Agnes's pov.
Pag katapos naming kumain tinulungan ko na siyang mag ligpit ng pinag kainan namin. Wala kaming lakad ngayon ng banda kaya naisipan kong mag basa nalang ng libro, hindi na kase ako inaantok dahil sa ininom kong kape kanina.
Habang nag babasa ako biglang may nag door bell, nag ka tinginan pa kami ni pat dahil wala naman kaming inaasahang bisita ngayon
"Ako na" sabay naming sabi ni pat
"Ako na agnes, mag basa ka nalang diyan" Sabi ni pat kaya tumayo na siya at binuksan na ang pinto, nag patuloy naman ako sa pag babasa dahil ang ganda na ng takbo ng kwento
"Agnes" Sabi ni pat
"Oh?" Tanong ko
"May bisita ka" Sabi niya maya tumayo na ako at pumunta na sa may pinto at tiningnan kung sino yun, nagulat ako dahil nakita ko si Zach, isasara ko na dapat yung pinto pero pinigilan niya ako
"Agnes wait!" Sabi niya
"Usap muna tayo please, mali yung iniisip mo Agnes" Sabi niya
"Zach wait kakausapin ko lang si agnes" Sabi ni pat at pumunta sa kitchen, sumunod naman ako ka agad
"Pat, tulungan mo naman ako oh" Sabi ko kay pat
"Kailangan niyong mag usap ni Zach, kung gusto niyong ayusin, mag usap kayo" Sabi ni pat
"Gusto kong mag ka ayos kami, pero ayaw ko muna siyang maka usap, tulungan mo ako please pat" Sabi ko, sobrang naguguluhan pa kase ako ngayon
"O sige, ako na bahala" Sabi ni pat at iniwan na ako sa kusina
Bumalik din ka agad si pat, at may inabot sa akin, niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya pabalik
"Pina bibigay niya sayo, alam niya naman daw na ayaw mo siyang maka usap ngayon" Sabi ni pat
"Thank you pat" Sabi ko at nginitian siya, ngumiti din siya pabalik sakin. Pumunta na ako ng kwarto at duon ko binasa yung letter niya
Agnes, alam kong ayaw mo akong maka usap pero sana basahin mo to. Kung iniisip mo na may gusto sa akin si ava, tama ka naman. Matagal na niya akong gusto, pero Agnes ikaw yung pinili ko, tanging kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya, ikaw lang ang mahal ko agnes. Lalayuan ko siya para sayo, sorry na please, pansinin mo naman yung mga chat ko sayo, I love you agnes.
-Zach
Hayst! Dahil dito mas lalo akong naguluhan. naalala ko nanaman yung sinabi ni poch, kailangan kong mamili sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung sino ang dapat kong piliin, Mahal ko sila pareho.
Pat's pov.
"Bro bumalik ka nalang sa ibang araw, ayaw muna daw niyang makipag usap sayo, Sana respetuhin mo siya" Sabi ko kay zach
"Pwedeng paki bigay nalang sa kanya to? Tyaka pwedeng yakapin mo siya para sakin?" Tanong niya sabay bigay sakin ng papel
"Sure, pero sana next time wag mo ng saktan yung best friend ko, hindi niya deserve eh" Sabi ko at tumango lang siya, umalis na din siya kaya sinarado ko na yung pinto, bumalik na din ako sa kusina at niyakap si agnes. Binigay ko na din yung letter na pinabibigay ni Zach
Gusto ko silang mag kaayos dahil alam kong Mahal nila ang isa't isa. Ayaw ko ding makita si Agnes na nasasaktan, nasasaktan din ako eh
Pumasok muna si Agnes sa kwarto niya kaya pumunta ako sa sala at nag basa ng books, maya maya tumabi siya sakin at nag pout
"Ano na? Pinatawad mo na ba siya?" Tanong ko
"Oo eh, wala naman akong magagawa kung gusto siya ni ava eh, Sabi niya lalayuan niya daw, pero pag di niya yun nilayuan, ako ang lalayo sa kanya" Sabi niya, ok na pala sila, hayst bakit ang rupok mo Reoma?
"Mabuti naman at ayos na kayo" Sabi ko at bumalik na sa pag babasa
"Pero pat, unti unti ng nawawala yung pag mamahal ko sa kanya" Sabi ni Agnes na ikinagulat ko
"Bakit naman?" Tanong ko
"May iba na akong gusto, pero hindi ko sure kung gusto niya ako kaya hahayaan ko nalang muna" Sabi niya
Ano ba yan, nadagdagan pa yung ka agaw ko sayo
"Sino naman yun?" Tanong ko
"Wala yun" Sabi niya at nag basa nalang ulit ng binabasa niyang libro kanina
"Ikaw ah, may new crush ka nanaman, Sino yan ha?" Sabi ko at tinusok tusok ko yung tagiliran Niya
"Wala pat, HAHAHA nakikiliti ako!" Sabi niya at hinampas ako ng mahina sa braso ko
"Hindi mo talaga sasabihin?" Tanong ko at mas lalo ko siyang kiniliti
"Wala nga" Sabi niya sabay tawa
"Hindi pwedeng wala Agnes" Sabi ko at humiga ako sa binti niya at nag patuloy na sa pag babasa, maya maya naramdaman ko na sinusuklay niya yung buhok ko, mama kinikilig nanaman ako! Huhu, sobrang comfortable ng pakiramdam ko, parang ayaw ko ng umalis sa ganitong pwesto namin.
Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you
____________________________________
Can't help falling in love by elvis presley