Naramdaman ng binatang si Van Grego na bumalik siya sa kaniyang sariling katawan sa itaas ng kaulapan kung saan ay masasabing hindi niya inaasahan ang buong pangyayaring ito. Labis siyang nag-iingat ngayon lalo na at malalakas ang nilalang na nakakasagupa niya. "Hooo! Muntik na kong mapaslang sa pagsabog na iyon. Mabuti at mabilis akong nakabalik sa lugar na ito." Seryosong sambit ng binatang si Van Grego nang mabilis siyang nakabalik sa kaniyang sariling katawan. Siguro ay naging posible lamang ito dahil nadirito siya sa loob ng malawak na lugar ng Myriad Maze. Maya-maya pa ay mabilis siyang pumunta sa may tulay sa tila may harang na parte ng tulay. Pagkapasok niya ay mabilis na nagsalita mula sa kawalàn. "Congratulations Player, you have perfectly completed the Level 1. You are really

