Tila abala naman ang binatang si Valc Grego habang makikitang hindi nito makitaan ng butas ang mga atakeng halimaw. Talagang pinupunterya siya nito. Ngunit napangiti na lamang ng malademonyo ang binatang si Valc Grego nang makaisip siya ng Plano.
"Ngayon na!!!!" Sambit ng binatang si Valc Grego nang makita niyang abalang-abala sa kaniya ang halimaw na Black Neo Bird. Tila ba pansin niyang napakapursigido nitong paslangin siya. Ngunit papatalo ba siya sa pesteng ibon na ito na ang atake nitong mga bolang apoy ay kaya siyang irestrict na isa siyang Martial God Realm ngunit given na direct descendants ito ng Saint Beast na Dark Neo Bird sa hanay ng mga masasamang halimaw ay talaga namang normal lamang ito. Hindi lang kasi Cultivation Level ang nagkakataluhan kapag lumaban sa pisikal na pamamaraaan kundi sa pangkabuuang abilidad ng nasabing indibiduwal na lumalaban. Kasama na rito ang Overall Performance, Endurance, Bloodline tsaka Adaptability ay maaaring magcontribute ng malaki. Kung pataasan lang kasi ng Cultivation Level ang basehan sa mga labanan ay talaga namang panalo na sana siya pero hindi. Nakadepende pa rin ito sa kaniyang pamamaraan at pagkontrol sa isang sitwasyon.
Mabilis na napakita o lumitaw sa itaas ng halimaw na ibon na Black Neo Bird ang isang dambuhalang halimaw na Oso na walang iba kundi ang Mutated Giant Black Bear kung saan ay makikitang tila ba hindi maaaring baliwalain ang ang presensyan ito.
Agad na napansin ito ng Black Neo Bird ngunit huli na siya dahil mabilis na sumakay ang halimaw na Mutated Giant Black Bear kung saan ay makikitang biglang pinagkakalmot at pinagtataga ng halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ang likod ng halimaw na Black Neo Bird kung saan ay bumabaon ng malalim ang mga kuko nito sa malapad na likurang bahagi ng nasabing halimaw na ibon.
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!
....!!!!!!!!!!!
Tila ba hindi magkamayaw sa paghuni ang nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird kung saan ay masasabing hindi ito katulad ng tono ng pagsigaw kani-kanina lamang kundi isang tunog ng pagpalahaw at pagkaramdam ng sobrang sakit ng pagkakapinsala ng nasabing halimaw na ibon.
"Hahahahahahahahahaha... Tapos ka na ngayon pesteng halimaw na Ibon hehehehe!!!!!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang ramdam nito ang nalalapit nitong tagumpay. Tila ba siguradong-sigurado na siyang wala ng kalaban-laban ang nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird sa tindi ng pagkakabaon ng mga nagtatalimang mga kuko ng Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 at mating mga kalmot nito ay siguradong naghihingalo na ito.
Ang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark ay todo kalmot ang ginagawa nito sa likod ng halimaw kung kaya't hindi na makontrol ng halimaw na Black Neo Bird ang sariling paglipad nito.
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!!!!
Nagpakawala ng isang napakalakas na huni ang nasabing halimaw na Black Neo Bird saka unti-unting nagkaroon ng Kakaibang pangyayari ang bigla na lamang na naganap.
Biglang nakita na binatang si Valc Grego ang kakaibang penomena na nangyayari sa nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird kung saan ay mabilis na tumigil sa pag-atake aang nasabing halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 at tumalon ito pababa ng katawan ng halimaw na ibon.
Nasaksihan lamang nila na biglang naging kulay abo ang balahibo ng Black Neo Bird na kanina lamang ay napakaitim lamang ng kulay ng balahibo nito habang tila nagniningas ito na parang apoy.
Tila gulat na gulat naman ang binatang si Valc Grego sa nasabing pagbabago sa halimaw na ibon. Napangisi pa ito ng malademonyo.
Agad naman nitong nakita ng binatang si Valc Grego na maayos naman ang lagay ng halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ngunit nasa maayos naman ang lagay nito.
"Hindi ko aakalaing espesyal pala ang halimaw na ibon na ito at nagawa nitong iburn ang lahat ng blood essence upang makaligtas lamang sa bingit ng kamatayan hahaha... Kung tingin nito ay masisindak siya ay nagkakamali ito dahil kayang-kaya ko siyang paslangin ngunit di ko gagawin iyon hehehe." Sambit ng binatang si Valc Grego. Animo'y natutiwa pa ito dahil sa ipinakita na ito ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird dahil karapat-dapat nga ito bilang direct descendant ng Dark Neo Bird.
Makikitang hindi maipagkakailang mayroon talagang malakas na presensya at taglay na kapangyarihan ang Black Neo Bird na ito. Tila ba kaya nitong makipaglaban sa mga Martial God Realm Expert. Ngunit sa ipinapakitang confidence ng binatang si Valc Grego ay hindi rin ito magpapatalo.
Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!!!!
Malakas na huni muli ang pinakawalan ng nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird at mabilis nitong sinugod ang kinaroroonan ng Halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
GRRROOOOOWWWLLLLLLL!!!!!!!!
Malakas na atungal ang pinakawalan ng dambuhalang halimaw na MutatedGiant Black Bear na si Dark 1 at Tila ba hindi naman ito magpapatalo. Mabilis itong papasugod sa halimaw.
Nakita na lamang nila kuny paano mamuo ang napakalaking bolang apoy sa bibig ng halimaw na ibon na Black Neo Bird hanggang sa nagmistulang napakalaki nito.
Mabilis itong pinakawalan ng halimaw na ibon na Black Neo Bird hanggang sa sunod-sunod itong gumawa ng mga atake na ito.
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!
Hanggang sa magkakaroon ito ng kakaibang itim na liwanag na sumakop sa buong paningin ng halimaw na Mutated Giant Black Bear.
Tila ba tulala lamang na nakatingin sa ere ang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Paramg wala ito sa sariling pag-iisip hàbang tila blangko ang lahat sa kaniya.
"Masama ito!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang pansin nitong tila mayroong nakakakilabot na enerhiya ang namumuo sa bibig ng halimaw na Black Neo Bird.
Mabilis na lumitaw sa iba't ibang mga bahagi ng lugar na ito ang binatang si Valc Grego habang mabilis din itong naglaho-laho.
Whoooshhhh!!!!!!
Ramdam ng binatang si Valc Grego ang napakalaking bolang enerhiya na naglalagablab na kulay itim na apoy ang babagsak sa kinaroroonan ng halimaw na si Dark 1. Masasabi niya isa itong finishing blow na atake. Ang isang Martial Ancestor Realm Expert ay hindi ito matatalo kaagad-agad.
Bago pa man bumagsak at matamaan ng kakaibang enerhiyang gawa sa kulay itim na bolang apoy kung saan ay masasabing walang matitirang kahit na isang buto lamang ng nasabing Mutated Giant Black Bear ay mabilis na lumitaw sa pwesto nito ang binatang si Valc Grego at hinila sa ibayong kadiliman ang nasabing halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
Lumitaw naman sila sa malayong parte ng himpapawid kung saan ay mabilis na makikita ang hindi pa natatauhan na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
BAAAAAAANNNNNNGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!
Umalingawngaw ng napakalakas ang tunog ng pagsabog ng kalupaan sa parteng ito kung saan ay nagkaroon ng nakakakilabot na pagkakagulo ng daloy ng hangin na siyang humahampas ng maharas sa mukha ng binatang si Valc Grego.
Mabilis niyang pinalaho ang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 at mabilis niyang ipinukos ang kaniyang sarili sa nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird. Naiinis na siya rito at hindi niya ito maaaring paslangin.
Mabilis na lumitaw sa kamay nito ang isang mahabang sibat na kulay itim. Hindi niya aakalaing gagmaitin niya ito upang pinsalain ang nasabing halimaw na Black Neo Bird.
Ssshhhhiii... shhhhhhi.... shhhhhiii... Ssshhhhiii... shhhhhhi.... shhhhhiii...
Gamit ang lakas nito ay mabilis nitong iwinasiwas ang kaniyang mahabang sibat sa ere habang pinupunterya nito ang dambuhalang pakpak ng halimaw na Black Neo Bird.
"Ngayon na!" Sambit ng binatang si Valc Grego nang makahanap ito ng magamdang pagkakataon at mabilis nitong ibinato ng buong lakas ang nasabing mahabang sibat niya at bumulusok ito ng mabilis papunta sa nasabing halimaw na Black Neo Bird.
...
Lingid sa kaalaman ng binatang si Valc Grego ay maraming mga nilalang ang nanonood sa kaniya. Halos lahat ng mga ito ay nasa pagitan ng mga Cultivation Level na Martial Ancestor Realm hanggnag Martial Precognitor Realm na mga eksperto.
"Hahaha... Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob ng binatang iyan na sunggaban at labanan ang paboritong alaga ng matandang hukluban na iyon." Sambit ng isang lalaking Cultivator na makikita ang napakahabang peklat sa pisngi nito. Tila ba mayroong kung anumang nilalang ang kumalmot rito. Sa tagal niyang naririto ay alam niyang tanging ang mga dayuhan lamang ang nagbabalak na labanan at puntahan ang mismong tirahan ng nasabing halimaw na Black Neo Bird. Isa itong misteryosong nilalang na napakalakas at bihasa sa labanan sa hindi malamang dahilan ay hindi pa ito kailanman natatalo sa kung sinuman at alam niyang alaga ito ng nasabing huklubang matandang lalaki na tanging nagpaamo sa nasabing halimaw na Black Neo Bird. Sa kung sinumang nagbabalak na puntiryahin ang nasabing alaga nitong halimaw na ibon ay siguradong mamamatay sa alaga niyang halimaw na ibon na Black Neo Bird o siya mismo.
"Nakakatakot nga ang nilalang na matandang iyon. Ewan ko lang sa binatang iyan kung makakaligtas ito sa kaniyang sariling kalokohan." Sambit pa ng isang Cultivator na tila matagal na rin rito. Katabi lamang siya ng naunang nagsalitang Cultivator ngunot alam niya ang patungkol sa matandang nilalang na nagmamay-ari sa nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird. Sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala doon. Napakahambog at napakamapagmataas ang matandang nilalang na iyon na talaga ipinangalandakan na pag-mamay-ari maging ng tagapangalaga ng nasabing halimaw ba ibon na Black Neo Bird. Hindi niya nagustuhan ang pag-uugali ng matandang lalaking iyon maging ng estrangherong binatang nasa harapan nila mismo. Kung maaari nga ay gusto niyang mapaslang iyon.
"Tingin ko ay hindi tagarito ang estrangherong binatang iyan. Goodluck na lang sa kaniya! Isa lamang siyang Martial God Realm Expert ngunit sa ipinapakita nito sa laban ay masasabing hindi siya ganon kabihasa pa hahaha" Sambit naman ng isa pang Cultivator. Masyado siyang hindi kumpiyansa sa nasabing binatang estranghero na Martial God Realm Expert dahil hindi naman basehan ang Cultivation Level lamang lalo na sa aktuwal na labanan. Nakabase pa rin ito sa kung gaano ka kabihasa sa larangan ng pakikipagbuno sa labanan at kung gaano ka kalakas sa iyong gagawing mga atake.
"Sinabi mo pa, kung di ba naman tanga. May alam ba yan sa Hunting Ground na ito? Di man lang nagtanong kung ano-ano man lang ang rules dito o kung mayroon bang lugar na di pwedeng galawin dito." Sambit naman ng isa pang Cultivator kung saan ay tila wala itong tiwalang mananalo ang binatang si Valc Grego kung saan ay pawang negatibo lamang ang maaaring sabihin niya rito lalo na ang pagiging mangmang nito patingkol sa mga mahahalagang impormasyon patungkol sa mga lugar na pwedeng galawin o galugarin at sa mga mahahalagang nilalang na mayroong mga lugar rito. Masyado naman kasing hindi pagiging matalino kundi sobrang confident lamang siguro ng nasabing nilalang na ito para gumawa ng kabalbalan. Sino ba kasing tangang susugod sa pambihirang halimaw na ibon na Black Neo Bird at kalabanin ito not knowing na pagmamay-ari na pala ito ng iba.
"Asa ka pa, marami kayang mga hindi tagarito ang dumadayo dito and they will end up dying here. Talagang hinahatid lamang nila ang sariling buhay nila rito at mapaslang ng kung sino-sino man lang." Tila may habag o lungkot namang nararamdaman ang isang Cultivator na ito kung saan ay wala naman itong hangad na mapasama ang binatang estrangherong ito ngunit tingin niya ay masyado lamang itong padalos-dalos at hindi nito pinag-iisipang mabuti ang lahat. Marami ng nangamatay na estranghero rito mapabata man o matandang Cultivators kaya hindi na siya magtataka Kung madadagdag sa listahan ng mga yumao ang binatang ito na si Valc Grego.
"Hahaha buhay naman nila yan eh, basta ako natutuwa akong mapaslang ang mga dayuhan rito. Never pang nagkaroon ng titulo ang mga dayuhan rito at wala silang lugar dito hahaha....!" Sambit pa ng isa pang Cultivator habang makikitang naniniwala itong ang personal choice ng binatang ito ay sa kaniya lamang at ang lahat ng mangyayaring masama rito ay kasalanan lamang rin nito at walang dapat sisihin.
"Kaya nga hahahaha!!!!!" Napatawa na lamang ang isa pang Cultivator habang napatawa rin ang iba pa.
Hahahaha!!!!
Hahahaha!!!!
Hahahaha!!!!
Hahaha ha!!!!
...!!!!
Para sa kanila, ang katangahan kasi at confidence ay dapat ding limitahan maging ang paglugar sa mga pag-uugali o katangiang ito ay nararapat kung ayaw mong ang katapusan ay babagsak sa mismong sarili mo.