Reality, pain, and sacrifices are part of life, part of being human. Walang sino man ang sumaya ng hindi dumadaan sa sakit at sakripisyo. Patricia took a deep sigh and composed herself before stepping toward the function hall. Saktong pagpasok niya sa function hall ay napalingon sa kanya ang asawa niya. Nakatayo ito ilang metro mula sa kanya. May hawak itong kopita ng alak at nakapagkit sa labi ang ngiti. He even winked at her which made her heart skip a beat. Ang gwapo lang ng asawa niya. Halos lahat ng mga kababaihan na nasa loob ng function hall ay napapatitig dito. Gumanti siya ng ngiti. Ang totoo. Mabigat ang dibdib niya ngayon. Knowing na may isang babae ngayon ang sobrang nasasaktan dahil sa kanya. She felt guilty. Alam niya kasi ang pakiramdam na makitang may ibang babaeng k

