CHAPTER 41 Lutang ako na pumasok sa trabaho kinabukasahan dahil sa kaiisip sa tinanong sa’kin nina Elyze at Nica. Kahit ‘di na namin ‘yon pinag-usapan habang nagsa-shopping, tila ginagambala pa rin ako ng isipan ko na harapin si Marco. It’s a choice to talk to him. Why do I feel required? Hindi niya magagawa sa’kin muli ‘yon dahil nasa kulungan na siya ngunit may takot at pangamba pa ring naiiwan sa’kin. I distracted myself on the workload that I have to do. Sinubukan kong pataasin ang engagement ng page namin sa pamamgitan ng pagse-share nito sa iba’t ibang groups. Siniguro kong katakam-takam ang litrato ng mga pagkain na sini-serve ng restaurant na pagmamay-ari nitong kumpanya. Last week, nakipag-usap pa ‘ko sa professional photographer para kumuha ng litrato sa mga sample foods. Kaila

