"Wag kang magpapaloko sa itsura o anyo lamang ng mga nilalang. Palagi kong sinasabi na wag kang mangmaliit at manlait sa mga nilalang na di mo pa ganoong kilala at nakita. Kahit sabihin ko sayo ang bagay na iyan ay palagi mo na lamang pinapairal yang pagiging stereotype mo o pagiging self-centered. Hindi kasi lahat ng mga henyong mga nilalang ay nasa mga malalaking Sect o mga malalaking mga Akademya o Paaralan, minsan nasa mismong kagubatan at mga daan lamang na hindi mo alam. Ipasok mo sa kokote mo yan Pevil dahil ayokong iyan ang maging dahilan ng pagbagsak at kamatsyan mo!" Panenermon naman ng nakarobang ginto na may edad na lalaki habang bakas sa boses nito na hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng kaniyang sariling disipulo. Nagulat naman at napayuko na lamang si Pevil, minsan lang k

