ANG MATINDING frustrasyon at galit ay umalipin sa kanyang buong pagkatao. Naninikip ang dibdib niya kung kaya panay ang kanyang ginawang paghinga ng malalim. “You're so cruel, Mama. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang naging ina ko. If I could only choose a mother before I was even born, I would never, ever choose you!” “B-Bryan!” Hindi makapaniwala na sambit ng kanyang ina. Napatanga itong napatitig sa kanya. Namumula ang mga mata at nanginginig ang mga labi. “How could you say that to your mother who gave birth to you? How could you— how could you—” “How could you be so cruel?!” Again he shouted. Lumabas ang mga litid sa kanyang leeg at namumula ang kanyang mukha at maging ang mga luha ay kusang pumatak. “How could you be so cruel, Mama? How could you—” “Because I love you and I care

