The sun is seeping through the open window. Maririnig ang munting mga halakhak sa labas ng mansion. Napangiti si Patricia. Halakhak iyon ng mga anak ni ate Althea. Bumangon siya sabay nilingon niya ang kanan na bahagi ng kama kung saan nakapwesto si Bryan. Wala na ito roon. Tanging ang mabangong amoy na lang nito ang naiwan sa tabi niya. Lumingon siya sa bintana. Nakabukas ang kurtina kaya kitang-kita niya ang mataas nang sikat ng araw. Anong oras na ba? Malamang tanghali na mataas na ang sikat ng araw ‘e. Mabilis na bumaba siya ng kama at tinungo ang banyo. Agad na naghilamos, nagsipilyo at nagbihis ng damit. Isang brown na loose t-shirt ang kanyang sinuot na pinarisan niya ng itim na leggings. Pinusod niya ang buhok saka nag lagay ng face powder at nag-spray ng konting pabango. Pala

