Agnes's pov.
Lumipas nanaman ang dalawang linggo. Nung mga nakaraang araw, na realize ko na hindi ko kayang mawala ang friendship namin ni pat, kaya ito ako, dumi distansiya muna sa kanya. Ginagawa kong busy yung sarili ko sa ibang bagay para lang mawala yung feelings ko sa kanya, nag focus na din ako kay zach dahil ayaw kong masaktan siya. Pinaka ayaw ko yung nakaka sakit ako ng tao, di bale ng ako yung masaktan basta hindi ako yung nanakit.
"Agnes bakit sobrang busy ka ata?" Tanong ni pat
"Palagi kang umaalis, tapos kapag nandito ka bihira mo akong pansinin, may problema ba tayo?" Tanong ni pat
"Wala tayong problema, sorry pat. May inaayos lang ako" Sabi ko pero naka tingin padin ako sa binabasa ko
"Anong inaayos mo? May maitutulong ba ako?" Sabi ni pat at tumabi sa akin
"Kaya ko naman na to, tyaka gabi na ah, bakit hindi ka pa natutulog? Diba may rehearsal yung band bukas?" Tanong ko, iniba ko na yung topic baka kase pag awayan lang namin to eh. Akala ko hindi niya mapapansin na iniiwasan ko siya, patricia talaga.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya
"Bakit naman kita iiwasan? Sorry busy lang talaga ako, tyaka si Zach, inaayos na namin yung relationship namin" palusot ko
"Ok matutulog na ako, goodnight." Sabi niya at umalis na, grabe ang cold.
Pat's pov.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya, halata naman kase na iniiwasan niya ako. Pero bakit niya gagawin yon? Iniinis niya lang ako
"Bakit naman kita iiwasan? Sorry busy lang talaga ako, tyaka si Zach, inaayos na namin yung relationship namin" Sabi niya, maniniwala na sana ako pero alam ko namang hindi pa sila ayos ni Zach
"Ok matutulog na ako, goodnight." Sabi ko at iniwan siya sa sala, padabog kong sinara ang pinto ng kwarto ko, naiinis ako. Bakit niya ako kailangan iwasan? Habang nag uusap kami kanina naka tingin lang siya sa libro niya, yun ba yung hindi umiiwas?
•poch kinausap ko na siya, Sabi niya busy lang daw siya• chat ko kay poch
•ok na kayo?• reply ni poch
•hindi pa, hindi niya daw ako iniiwasan pero habang mag ka usap kami naka tingin lang siya sa libro niya• reply ko sa kanya
•baka nga busy lang talaga?• reply ni poch
•siguro nasisikipan na siya dito sa condo kaya lagi siyang umaalis. Baka gusto niya nalang mamuhay ng mag isa. Hindi niya na ako kailangan poch• reply ko kay poch
•tulungan mo naman akong maghanap ng bagong condo oh, ako nalang yung lalayo para hindi na siya mahirapang umiwas• reply ko
•sure ka na ba diyan? Nandito lang ako para sayo pat, nandito lang kami ni jam• reply niya
•sure na ako poch, napag isipan ko na to kanina pa• reply ko
•yiee jam daw• reply ko sa kanya
•bahala ka diyan hindi kita tutulungan• Sabi ni poch na ikinatawa ko
•joke lang labyu poch, tulog na ako, goodnight!• reply ko, pinatay ko na ang phone ko at humiga na sa kama ko
Pero bakit mo ako iniiwasan Reoma? May ginawa ba ako sayo? May kasalanan ba ako?
Sobrang tagal na din naming mag kasama ni agnes, simula highschool mag kasama na kami, hindi ko nga sure kung kaya kong lumayo sa kanya eh. Pero ito na to, alam ko naman na dadating yung araw na kailangan na naming mag hiwalay at mag karoon ng sariling buhay, mami miss ko tong condo namin. yung memories, yung bawat sulok ng condo na 'to. Hindi ko to makakalimutan, lalo na si Agnes. Sobrang mami miss ko siya.
Kinabukasan...
"Pat may bakante daw sa condo ni jam, dun ka nalang kaya?" Tanong ni poch
"Sige ok na yun, hindi naman ako mapili" Sabi ko, nag hahanap na kase kami ngayon ng malilipatan ko
"Hindi daw mapili pero kanina pa tayo nag hahanap ng iba kase wala kang mapili" reklamo ni poch
"Sorry na poch, ililibre naman kita eh" Sabi ko
"Sakto gutom na ako" Sabi ni poch
"Yan tayo sa libre eh, ang yaman yaman mo pero ang kuripot mo" Sabi ko
"Nag iimpon ako eh, para kapag nanliligaw na ako, meron akong pang gastos" Sabi niya
"Binata ka na talaga poch, tyaka hindi ka naman gagastos kay jam eh, parehas kase kayong richkid" Sabi ko
"Pano mo nasabing si jam yung gusto ko?" Tanong niya
"Eh kase yun yung nararamdaman ko, bagay kaya kayo!" Sabi ko, yung tingin ni poch kay jam alam kong may iba doon.
"Sana true" bulong niya
"Bulong bulong pa, rinig ko naman" Sabi ko
"Pinag sasabi mo diyan smol patty? Tanong niya
"Yan ka nanaman sa height jokes mo porket matangkad ka" Sabi ko
"Hindi kita tutulungan kay jam bahala ka diyan" dagdag ko
"Edi wag, Tara kain ka na tayo libre mo." Sabi ni poch kaya sumakay na kami sa car ko at pumunta na sa napag usapan naming restaurant.
Poch's pov.
•poch mag ka sama kayo ni pat?• chat ni Agnes sakin
•oo Agnes, why?• tanong ko
•wala lang, kumain na ba siya? Kung hindi pa pauwiin mo na siya nag luto ako ng favorite namin• reply ni Agnes
Ewan ko sa dalawang to, gusto naman nila yung isa't isa pero ayaw pa umamin, hayst ako talaga na I stress sa lovelife ng mga kaibigan ko eh.