Chapter 31

1038 Words
Ano???! Saan mo nakita ang ganoong klaseng bagay Childe Critt?! Maaari ko bang malaman kung ano ang maaaring alam mo patungkol sa bagay na ito?! Masyado naman atang hindi kapani-paniwala ito?!" Seryosong sambit ni Clan Chief Oreo habang makikita ang labis na katanungan sa mga mata nito. Tila ba hindi nito maaaring palagpasin ang bagay na ito. "Hahaha... Kumalma po kayo Clan Chief Oreo. Hindi naman ganon kaimportante ang bagay na ito. Napansin ko lang yung dalawang nilalang na naglalakad palabas sa tarangkahan mismo ng Black Swamp ay biglang nawala ay isang tao tsaka isang halimaw na Mutated Giant Black Bear. Wala naman akong napansin sa lalaking nakamaskara at nakarobang itom ngunit ang Mutated Giant Black Bear na iyon ay tila kakaiba ang awra nito. Kahawig kasi ito ng awra ng ating Clan Guest na si Lord Mahu. Yun nga lang ay isang mahaba at malaking hibla lamang ang nakita ko sa likod nito na tila gumagalaw na kulay itim ang kulay habang ang lalaking nakamaskarang itim ay nakasunod lamang sa likuran ng halimaw na Mutated Giant Black Bear. "Kailangan itong malaman ni Lord Mahu sa lalong madaling panahon. Hindi ko aakalaing buhay na pala ang isang Dark Lord na iyon. Masyado pang maaga para sumiklab muli ang napipintong digmaan. Hindi maaaring baliwalain ang presensya ng mga ito at ilang taon lamang ay maaari na silang lumakas." Sambit sa isipan lamang ni Clan Chief Oreo habang tila nasa malalim pa rin ito ng pag-iisip. Napansin naman ng binatang si Childe Critt ang nasabing pagkakatulala at malalim na pag-iisip ni Clan Chief Oreo. "May problema po ba Chief?! Parang natulala po kayo ah. Wag niyong sabihin na natakot kayo sa dalawang nilalang na iyon. Ang taong nakamaskarang itim na may itim na robang suot ay isang 8 Star Martial God Realm Expert lamang habang ang halimaw na Mutated Giant Black Bear ay isa lamang 6 Star Martial Ancestor Realm Beasts. Mas malakas kayo ng higit doon hehehe..." Sambit ng binatang si Childe Critt. Masyadong mahina ang dalawang nilalang na iyon kaysa kay Chief o alinman sa mga opisyales nila rito. Para sa kaniya ay kayang-kaya nilang tugisin at paslangin ang mga iyon sa kanilang pamamaraan lamang. "Hmmm kung ganon ay hindi pa ganoon kalakas ang mga ito ngunit nakakabahala ang muling paglitaw ng isa sa mga Dark Lords lalo na at si Dark 1 ito. Kung kaya lang sana naming paslangin ng tuluyan ang mga Dark Lords habang hindi pa sila muling mabubuhay o mabubuhay pa ay tapos na sana ang malaking problema naming ito. Hayst, sana ay marefine ng tuluyan ang mga ito at maging enerhiya lamang ay magiging payapa na sana ang mundong ito. Hindi na sana kailangan pa ng aking angkan na sumali sa digmaan. Hmmp!" Sambit na lamang ni Clan Chief Oreo. "Ah eh... Wala naman. Salamat sa iyong pagbalita. Sa ekspresyon palang ng mukha mo ay alam kong gusto mong makitang muli ang pamilya mo hayst, dapat ay alalahanin mo na prayoridad mong magkaroon ng maraming karanasan sa labas ng ating angkan at wag umasa sa magulang mo. Pasaway na bata ka talaga Childe Critt, akala mo ay hindi ko alam na kinakasabwat mo ang ama at ina mo para kumuha at dalhin ang mga Cultivation Resources para sa pansariling gamit mo?!" Tila seryosong sambit ni Clan Chief Oreo habang nakatingin sa binatang si Childe Critt. Masyado kasi itong naging spoiled sa mga magulang nito. Hindi naman matitiis ng mga magulang nito na hindi ito bigyan dahil anak pa rin naman nila at ayaw din nila itong nahihirapan ngunit it doesn't mean na tinotolerate nila ito. Malaki pa rin ang tiwala at respeto nila sa kanilang Clan Chief na si Oreo kaya sinusumbong nila ito, alam nilang maiintindihan naman ito ng Clan Chief. Magkababata din ang mga ito kaya hindi masamang pagkatiwalaan ang mismong lider o pinunong angkan nila. Kaso nga lang ay pasaway din itong si Childe Critt, yung tipong kukuntiyabahin niya ang sariling magulang at kokonsensyahin ang mga ito para pagbigyan siya. "Huh? Ah... Eh... Hehehe...!" Tila awkward na sambit ng binatang si Childe Critt habang hindi ito makatingin sa mata ng may edad na lalaking si Clan Chief Oreo. Napayuko na lamang ito dahil wala talaga itong lusot. "Naku naman Childe Critt, ayusin mo ang ginagawa mong misyon ha. Napaka-unfair naman kasi kung ito- tolerate ko iyang pag-uugali mo. Sana naman maging magandang halimbawa ka o ehemplo sa mga kaedaran mo at kapwa mo Clan Childes. Dapat marunong kang humanap ng paraan at pamamaraan para magkaroon ka ng Cultivation Resources na gusto mo. Hindi kasi sa lahat ng panahon ay nandiyan ang mga magulang mo parati o ninyo. Hindi ko din alam kung ano'ng mangyayari sa angkan na ito kung sakaling mawala ang isang importanteng mga opisyales dito. Bata ka pa Childe Critt ngunit alamin mo ang pangarap mo at matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa." Paalalang sambit ni Clan Chief Oreo sa nakayukong si Childe Critt. Never siyang nagpo-promote ng biases o favoritism sa kahit sinong indibiduwal, mapa-childes man ito o hindi. In the end of the day ay mayroong indibiduwal na daang tatahakin ang bawat isa sa mga ito. Hindi kasi maaaring maging pabaya lamang siya o sila sa mga ito. Taga-gabay lamang siya ng angkan upang dalhin sa kabutihan o ikabubuti nilang lahat lalo na sa mga batang henerasyon dahil sila ang kinabukasan ng kanilang angkan, kung walang gagabay o didisiplina sa mga ito ay talagang mapapariwara ang mga buhay ng mga ito at baka ma-dissolve ang angkan ng agaran kapag nangyari ito. That's always a sad reality lalo na at hindi naman law of jungle ang patakaran sa angkan na ito na hindi katulad sa ibang ang mga buhay ay tila wala lamang sa mga ito pero as long as maisaayos ang buhay ng mamamayan ng angkan na ito ay gagawin at ginagawa ang lahat ng pamamaraan. Naniniwala kasi si Clan Chief Oreo na ang titulo niya is hindi lamang pangalan o salita lamang kundi isang mabigat na tungkuling dapat gampanan ng maayos. ... Mabilis na lumitaw mula sa kawalan ang dalawang nilalang na walang iba kundi ang binatang si Valc Grego kasama ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD