Mabilis ang kilos ni Bryan na akmang buhatin ang mga anak. Ngunit tinabig lang ni Patricia ang kanyang braso. “Kunin mo ang pacifier.” Nataranta na hinagilap ni Bryan ang kinaroroonan ng pacifier. Ang paningin ni Patricia ay nakasunod sa bawat galaw ng asawa niya. Naiinis siya. Sobrang naiinis. Hindi niya alam kung paano na gawa ni Bryan na itago sa kanya ang katotohanan. Hindi mabilang ang mga gabi na hindi siya nakakatulog dahil sa pangyayaring iyon. Ngayon ay tuluyan na nagkaroon ng kasagutan ang lahat. Ang misteryosong lalaki na umangkin sa kanya at napag-alayan niya ng kanyang sarili ay tuluyang nagkaroon ng mukha at tuluyang natuldukan. Masama ang loob niya. Ngunit hindi maikaila ang galak na namumuo sa puso niya. Katunayan, habang nakatitig siya sa asawa niya ay pumapatak mula

