OLIVER'S POV Habang nakatingin ako kay Alexa, hindi ko maiwasang mapansin ang kakaiba niyang ngiti. Hindi ito pilit tulad ng dati, pero parang may itinatago pa rin. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya lang ang hindi nagpapakita ng kahit anong interes sa akin—o baka sadyang magaling lang siyang magtago. "Magpahinga ka na," sabi ko, pilit na hinahawi ang anumang emosyon sa boses ko. Tumango siya at unti-unting naglakad palayo. Pero bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko, biglang huminto siya at lumingon. "Sir, salamat po sa pagdala sa akin dito," sabi niya, malumanay pero may halong kaba sa boses niya. "Ang ganda po ng tanawin." Hindi ako nakasagot agad. Imbes na bumalik sa trabaho, napako ako sa lugar ko, pinagmamasdan siyang bumaba sa hagdan. Bakit ba siya ang naiisip ko ngayo

