“Bryan, kahit gaano kabigat ang kasalanan ng nanay mo, huwag na huwag mong kalimutan na nanay mo pa rin siya. Hindi pa rin mababago ang katotohanan na isinugal niya ang buhay niya para lang mabuhay ka.” wika ng ina ni Patricia. Ngumiti si Bryan. Kapagkuwan ay nilapitan nito ang biyenan at niyakap mula sa likuran nito. Si Patricia na kakapasok lang ng kusina ay natigil at namangha na nakatitig sa ina at kanyang asawa. Sa loob ng mahigit isang taon ay ang asawa niya ang pumuno ng kanyang pagkukulang sa kanyang pamilya. Siniguro nitong mapabuti ang kalagayan ng kanyang ina, at higit sa lahat ay siniguro nitong nasa maayos na kalusugan ang kanyang ina. Gusto niya sana munang tikisin ito at pahariin sa sarili ang inis at sama ng loob dahil sa paglihim nito sa kanya. Ngunit paano ba niya ga

