Agad na namuo ng tuluyan ang Dark Element Fireball sa bibig ng nasabing halimaw. Halos kasing laki ito ng ulo ng tao kung saan ay mabilis nitong ibinato sa kinaroroonan ng binatang si Valc Grego na lumilipad. WHOOOSHHHH!!!!!! Isang naglalagablab na itim na fireball ang biglang pinalasap ng Black Neo Bird sa direksyon ng binatang si Valc Grego kung saan ay mabilis itong naglakbay papunta sa nasabing binata. Tila ba gusto nitong paslangin ng agaran ang nakasuot ng itim na maskarang binatang si Valc Grego. "Hahaha... Anong tingin ng halimaw na ito, matatablan ako ng peste at pipitsuging dark element fire niya? Mukha ba kong joke sa kaniya?!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang mabilis nitong iniwasan ang nasabing bolang apoy na iyon. Hindi siya tanga para pag-aksayahan iyong saluhin a

