Nagising si Patricia sa isang malamig na silid. Anong nangyari sa kanya? Nasaan siya? Bigla ay lumitaw sa kanyang balintataw ang isang masakit na eksena. Isang napakasakit na eksena. Mapait siyang napangiti. Ito na nga siguro ang hangganan. Hangganan ng kanyang kahibangan. Ang pag-asa para sa kanila ni Bryan ay tuluyang naglaho. Pinaniwala niya ang sarili sa isang maling akala. “I'm glad you're awake.” Napadako ang kanyang paningin sa pamilyar na baritonong tinig na iyon. Clint was standing in front of an open door. Nakapamulsa ito sa suot na cargo short at nakasandal sa hamba ng pintuan. “Nasaan ako?” “You are in my hotel suit.” Buhat sa narinig ay bigla siyang napabangon. Ngunit mabilis na nilapitan siya ni Clint at pinigilan. Hinawakan siya nito sa kanan na braso. Tumitig ito s

