CHAPTER 44 PAST I slowly coped up with what happened. Ang pamilya ko, mga kaibigan ko, at lalo na si Kaleo ang naging kaagapay ko para maghilom sa mga pangyayari noong gabing ‘yon. Akala ko noon ay kadramahan lang ang trauma o takot sa mga ganitong bagay. Hindi pala. Dahil ako mismo, matagal ang naging proseso para makalimutan ko. Saktong nag-third year kaya naman inilublob ko ang sarili ko sa mga schoolworks na kailangan gawin sa para sa university. I know that it wasn’t healthy to focus myself into studying as a means of escaping for my trauma ngunit nakatulong ‘yon sa’kin kahit na papaano. Kaleo dated me more. Halos linggo-linggo na yata kaming lumalabas. We’re stronger than before. Nang i-dismiss kami ng professor namin sa aming klase sa isang major subjects, napalinga ako sa gilid

