“Aalagan namin ang anak mo kumare. Itatrato namin bilang isa sa mga anak namin ni Louisiana, po-protektahan at mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya.” ang ama ni Bryan. Ang ina ni Bryan ay tahimik lamang na lumuluha. Hindi man mailabas nito sa mga labi ang mga salitang gustong sabihin, ngunit sapat na ang tahimik nitong pagluha upang iparamdam sa kanya ang taos pusong pagtanggap nito sa kanya. Pinahid nito ang mga luha at itinaas ang mukha sabay buntong hininga at pagguhit ng ngiti sa mga labi. Tumitig ito sa kanya at kapagkuwan ay tumayo saka humakbang tungo sa kanya. “Salamat sa muli mong pagbalik at pagtanggap muli kay Bryan, Patricia. Higit sa lahat, maraming salamat sa pagsilang sa mga magagandang apo namin. Welcome to the family Patricia, anak!” Napahagulgol siya sabay yumak

