CHAPTER 43 PRESENT Sobrang dalang ng panahon kung kailan nakakalabas kami na buo ang pamilya. Ngayong linggo, niyaya kami nina Kuya Nathan at Astrid na magpunta ng mall kasama sina Mama at Papa. Sobrang busy ng lahat sa trabaho kaya ngayon lang nagkaoras. Pinagbuksan ko si Mama, na kalong-kalong si Kalix, ng pinto ng kotse. Sumunod na bumababa sa kanya si Papa. Balak ni Kuya Nathan na ipamili silang dalawa ng mga damit. Bihira rin kasi silang lumabas. At kapag matanda na, minsan ay wala ng balak magsuot ng maganda kahit pa lalabas. Ang suot nilang pang-alis ay dalawa o tatlong taon na yata. Kinuha ko si Kalix mula kay Mama at pumunta ako kay Astrid na kalong-kalong si Star. Ang saya siguro na inggitin si Shana na wala siyang kalong na bata. “Si Shana ba pupunta?” tanong ko kay Astrid

