NATATANAW na niya ang mga ilaw sa isla mula sa kanilang kinaroroonan. Patricia was hugging Bryan, tight from behind. Ito mismo ang nagpayakap ng kanyang mga braso sa katawan nito, at sa bawat sandaling tatanggalin niya iyon ay agad nitong pinipigilan ang mga braso niya. Ang mga kamay nito ay nasa steering wheel ng yate, at ang paningin ay nakatuon sa unahan, ngunit panakanaka na nililingon siya nito at hinahalikan sa kanyang noo at paminsan ay sa pisngi at labi. Ganun din siya. Pinapatakan niya ito ng halik sa balikat nito at minsan ay sa leeg at braso. Kakatapos lang uli ng isang mainit na pagniniig. Hinayaan niya ang sarili na magpakalunod sa mga sandaling ito dahil alam niya na ilang sandali na lamang ay tuluyan ng magbabago ang lahat. Ang dalawang araw na kasama niya si Bryan ay hind

