Buong umaga akong hindi mapakali pagkatapos ng tawag na iyon ni Uncle Aro. Maya't maya akong napapatingin sa orasan. Para akong naghihintay na lumabas ang doktor sa operating room. "Para kang nagle-labor diyan," puna sa akin ni Brylle na pumipili na ng susuutin para sa guesting namin ngayon sa isang talk show. "Go and get change." "Tama na ito," tamad kong sagot sa kanya at napatingin na naman sa orasan— alas dyes pa lang. Parang habang buhay na yata akong naghihintay samantalang isang dalawang oras pa lang naman ang nakalipas pagkatapos ng tawag ni Uncle Aro kanina. "Sa lagay mong iyan, titingnan ka pa lang sa malayo ay amoy pawis ka na," pang-aasar pa ni Brylle sa akin. "Para kang nakaihi na nga riyan sa salawal mo." "Salawal pa nga!" ganti kong pang-aasar sa kanya. "Sinapian ka yata

