Oliver’s POV Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, pero habang tinitingnan ko si Alexa habang kumakain siya, parang may kakaibang init na sumiklab sa dibdib ko. Hindi na ito basta atraksyon lang. Parang nagiging mas malalim pa ito, mas mahirap intindihin. Pero sa kabila ng lahat, heto ako—nagpapanggap na walang nangyayari. Nagbibiruan kami, pero sa likod ng mga biro, gusto ko siyang tanungin ng mas seryoso. Gusto kong malaman kung may nararamdaman din siya para sa akin. “Sigurado ka ba talaga na wala kang nararamdaman?” tanong ko ulit, hindi ko mapigilan ang sarili ko. “Oliver,” sagot niya, sabay ng pagbuntong-hininga. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mong marinig, pero ako, nagtatrabaho lang dito. Kung ano man ‘yung iniisip mo, baka mali lang ang pakiramdam mo.” Nagulat ako

