Chapter 45

2269 Words
Hindi nga nagtagal ay mabilis na ngang pumasok sa loob ng katawan ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird ang kaluluwa ng nasabing halimaw na ibon na si Dark 2. Wala namang kaalam-alam ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa mga pangyayaring ito dahil masigasig itong nagcu-cultivate sa isang sulok ng lugar na ito. Idagdag pang mayroong harang na nagbubuklod sa lugar ng katawan dambuhalang halimaw na Black Neo Bird at ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Lahat ng Ito ay ayon sa naging plano ng binatang lalaking si Valc Grego. Hindi na rin nagtagal pa ay unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa katawan ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Ang mga pasa nito sa katawan ay visible pa rin ngunit tila ba may kung ano'ng nagaganap sa loob nito. Mabilis na lumabas sa mga pasa nito ang kakaibang itim na usok na gahibla ang laki nito ngunit unti-unting nagkaroon ng tila paglapad nito. Maya-maya pa ay masasabi nawawala na ang mga pasa nito sa napakabilis na paraan. Tila ba ang mga pasang natamo nito ay hindi mo malalaman kung nasaan na. Isa lamang ang pakahulugan nito, wala ng pasa ang dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird at magaling na ito. Agad namang pinawala ng binatang lalaking si Valc Grego ang nasabing harang na nagbubuklod sa kanila ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Mabilis na bumangon ang nasabing dambuhalang ibon na Black Neo Bird at nagpakawala ito ng malakas na tunog. Eeeeeeeeeeekkkkkkkkkkk!!!!!!!! Agad namang napamulat bigla ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear ng kaniyang sariling pares ng mga mata matapos nitong mapurnada ang kaniyang sariling pagcucultivate. Sa maliit na oras lamang ay nakarecover siya ng apatnapong porsyento ng kaniyang sariling lakas. Bumakas ang ngiti sa mga labi ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. "Sa wakas ay nabuhay akong muli. Ang dambuhalang katawang ito ang aking magiging susi upang lumakas pa sa aking kasalukuyang lebel ng kapangyarihan bwahahaha!!!" Malademonyong sambit ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird sa ere. Tila ba ibang-iba na ito kumpara sa kaninang dambuhalang ibong nakalaban nila o nakita rito sa lugar na ito. Ang katawan ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird ay tila naglalaman na ng napakaitim na enerhiya na siyang masasabing napakaimposible mangyari. Tila ba naglalaman ng deadly aura ang katawan nito na nagpapaapekto sa daloy ng hangin. Sa kalupaan ay matamang nakatingin ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na walang iba kundi si Valc Grego. Makikita ang tila masayang ekspresyon sa mukha nito. "Mabuti naman at nagising ka kaagad. Hindi ko aakalaing napakalakas mo pala Dark 2." Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Agad naman siyang napansin ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Tila naningkit naman ang mata ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird na nasa ere. "Sino ka binata? Ano'ng ginagawa mo rito?!" Matigas na sambit ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Makikitang may bakas ng pagbabanta sa tono ng pananalita nito. "Hmmm... Mukhang nakakalimutan mo kung sino ako. Ako ang inyong pinuno." Sambit naman ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Makikita rin sa tono ng pananalita nito ang labis na pagpipigil. "Huh? Pinuno namin?! Mukhang nagkakamali ka tao. Kung sino ka man ay wala kang karapatan na utus-utusan ako!" Sambit ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Tila ba hindi nito alam ang tinutukoy ng nasabing binatang nilalang na nasa harapan niya na nakasuot ng kulay itim na maskara. Tila nakaramdam naman ng inis ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Makikitang tila hindi ito natutuwa sa sinasabing ito ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. "Nagmamaang-maangan ka pa dambuhalang halimaw? Alam mo ang tinutukoy ko!" Inis na sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Tila ba pinipigilan lamang nitong mainis pa lalo. Tiningnan naman siya ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird na parang hindi nito alam ang pangyayaring tinutukoy ng nasabing binatang lalaking nakasuot ng maskara. "Oh, di ko talaga alam ang sinasabi mo binatang tao. Mukha bang nagbibiro ako?! tsk!" Malakas na sambit ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird habang makikitang tila hindi alam ang pagkakakilanlan ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na nasa kalupaan. Napasinghal pa ito sa huli dulot ng sinasabing ito ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara. "Ganon ba? Ano ang nais kong gawin upang malaman mo kung sinong binabangga mo?!" Inis na sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Makikitang hindi na ito nasisisyahan sa pinanggagawa ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird sa kaniya. Alam niyang hindi na ito ang dating halimaw na ibon na kanina niya nakalaban, ang nasa kasalukuyang katawan ng dambuhalang halimaw na ibon ay mas matigas pa ang ulo nito kumpara roon. "Nais mong gawin? Umalis ka dito! Wala akong kailangan sa iyo at di na kita kailangan!" Inis na sambit ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Tila ba ayaw na ayaw nitong makita pa ang pagmumukha ng nasabing binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara sa paningin niya. Hindi nito aakalaing ito pa ang bubuhay sa kaniya o gigising mula sa mahabang pagkakatulog. "Hahaha... Hindi ko aakalaing ang kapal ng apog mo dambuhalang halimaw na ibon, mukha ba kong joke sa pagmumukha mo? Sa paraan ng pagkakasabi mo ay alam mong ako ang bumuhay muli sa'yo. Nakakalungkot namang pakinggan na mukhang wala kang utang na loob sa taong bumuhay sayo!" Nang-iinsultong sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Makikitang hindi nito aakalaing napakawalanghiya ng dambuhalang halimaw na ibon na ito na si Dark 2. Kung magpapatuloy ang kawalanghiyaan nito at sa paraan ng pakikipag-usap nito ay sasakyan din ito ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. He will play na tila hindi nito alam ang mga bagay-bagay na nangyari. "Lapastangan! Ako, humingi ng tulong sayo? As if naman diba? Isa akong Black Neo Bird. Ikaw? Isa ka lang mahinang nilalang na tao. Mukha bang kailangan ko ang tulong mo?!" Sambit ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Tila ba hindi siya makapaniwala na napakagrabe ng pag-uugaling ito ng binatang lalaking tao na nasa harapan niya. Ni hindi man niya ito kilala. Kailan lang ba siya nag-admit ng mga bagay-bagay na ikasasama niya hindi ba?! "Hahaha... Kung sino man ang mas makapal ang pagmumumha rito ay ikaw yun. Tinulungan kitang gisingin ngunit tila ayaw mo pang aminin. Hindi mo ako maloloko Dark 2 hmmmp!" Tila nagulat naman ang dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird sa sinabing ito ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara. Magsasalita pa sana ang dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird upang salungatin ang sinabi ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na isang estranghero ay mabilis na nagwika ang isang nilalang sa hindi kalayuan. "Dark 2?! Ikaw na ba yan?!" Tila gulat na gulat na sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Makikita ang labis na tuwa sa pagmumukha nito. Tila naagaw naman ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ang atensyon ng dalawang nilalang na dambuhalang ibon na Black Neo Bird at ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. "Sino ka?! Bakit parang pakiramdam ko ay konektado tayo?!" Malumanay na sambit ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird sa dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na nasa hindi kalayuan mula kalupaan. Mataman niyang inobserbahan ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na nasa malayo. Nakaramdam kasi siya ng pamilyar na pakiramdam. "Hindi mo ba ako natatandaan kapatid ko? Ako to, si Dark 1." Pag-amin ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Hindi niya aakalaing natupad ang isa sa mga pangarap niya ang mamuhay sa mundong ito at makasama ang kapatid niya. Mabilis itong nagpalabas ng itim na awrang taglay niya bilang isa sa mga Dark Lords. Bahagya namang nagulat ang dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird dahil sa pag-aming ito ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na nasa kalupaan. "Ikaw nga yan Dark 1. Hindi ko aakalaing makikita kita kaagad aking kapatid." Sambit ng dambuhalang halimaw na ibon na si Dark 2. Makikitang masaya siya sa kaniyang nasaksihan ngayon at nariritoang pala ang kaniyang sariling kapatid na si Dark 1. "Oo aking kapatid. Wag kang mag-alala dahil magkasama tayong muli." Sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Mabilis na lumapit sa kinaroroonan ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Tila naningkit naman ang pares ng mga mata ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird na si Dark 2. Tila ba hindi nito aakalaing mayroon siyang masasaksihan ng ganitong klaseng tagpo. "Ano ang nangyayaring ito Dark 1? Bakit lumalapit ka sa binatang lalaking tao na nakasuot ng maskarang iyan?!" Naiinis na sambit ng dambuhalang ibon na Black Neo Bird na si Dark 1 nang masaksihan ang pangyayaring ito. Hindi siya tanga para hindi niya malaman at alam ang bagay na ito. Ramdam niyang kanina pa na may bagay na nangyayaring hindi niya alam. It turns out na meron nga. "Hmmm... Wag kang matakot Dark 2, tutulungan niya tayo. Kakampi natin siya." Nakangiting sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 habang makikita ang labis na saya sa mukha nito. "Hmmmp! Tutulungan tayo? Kailan ba tayo humingi ng tulong sa ibang mga nilalang Dark 1? Alam mong hindi ito katanggap-tanggap sa ating mga kapatid!" Sambit ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2. tila ba pinipigilan niya lamang ibuhos ang nararamdaman niyang inis sa kaniyang sariling kapatid. Napayuko naman ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 at nagwika. "Alam ko ang pinupunto mo aking kapatid pero alam mo naman na ibang;iba na tayo kumpara noon. Alam mo ba na nang dahil sa binatang lalaking ito na siyang pinuno natin ay may pagkakataon na tayong makaganti sa mga umapi at pumaslang sa atin noon!" Nakangiting sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. "Nahihibang ka na ba Dark 1? Alam mong hindi maaari ang nais mo. Alam mong wala tayong kinikilalang pinuno hindi ba?!" Matigas na sambit ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2. Napaunreasonable ng kapatid niyang si Dark 1. .. Sa kabilang banda... Nakaalis na nga ng tuluyan ang nasabing apat na Message Hunter. Makikitang nagkakaroon nga ng malaking kaguluhan sa lugar na ito. Halos nagpatayan na nga ang lahat ng mga lumahok sa paligsahan sa pagkuha ng recording disc na naglalaman ng nasabing mga impormasyon sa labanang nangyari sa mismong teritoryo ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Sugatan na nga ang halos lahat ng mga kalahok rito sa nasabing paligsahan. Paligsahang buhay mismo ang nakataya. Sa sampong mga kalahok ay tanging tatlo na lamang ang natira sa nasabing paligsahan. Ang mga natalo kasi ay ang martial artists na nakasakay sa bubbles. Namatay ito dahil sa labis na exhaustion at nasira ang bubbles na sinasakyan nito. Namatay ito dahil sa pagkakalaglag nito mula sa itaas at dahil na rin sa pinsalang natamo nito. Ang naunang tatlong mga kalahok ay napaslang din dahil hindi naman mga eksperto ito sa aerial combat at nakabase lamang sila sa kanilang combat strength. Sa huli ay kagaya ng bubble expert na iyon ay namatay din ang mga ito mula sa kamay ng tatlong esperto na nakasakay sa flying sword. Sa kasamaang palad ay namatay rin ang tatlong mga eksperto matapos ang pangyayaring pagpaslang nito sa tatlong mga eksperto dahil na rin sa kagagawan ng botanist expert na sinasabing estudyante ito mula sa isa sa mga paaralang tinatawag na Botanist school. ... Sa kasalukuyan ay tatlo na lamang na eksperto ang natitira sa labanang ito habang maraming mga eksperto naman ang natitira sa ilalim kung saan ay nanonood lanang sila sa pangyayaring ito. Mababakas sa mga pares ng mga ng mga ito ang labis na paghanga na may kasamang inggit. Nag-uusap-usap ang mga ito gamit ang kanilang divine sense. "Paano na to, mukhang maya-maya lamang ay malalaman na natin kung sino ang mananalo." "Oo nga, talagang wala tayong napala rito kundi ang manood sa walang kwentang labanan na ito na soyang pag-aagawan ng mga ekspertong ito!" "Kaya nga, wala naman tayong magagawa pa. Nakatadhana na nasa mga malalakas na ekspertong ito mapupunta ang mga bagay na ito." "Napakswerte talaga nila. Hanggang tingin na lamang ako nito." "Nakakainis talagang wala tayong napala rito!" "Mas mabuting umalis na tayo rito!" "Sinabi mo pa!" "Hehehe... Wag naman sana tayong mawalan ng pag-asa. Makakaya nating maangkin ang kayamanan nilang pinag-aagawan kung magtutulungan tayo!" "Oo nga, kung isa na lamang ang matitira sa tatlong nag-aagawan mamaya ay maaaari natin silang labanan. Sa dami natin ay tiyak akong sa atin pa rin ang huling halakhak!" "Bakit di ko naisip iyan, mas mabuti nga yang naisip mong ideya!" "Tama, maghintay lang tayo ng maigi dahil sa atin pa rin pala mapupunta ang bagay na pinag-aagawan nila!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD