Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan Dark 1? Lumayo ka muna sa kinaroroonan mo ngayon at itatanim ko naman ang Dark Seeds ni Dark 2." Ma-awtoridad na sambit ng binatang lalaking si Valc Grego sa malakas na boses. Tila ba natulala pa kasi ang nasabing dambuhalang halimaw na si Dark 1 sa mga oras na ito. Mabilis naman naunawaan ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ang sinasabi ng binatang lalaking si Valc Grego habang tila ba masasabi nitong nabigla siya sa paraan ng pagkakasabi nito. Lumayo naman sa kaniyang sariling pwesto kanina ang dambuhalang halimaw na si Dark 1 sa pamamagitan ng pagtalon ng mataas patungo sa isang sulok ng lugar na ito. Mataman naman niyang inoobserbahan ang kinaroroonan niya kung saan ay pumalit sa kaniyang sariling pwesto ang binatang

