Nandirito sila ngayon sa isang napakalawak na lugar at halos puro mga batuhan lamang ang naririto. Masasabing tanghaling tapat ngayon kung saan ay makikitang hindi gaanon karaming bagay-bagay ang makikita sa paligid, mga bato, mga mumunting d**o at kapansin-pansin ang naglalakihang mga puno na tinatawag na Neo Tree. Isa itong napakataas at dambuhang puno lalo pa't ang punong ito ay tila humahalik na sa kalangitan lalo na sa kaulapan. Kahit na ang lugar na ito ay halos puro batuhan lamang ay maikitang berdeng-berde pa rin ang matingkad na kulay mga malalapad nitong mga dahon. Karaniwan din kasing makikita anf Neo Tree sa mga lugar na tanito ang klase ng klima at geographical locations nito.
Hindi naman imposibleng tumubo rito ang iba pang mga halaman o puno rito dahil hindi naman ito desyerto o purong buhangin lamang ang tanging nag-eexist. Hindi man gaano kasustansiya ng lupa rito pero nakadepende pa rin iyon sa mga factors ng lugar. Isa pa ay napakadelikado ng lugar rito at nagkalat lamang ang mga halimaw rito lalo na kung gutom na gutom na ang mga ito kaya ang Beast attack o pag-atake ng mga nasabing mga Martial Beasts ay nasa high alert talaga. Kapag may pumupunta rito ay talaga namang grupo-grupo o batalyon talaga kung maaari. Ang Law of Jungle kasi dito ay nag-eexist. Dahil kung feeling mo ay napakalakas mo at di mo kinakailangan ng mga grupo dito ay talagang ang succession rate na makauwi ka ng ligtas at buo pa ang katawan mo ay close to zero percent. May ganoon kasing klase ng tao o nilalang eh, yung feeling kayang-kaya lahat lalo na ang paglalakbay sa lugar na ito at mahilig gumawa ng mga kalokohan, siyempre buhay naman nila yan kaya ganon na lamang siguro kaya they end up dying in a miserable way of death because self confidence and reckless choice in making decisions. Kaya marami ang playing safe at amg survivability ang priority kaya they will join a group of individuals to create a troupes or large troupes.
Paano na lamang kung nakita nila ang isang nakamaskarang kulay itim na binatang si Valc Grego at ang isang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na naglalakbay sa lugar na ito na tinatawag na Desolate land of Neo na isang Hunting Ground? Tiyak na pagtatawanan nila ang mga ito. Mukha bang isang paslayan ng dalawang nilalang lamang ang lugar na ito. Kahit na isang Martial God Realm Expert ang binatang si Valc Grego ay hindi pa rin maaaring balewalain ang napakadelikadong lugar na ito.
Maya-maya pa ay huminto sila Valc Grego at ng halimaw na si Dark 1 sa kanilang nilalakaran. Nakita at narating na kasi nila ang mismong lugar na kinaroroonan ng nasabing Black Neo Bird na mismong dambuhalang pugad nito na nagsisilbing tirahan nito ay nasa itaas mismo ng nakikitang puno ng Neo Tree sa harapan nila, ilang metro lamang ang layo nito. Walang mapapansing kakaiba sa malaking puno na ito liban na lamang sa kalupaan na mayroong nagtatalimang mga d**o na tinatawag na Thorning Grass na tila espadang nakatutok sa hangin habang ang mga baging ay tila hindi gumagalaw ang mga ito na nakakapit sa puno.
"Narito na po tayo Pinunong Valc. Ano ang maaari kong gawin para mapinsala ng tuluyan ang halimaw na iyon at maging katawan mismo ni Dark 2?!" Sambit ng halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
"Maghintay ka lamang rito. Sinabi ko nga kanina na ako na lamang ang gagawa ng trabahong ito. Sa susunod ay hindi na ako tutulong pa sa pagbuhay sa kapatid mo. Malaking abala ito lalo pa't napakababa pa ng Cultivation Level ko. Gusto kong manghasik muna ng mumunting kaguluhan sa North Wing at isusunod ko ang iba pang mga Wings. Gusto kong iparamdam sa kanila ang presensya ko habang hahanap tayo ng paraan para buhayin ang iba mo pang mga kapatid hehehe." Sambit ng nakamaskarang binatang si Valc Grego habang malademonyo itong ngumisi sa huling pangungusap na sinabi nito.
"Gusto ko yan pinuno. Hindi tayo maaaring maging kampante lalo pa't maraming mga eksperto ang nakakalatsa iba't ibang parte ng Central Region na ito. Mas mabuting maging ligtas tayo habang gumagawa ng mga kaguluhan. Hindi maaaring tayo lamang ang magdusa ngayon pati na rin ang mga opisyales ng iba't ibang Wings hehehe." Malademonyong sambit ng halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Masyadong maganda ang planong ito at masyadong exciting. Sino ba naman siya para tumutol diba? As if na may magandang plano siya eh isa lamang siyang 6 Star Màrtial Ancestor Realm Beasts. Baka pumalpak lang kung siya ang mag-iisip ng planong ito.
Ang nakalutang na nakamaskarang itim na binatang si Valc Grego ay mabilis na lumipad paitaas ng himpapawid patungo mismo sa direksyon ng nasabing kinaroonan ng dambuhalang pugad na tirahan ng nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird.
Ngunit bago pa makapunta ang binatang si Valc Grego sa nasabing dambuhalang pugad na tirahan nito ay nakarinig siya ng malakas na atungal ng isang dambuhalang nilalang.
Shhhrrrrrriiiiiiiiieeeeeecccccccckkkkkkkkk!!!!!!!!
Isang malakas na atungal ng ibon nag narinig niya sa di kalayuan.
"Hmmmp! Black Neo Bird, ngayon ang araw na magtutuos tayo!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang mabilis nitong itinaas ang kaniyang depensa at biglang humaba ang mga kuko niya sa dalawang kamay nito.
Biglang nakita ng binatang si Valc ang pamumuo ng bolang enerhiya sa bibig ng nasabing Black Neo Bird na ilang daang metro lamang layo sa kanya.
"Interesante. Tunay ngang kakaiba ang Black Neo Bird dahil sa kakayahan niyong magpalabas ng dark element Fireball upang paslangin ang kalaban niyo pero hindi sakin uubra yan hahaha!" Sambit ng nakamaskarang itim na binatang si Valc Grego habang makikitang hindi ito mababakasan ng takot ang tono ng bose nito kundi bakas pa rito ang labis na kasiyahan at layuning labanan ang nasabing pambihirang halimaw na ibon na Black Neo Bird. Hindi siya makakapayag na madaig lamang siya mg pesteng halimaw na ibong ito. Siya si Valc Grego at hindi matatakot sa kahit na sinuman lalo na sa isang hamak lamang na mahinang klase ng ibon na siyang nagmula lamang sa bloodline ng Dark Neo Bird.