Alexa’s POV Pagmulat ko ng mata, ang unang naramdaman ko ay ang bigat ng ulo ko. Parang giniling ng makina ang utak ko sa sobrang sakit. Napahawak ako sa noo ko, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay si Victoria, ang tawanan, at ang alak na hindi ko kayang tanggihan. Tapos si Oliver… oh no. Bigla akong bumangon mula sa kama at napatingin sa paligid. Nasa kwarto ako? Pero hindi ito ang kwarto ko. Napansin kong may nakapatong na kumot sa akin, at may malamig na tubig at gamot sa bedside table. “Oh my God,” bulong ko sa sarili ko. “Anong nangyari?” Nasa gitna ako ng pag-aalala nang bumukas ang pinto, at tumambad si Oliver. Nakasuot siya ng simpleng itim na shirt at sweatpants, pero para bang hindi niya kailangang mag-effort para magmukhang disente. Napako ang

