Agad namang nakauma ang magkapatid na sina Elaina at Gail sa bagay na ito. "Sa totoo lang ay hindi ito ang unang beses na naranasan ko ang bagay na ito. Naalala kong bata pa lanang ako ng isama ako ng aming magulang papalabas ng Tombstone Battlefield. Bumabagyo pa noon habang ang aking ina ay nagbubuntis pa lamang sa aking kapatid na si Elaina. Narinig ko ang pamilyar na tunog nito. Kinwento sakin ng aming ama na ang bagay na ito ay isang natural na penomenang nangyayari sa gitna ng Black Swamp. Naririnig niya ito at nakikita. Matapos ang pangyayaring iyon ay ilang linggo lamang ang nakakalipas nang mawala ang aming magulang. Sigurado akong may kinalaman ito sa pagkawala ng aming mga magulang! Akala ko ay matatakasan ko ang bangungot ng nakaraan ngunit hindi pala. Patuloy pa rin nito akon

