magdaan.
'Hay!'
"Kung 'yon ang dating sa'yo, pero pwede din namang totoo na lang 'yon. Hindi naman kasi lahat ng maganda ay nakikita sa panlabas na anyo," natatawa pang sagot ko saka nagpaunang maglakad papunta ng classroom.
"Ang sama talaga ng ugali mo!" nakanguso sigaw niya habang humahabol sa paglalakad ko.
Napailing na lang ako at hindi ko na siya sinagot.
CLASSROOM.
Naubos na ang oras namin kaya hindi na kami nakapag-lunch. Pumasok kaming sabog at gutom.
'Badtrip!'
DISCUSS.
DISCUSS.
Last Subject!
Hindi na ako masyadong nakapakinig sa naunang dalawang subject sa hapon dahil nawalan ako ng gana kaya naman...oras na para ihanda ang mga tenga sa pagdadakdak ni Sir Cabasora.
Long quiz.
"Good afternoon!" agad na bati niya sa lahat.
"G-Good afternoon, S-Sir," kabadong bati ng lahat maliban sa akin.
Siyempre, hindi lang siya ang lecturer na hindi ko binabati. Wala namang maganda sa umaga't hapon eh. Kung hindi sila naninigaw, pinapa-recite kami ng mga advance lessons upang manira ng araw.
Pero pagkapasok niya ay gulat pa akong napatingin sa kaniya dahil sa akin agad tumama ang matatalim niyang mga tingin.
'Hay. Isa pang isip-bata!'
Tinignan ko lang din siya na parang wala talaga akong nagustuhan sa pagmumukha niya.
'Manigas ka, Sir..'
Itutuloy...