Nakatapos na sa paghahanap ng impormasyon ang binatang si Van Grego na nakamulat na ngayon-ngayon lamang at sakto namang nakita niyang naglalakad papunta sa kaniya ang dalawang nilalang na walang iba kundi sina Ginoong Rain at si Prinsesa Nova Celestine. Bahagyang napatigil pa ang mga ito nang magtama ang mata nila sa binatang lalaking si Van Grego na matamang nakatingin sa kanila sa malayo. Naging kabado ng mga ito at makikita ang labis na hiya at awkwardness sa sitwasyong ito lalo na ang magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine na bahagyang napakagat pa ng kaniyang labi dahil sa labis na kaba at hiya. Kung tutuusin ay wala siyang mukhang maihaharap rito. Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa kanilang tatlo kung saan ay tila nabalutan ng di makabasag pinggan na katahimikan na namuo

