ALEXA’S POV Maaga akong pumasok kinabukasan, kahit pa pakiramdam ko ay gusto ko pang humilata sa kama buong araw. Nakatulog naman ako nang maayos, pero bakit parang pagod pa rin ako? Siguro dahil sa kahapon—kay Sir Oliver at sa walang katapusang pagpapakitang-gilas niya ng pagiging bossy. Pagdating ko sa utility room, nandoon na si Ate Letty, abala sa pag-aayos ng mga cleaning supplies. "Alexa, ang aga mo naman," bati niya, sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Mukhang hindi ka pa fully recovered ah. Kumusta pakiramdam mo?" "Okay na po ako, Ate," sagot ko, pilit pinapakita na ayos lang ako. Ayoko nang dagdagan ang mga problema nila. "Kailangan kong bumawi sa trabaho." "Hmm, sigurado ka? Baka kasi magalit si Sir Oliver kapag nakita kang parang lantang gulay." Napahinto ako. Bak

