Patakbo na sinalubong ni Patricia ang mga bagong dating na bisita. Nang bumaba ng sasakyan ang kanyang ate Althea ay walang pagdalawang isip na niyakap niya ito. “Ate, Althea!” Hinagod ng ate Althea niya ang kanyang likuran. “Saan ka ba galing ha? Pinahirapan mo ang asawa mo kakahanap sa'yo.” “Sa Sorsogon lang po.” tugon niya sabay kalas sa pagyakap kay ate, Althea. Tumawa ang kuya Drake niya maging ang ilang kaibigan ng asawa niya na sina Dexter at Edward. “Sa Sorsogon ka lang pala. Ang gago kung saan-saang ibayo na nakarating.” Si Dexter. Nakatayo ang kuya Dexter sa tabi ng kuya Drake niya habang karga nito ang babaeng anak. “Si Brixton, ‘ata ang may kasalanan. Sa resort niya lang pala nagtatrabaho si Patricia hindi pa pinaalam kay Bryan.” Si Edward. “Gusto lang ‘ata talaga p

