Alexa's POV Pagkagising ko, para akong hinataw ng malakas sa ulo. Ang bigat ng pakiramdam ko, at ang tindi ng uhaw na nararamdaman ko. Bumangon ako nang dahan-dahan, hinawakan ang sentido ko habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Naalala ko ang ballroom. Ang sayaw namin ni Oliver. Ang mga ngiti at titig niya na para bang… para bang may sinasabi. Pero matapos iyon, parang nag-blur na ang lahat. Napatigil ako nang mapansin ang suot ko. Isang maluwag na shirt na hindi akin at shorts. Napakunot ang noo ko. Saan ko ito nakuha? Dumiretso ako sa salamin, tinignan ang sarili ko. Ang buhok ko’y sabog, at may konting eyeliner na natira sa ilalim ng mga mata ko. Napangiwi ako. Alexa, ano bang ginawa mo kagabi? Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Oliver. Napatayo ako bigla, halos mahu

