Maya-maya lamang ay biglang kumislap ang pares ng mata ng binatang si Van Grego nang makaisip siya ng panibagong ideya. "Matatalo ko pala ang mga halimaw na ito sa pamamagitan ng aking Spiritual Skill na Spirit leaving the body?! hehehe..." Sambit ng binatang si Van Grego nang maisip niya ang ideyang ito. Napagtanto niyang pautakan rin ang labanang ito. Medyo naging tanga siya sa part na naging padalos-dalos lamang siya ng desisyon. Mahirap tibagin ang kooperasyon ng bawat isa sa grupo ng mga halimaw na Flying Black Hawks kung saan ay masasabi niyang matatatalo man siya pagdating sa dami ng kalaban at sanib pwersa ng bawat nilalang na ito ay uutakan niya pa rin ang mga ito. Hindi na nag-aksaya pa ng anumang oras ang binatang si Van Grego at mabilis niyang isinagawa ang kaniyang nasabing

