PART II: THE STORM CHAPTER 42 PAST Napasigaw ako sa bangungot na nagpasikip ng dibdib ko. Dali-daling nagtungo sa’kin si Kuya Nathan kahit hatinggabi pa ‘yon, may dala-dalang isang baso ng tubig. I sobbed while leaning my back on the wall. Tatlong araw na ang nakalilipas ngunit ‘di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. “Nazelle, tapos na ‘yon. H’wag mo nang kaisipin. Mabubulok na siya sa kulungan. It won’t happen again.” Hinagod ni Kuya Nathan ang likod ko at hinayaan akong umiyak sa balikat niya. Dalawang araw din akong ‘di nagparamdam sa mga tao sa paligid ko dahil sa nangyari. Hindi rin ako nakapasok ng eskwelahan at ‘di nagawa ang mga tinatrabaho kong assignments ng ibang tao. ‘Di ko na alam sa sarili kong hanggang kailan magtatagal ang bangungot na idinulot ni Marco. Tinabihan a

