OLIVER’S POV Maaga akong bumaba sa lobby para salubungin ang isang importanteng guest. Isa siyang investor na matagal ko nang sinusubukang makumbinsi na maglagay ng shares sa hotel. Kailangan kong siguraduhin na maayos ang lahat—ang serbisyo, ang staff, ang ambiance. Perfect ang dapat na impression. Pero sa gitna ng perpektong plano ko, bigla kong narinig ang pamilyar na boses. “Sir Oliver, may naiwan po kayong file sa opisina,” sabi ni Alexa habang papalapit siya, may hawak na folder. Nakasalubong ko ang malamlam niyang tingin. Sinikap kong huwag ipakita ang inis. Bakit ngayon pa? At bakit siya? Sa dami ng pwedeng magdala ng file, bakit hindi na lang si Ate Letty o kahit sino? “Ano bang ginagawa mo rito?” tanong ko, ang boses ko ay mas malamig pa sa aircon ng lobby. “Sinabi ko na ng

