Nalungkot naman si Ginoong Rain sa sinabing ito ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine. "Ngunit hindi mo iyon magagawa Mahal na Prinsesa. Malaki ang bilang ng miyembro ng Green Poison Tribe at napakalakas ng pwersa nila kumpara sa ating dalawa." Nangangambang sambit ng binatang lalaking si Ginoong Rain habang makikita ang labis na takot sa nais gawin ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine. Alam niyang hindi ito palabiro at gagawin niya tslaga ang sinasabi niya. "Tatlo na tayo ngayon Rain. Ano pang kinakatakot mo eh nilason na nila tayo at hindi pa ito ordinaryong lason. Siguradong hindi rin tayo tatagal ang buhay natin." Giit ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine. Paano pa siyaa matatakot diba. Nilason at nalason na nga siya. Kung gusto ng mgai to ng giyera

