Alexa’s POV Pagdating ko sa pantry para kumuha ng tubig, napatigil ako nang makita si Oliver na naroon din. Nakasuot siya ng simpleng white polo shirt na nakabukas ang ilang butones, kaya kitang-kita ang perpektong dibdib niya. Tila hindi siya mukhang boss ngayon, kundi isang modelong biglang sumulpot sa pantry. “Good morning,” bati ko nang malamig habang kunwari’y walang pakialam, pero ang totoo, halos bumagsak ang bote ng tubig na hawak ko sa kaba. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa counter, hawak ang tasa ng kape, at tinitigan ako na parang may iniisip na kalokohan. “Good morning, Alexa. Mukhang masaya ka ngayon.” “Bakit naman ako magiging masaya?” tanong ko, kunwari’y clueless, habang iniwasan siyang tingnan nang diretso. Ngumiti siya, ang ngiting nakakainis pero nakakapukaw. “Wala

