Ikalimang araw na nilang namamalagi sa malawak na manor na nirerentahan nila ng grupo nina Van Grego. Siyempre ay sagot lahat ng upa nila ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine. Ano pa at isa siyang prinsesa ng kaharian nila kung kaya ang problemang pinansyal nila ay hindi na dapat intindihin pa. Maya lang ay dalawang linggo lamang ang maaaring itagal nila alinsunod sa palatuntunan na umiiral sa buong Maldo Village. Kahit ano'ng yaman ang meron ka ay hindi maaaring baliin ang sinusunod na batas ng mga ito lalo pa't hindi maaaring manatili ang mga dayo o dayuhan rito. Bukas ang Maldo Village sa anumang klaseng transaksyon at mga kalakalan pero may limitasyon ito. Kahit sina Van Grego maging ang mga kasamahan niya ay labis ang pagtataka sa bagay na ito. Parang it turns out na buk

