Isang bagong araw muli ang nagdaan matapos ang masalimuot na paglalakbay nila ng binatang lalaking si Van Grego sa loob ng Tombstone Battlefield maging ang paglabas nila mula rito gamit ang rutang daanan na walang iba kundi ang Black Swamp. Hindi ito isang pangkaraniwang senaryo o lugar para sa mga mahihinang loob na mga nilalang. Ang Tombstone Battlefield ay masasabing isa sa pinakadelikadong lugar sa kasaysayan ng mundong ito. Kung paanong naiiba ito at naging lugar na naging malayo sa kabihasnan ay dahil na rin sa itinatagong misteryo ng nakaraan. Ang sinumang nilalang ay talagang mangingilabot sa itinatagong pangil ng bawat lugar rito. Sa katotohanan ay nasa safe zone pa rin ang lugar na napuntahan nina Van Grego maging nina Prinsesa Nova Celestine at Ginoong Rain lalo pa't nasa teri

